Vaness del Moral one of five leading ladies in new TV series

After a number of supporting roles, Vaness del Moral (in photo) gets her big break in Faithfully, as one of five leading ladies, including Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Isabel Oli and Isabelle Daza. The series starts June 18 on GMA Afternoon Prime.


Natutuwa si Vaness del Moral dahil unti-unti nang nagle-level up ang roles na ginagampanan niya sa mga teleserye ng GMA-7.

Kung dati kasi ay supporting lang siya hanggang sa maging full-fledged kontrabida sa Kokak, sa bagong Kapuso afternoon soap na Faithfully ay isa na siya sa limang bidang babae kasama sina Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Isabel Oli at Isabelle Daza. Mapapanood ang serye simula June 18 sa GMA Afternoon Prime.

“Masaya ako, nakaka-touch siyempre dahil napansin nila ako ulit at binigyan nila ako ng isa pang magandang role pagkatapos ng Kokak at ng pag-guest ko sa Broken Vow.

"So, thankful ako sa GMA at saka sa Artist Center dahil nakikita naman nila yung efforts ko. Masaya ako na yung ibinigay nilang project na bago ay sobrang bago rin ang role na ginagampanan ko,” sabi ni Vaness nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano naman ang challenge sa kanya ng role niya rito?

“Yung challenge nitong role ko rito bilang si Dina Carvajal, sa iba kasi all through out kontrabida ako dere-deretso. Dito nagba-vary, nagpapalit.

"Parang minsan ang bait-bait ko, tapos biglang sasama tapos babait na naman. Bida-kontrabida yung role, parang ganun. So, nag-level up talaga.”

BEING FAITHFUL. Dahil Faithfully nga ang title ng soap nila, natanong tuloy ng PEP kay Vaness kung gaano ba kahalaga sa kanya ang pagiging faithful sa isang relasyon?

“Siyempre mahalaga yun lalo na kapag meron kang partner o boyfriend. Ang pagiging faithful hindi lang siya dahil nandiyan siya sa tabi mo or nakikita mo siya, kailangan kahit wala siya o hindi mo siya nakikita at malayo siya, alam mo sa sarili mo na siya lang ang mahal mo, sa kanya ka lang, sa iyo lang siya, and masaya kayo.

"Pag hindi ka faithful iyan yung isa sa magiging cause ng problema at ng paghihiwalay kapag merong kang partner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, confident naman siya na faithful sila sa isa’t isa ng boyfriend niyang si Biboy Ramirez?

“Of course, yes. Ako, lalo na ako, confident ako.”

STILL NO WEDDING BELLS. Two years and nine months na raw ang relasyon nina Vaness at Biboy pero wala pa silang planong magpakasal.

“Ang dami ngang nagtatanong kung kailan ang kasal. Ang sabi ko, hindi ko pa alam.

"Sabi ko, sabihin na lang nila kay Biboy na mag-propose na siya para pag nag-propose na siya, oo naman ang isasagot ko e.

"Pero sa ngayon po wala pa po talaga kaming pinag-uusapan tungkol sa kasal.”

Ano ang sikreto nila at napananatili nilang matatag ang relationship nila?

“Sa aming dalawa, lahat ng bagay napag-uusapan. Lahat ng pinagseselosan o hindi dapat pagselosan. Lahat ng hindi dapat pag-awayan. Lahat napag-uusapan namin talaga.”

Sino ba ang mas nagseselos sa kanilang dalawa?

“Pareho lang e. Pareho kami ng level ng pagseselos. Pero yun nga sabi ko, lahat yun napag-uusapan ng maayos at hindi nagkakataasan ng boses o hindi nag-aaway.

"Pag nag-aaway kami, after noon, pag-uusapan namin, ‘Bakit tayo nag-away? Bakit ganito? Bakit ganyan?’

"So, dun pa lang bago matapos yung araw o yung gabing yun pag-uusapan namin kung ano yung naging problema. So, yun nagkakaayos din kami.”

Gustung-gusto raw ni Vaness kapag nagluluto si Biboy.

“Pag nag-e-experiment kasi siya ng pagkain, siyempre ako yung guinea pig niya, ako yung taga-tikim kung masarap ba yung luto niya o hindi.

"Pero in fairness naman lagi naman masarap ang luto niya, minsan konting adjustment lang masarap na.

"Parang nung nagluto siya ng kimchi pasta, nung una parang ayokong kainin pero nung tinikman ko nga, masarap. Ako ang umubos nung pasta na ginawa niya.

"Gumawa rin siya ng pasta ulit na may bagoong isda at saka kamatis at sibuyas. Sabi ko, ano yan? Pero kinain ko, naubos ko rin, masarap. Yun ganun siya, mahilig siyang magluto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WISHING FOR PROJECTS FOR BIBOY. Kung si Vaness ay sunud-sunod ang projects sa GMA-7, kapansin-pansin namang walang ginagawang TV shows si Biboy ngayon. Ano ba ang pinagkakaabalahan ngayon ng boyfriend niya?

“Deretso pa rin po siya sa theater. Sa TV shows naman still waiting. Under Viva pa rin po siya.”

Hindi ba napu-frustrate si Biboy na tila lumamlam ang career niya?

“Hindi po kasi namin masyadong pinag-uusapan yung trabaho pag magkasama kami.”

Ano ang nararamdaman niya para sa career ng boyfriend niya?

“Siyempre ako, gusto kong magkatrabaho na ulit siya, magkaroon ng project sa TV.

"Siyempre minsan nakaka-frustrate din yung nakikita ko siyang nasa bahay lang. Tapos napapansin ko tumataba ulit siya.

"Ayaw niyang sabihin sa akin kung bakit siya tumataba. Feeling ko nade-depress din siya kasi wala pa siyang bagong trabaho.

"Hindi pa siya nagkakaroon ng regular na show. So, feeling ko isa yun sa cause kung bakit siya tumataba. Kaya lagi ko siyang niyayayang mag-boxing.”

Paano niya sinusuportahan si Biboy sa pinagdadaanan nito?

“Kung anong dumating na trabaho sa kanya, sasabihin niya sa akin, ‘Tatanggapin ko ba ito?’

"’Oo naman, bakit hindi?’ Mahirap maghanap ng ganyan, sasabihin ko sa kanya.

"Tapos yun nga siyempre gusto ko siyang pumayat. Kasi lahat ng tao sinasabi sa akin, ‘Papayatin mo si Biboy para magkaroon siya ng bagong project.’

"So, ine-encourage ko siya o kaya pinipilit ko siya, ‘Tara gym tayo. Tara boxing tayo.’ Para sabay kami.”

NO ISSUE WITH JACKIE. Hanggang ngayon, may mga nagtatanong pa rin kay Vaness kung nagpapansinan ba sila ni Jackie Rice lalo na’t sa isang network lang sila nagtatrabaho. Dati kasing girlfriend ni Biboy si Jackie.

“Nagkita kami nung Sunday [June 10] sa Party Pilipinas. Pareho kami ng dressing room and then since busy naman kami pareho dahil siya mine-make up-an siya para sa launch ng bago niyang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman nagbibihis ako para dun sa prod (production number) ko. Hindi kami nagkaroon ng chance na mag-hi sa isa’t isa.

“Pero pagdating doon sa baba, nakatalikod kasi ako e, paglabas niya nag-hi sa kanya yung kausap ko. Pagtingin ko si Jackie pala iyon. Sabi niya hi, tapos nagbeso kami. Okay naman kami.”

Never naman daw nagkaroon ng problema sa kanila ni Jackie.

“Matagal na kaming okay. Nung nagkasama kami sa Spooky Nights, nagkita kami doon, nagkausap ng kahit konting chat.

"E, pack-up na siya, so hindi rin ganung katagal yung pag-uusap namin.”

Nagkapaliwanagan na ba sila ni Jackie ngayong siya na ang girlfriend ni Biboy?

“Wala namang paliwanagan na kailangang mangyari kasi wala namang inagawan at saka wala namang nang-agaw.

"Walang isyu sa aming dalawa. At least okay kami ni Jackie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN