Andi Eigenmann says she will not press Albie Casiño to admit he’s the father of her baby Ellie: "Kung ayaw, ayaw; kung wala, wala."

Will Andi Eigenmann allow her daughter Ellie to join showbiz?

“Kung commercial at may mag-aalok, bakit hindi? Payag ako pero wag artista. Gusto ko sa ibang mundo lumaki ang daughter ko. Ako, nandito na ang family ko, nandito na ako. Gusto kong ma-expose siya sa iba pero eventually, paglaki niya, pagtanda niya, pagka-graduate niya ng college at gusto niya talaga e, di sige. Matagal pa naman yun pero sa ngayon,



Balita na tuluyan na raw tatalikuran ni Albie Casiño ang showbiz at ipagpapatuloy na lang ang pag-aaral nito.
Naituturong ama ng anak ni Andi Eigenman at kamakailan nga ay naugnay sa isang insidente kung saan binugbog siya sa Fiama Bar ng ilang kalalakihan na sinasabing malalapit na kaibigan daw ng aktres.
Para sa iba, ang mga di raw magagandang kaganapan na kinasangkutan ni Albie ang maaaring rason kung bakit nagdesisyon na raw ang young actor na piliin na lang mamuhay bilang isang ordinaryong tao at iwanan na ang showbiz.
Sa nakaraang trade launch ng mga bagong bubuksang shows ng ABS-CBN sa NBC Tent sa The Fort, Thursday, June 14, kung saan isa sa main cast ng seryeng Kung Puso’y Masugatan si Andi, agad hiningan namin ng reaksyon ang young actress sa desisyon na ito ng ex-boyfriend.
“Okay yun kasi nung nakakapag-usap pa kami ni Albie, gusto naman talaga niyang mag-aral, yun ang talagang gusto niya. I’m happy to hear na he’s back to school talaga, buti naman yun.”
Tinanong din namin si Andi sa sinabi raw ni Albie na nasira raw ang buhay niya dahil sa showbiz kung saan ang di magagandang nangyari sa kanila ang isa sa ikinasira raw ng showbiz career ng aktor.
“Depende naman yun kung paano tatanggapin ang mga pangyayari sa buhay natin di ba?
"Kung ganun ang pinaniniwalaan niya, wala naman tayong magagawa doon, ang mas mahalaga ay kung ano ang nasa puso mo.”
Consistent pa rin si Andi sa paniniwala niya na kung darating ang panahon na kikilalanin ni Albie ang anak niya, ay lagi siyang bukas dito.
“I’ll always be open to that because he’s the father of my child. Hindi mawawala yun, pero hindi mo ipipilit ang ganun.
"Kung ayaw, ayaw; kung wala, wala.
"Kung masama ang ano nila sa amin, hindi kami gaganti, walang ganun-ganun, pero hindi rin namin ipipilit yun kasi puwede ko namang mapalaki si Ellie kahit hindi niya makilala si Albie.”
Kinumusta namin kay Andi ang kaso na isinampa ni Albie dahil sa pambubugbog daw sa kanya kung saan naniniwala daw ang young actor na may kinalaman daw dito si Andi.
“Hindi ko alam, wala naman talaga akong alam dun,” ang sagot ni Andi.
Kapansin-pansin na walang bitterness o sama ng loob na mababanaag kay Andi habang kausap namin siya. Ayon sa young actress ay wala talaga siyang anumang negative feelings kay Albie o kahit kaninuman.
“Bakit pa ba ako magiging bitter, I wouldn’t want [to live] my life any other way.
"Ang saya-saya ko ngayon, walang dahilan para maging bitter ako, walang nawala sa akin nung nawala siya.
"Masayang-masaya ako kay Ellie, nawala nga siya [Albie] pero may naibigay naman sa akin na sobrang gandang angel and I really want to take care of her and really love her really.
"It’s a waste of time for me to be bitter over someone who doesn’t even care.”
FATHER’S DAY. Tomorrow, June 17, is Father’s Day. We asked Andi how she will celebrate this special occasion.
“Magla-lunch kami with my Dad [Mark Gil] kasama si Ellie.
"Aware naman ako dun at naiisip ko din yun. Minsan maiisip mo masakit. Pero minsan... para mas ma-appreciate natin ang mga magagandang bagay sa buhay... matapos nating masaktan at mahirapan.
"Kailangan nating pagdaanan ang mga masasakit. Feeling ko it’s just part of life.
"As much as much as it would hurt me and Elli, we have to face that and eventually, find out why. Pero hindi pa natin alam. Malay mo, biglang gusto niyang makilala ang anak niya.”
Tulad ng kanyang mga magulang ay gumawa na rin ng sariling pangalan sa showbiz si Andi. Pero nang tanungin namin kung papayagan ba niyang mag-artista si Ellie tulad niya, ito ang sinagot sa amin ni Andi:
“Kung commercial at may mag-aalok, bakit hindi? Payag ako pero wag artista.
"Gusto ko sa ibang mundo lumaki ang daughter ko. Ako, nandito na ang family ko, nandito na ako.
"Gusto kong ma-expose siya sa iba pero eventually, paglaki niya, pagtanda niya, pagka-graduate niya ng college at gusto niya talaga e, di sige. Matagal pa naman yun pero sa ngayon, ayaw ko.”
BACK TO WORK. Balik-telebisyon si Andi sa pamamagitan ng Kapag Puso’y Masugatan. Excited ang young actress sa kanyang pagbabalik-telebisyon.
“Masayang-masaya ako, excited [ako] na bumalik ng TV. Siyempre parang rebirth ko ito. Yun ang tinatawag ko dito sa pagbabalik ko.
"Ibang-iba ang makikita nila. More mature level na magpopokus talaga ako sa craft ko, sa acting ko, sa sarili ko.
"Gustong-gusto ko lang talaga maging mas mabuti pa ko kaysa before saka trabaho lang nang trabaho.
"Sana yung mga taong sumusuporta sa akin, nandiyan pa rin sila hanggang ngayon, na naghihintay pa rin sila na makita ako sa TV."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN