Mon Tulfo mulls attempted homicide charge against Claudine Barretto and Raymart Santiago

Broadcaster and columnist Ramon Tulfo (right) attended the preliminary investigation at the Pasay Regional Trial Court on June 13. Showbiz couple Claudine Barretto and Raymart Santiago (left) were a no-show and were represented by their lawyers. Tulfo reportedly plans to amend his physical injury and grave coercion charge to attempted homicide against the Santiagos.


Noong Miyerkules June 13, nagharap sa Pasay Regional Trial Court ang mga abugado ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago at ang kolumnista at radio host na si Ramon Tulfo.

Isinumite ni Tulfo ang affidavit ng kanyang mga saksi sa nangyaring insidente noong May 6 sa NAIA Terminal 3.

Matatandaan na ang pagtataas ng boses ni Claudine sa dalawang ground stewardess ang pinagmulan ng away ng kanyang asawang si Raymart at ni Tulfo. Ito’y matapos kunan ni Mon ang nangyayaring paninigaw ni Claudine sa dalawang empleyado, na pinuna naman ni Raymart.

Hindi sumipot sa pagdinig ang witnesses ni Tulfo kaya hiniling nito sa korte na mag-issue ng subpoena.

Tinutulan naman ito ng kampo nina Claudine at Raymart.

“Civic duty ng bawat mamamayan lalung-lalo na kung ikaw ay nasa gobyerno at pulis, na magtestigo, tumestigo sa isang krimen na nasaksihan mo,” ang pahayag ni Mon.

Ayon naman kay Atty. Rose Anne Rosales, abugado ni Claudine at Raymart: “They wanted this honorable office to send a subpoena to require their witnesses to be present here pero we oppose them kasi it’s their witnesses, it’s their responsibility to bring their witnesses here.”

Isa sa mga saksing nais ipatawag ni Tulfo ay ang Customs employee na si Marlon Atengco. Si Atengco rin ang sinasabing nag-record ng isang minutong video ng nasabing insidente.

“Merong isang nasabi si Atengco… tapos na yung gulo e, habang pinupulot ko na yung aking bag ay pilit na inaagaw ni Atilano yung baril ng isang airport police.

“Kaya sabi ko, ‘O, talagang gusto ata akong patayin,’” ang sinabi pa ni Mon.

Si Eduardo Atilano ang lalaki na nakasuot ng pink shirt na kasama ng grupo ng celebrity couple nang mangyari ang gulo.

Dahil sa bagong development na ito, pinag-iisipan ng kampo ni Tulfo na i-upgrade to attempted homicide mula serious physical injuries ang kaso laban kina Raymart at Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa abugado ni Tulfo na si Atty Jovito Barte: “They acted in unison, they have a common objective, that is not only to get the cellphone but to inflict permanent serious physical harm.”

“Justice must be served here. Kailangang mangibabaw ang hustisya dito. Hindi lang naman kasi ito laban ko e, laban ito ng mga taong inapi nila e,” pahayag pang muli ni Mon.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Jennifer Jimeno-Atienza na abogado din nina Claudine at Raymart: “Sa amin ano, bahala sila kung gusto nilang mag-file ng attempted murder, attempted homicide or attempted rape o kung anuman yan, ano?

"Basta sa amin ang importante para sa aming mga kliyente, naniniwala kami na matibay ang aming kaso at may basehan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN