Luigi Muhlach denies talk that he is not close to dad Aga: “But you know, we really are. When we see each other, we’re okay.”

Contrary to what people say about his relationship with stepmom Charlene Gonzalez, Luigi Muhlach reveals that from the time Charlene got married to Aga, Luigi has "accepted" Charlene as family. Luigi says to Charlene: “Ever since that I met you, tinanggap ka ni Papa sa buhay niya, I accepted you wholeheartedly.”


Sa "Celebrity True Story" segment ng The Buzz para kay Luigi Muhlach kahapon, June 17, Father’s Day episode, ang stepmother niyang si Charlene Gonzalez mismo ang nag-voiceover sa video presentation.

Si Luigi ay panganay na anak ni Aga Muhlach sa aktres na si Janice de Belen.

Sa video, ipinakita kung paano kinailangang iparanas ng mag-asawang Aga at Charlene ang “tough love” kay Luigi.

Sa live interview naman ni Luigi kahapon, si Charlene din ang nag-interview sa kanya.


SON’S REACTION. Matagal bago nakapagbitiw ng salita si Luigi sa napanood na video presentation at halatang overwhelmed at naging emosyunal ito.

Aniya, “My god, my God… thanks Tita Charls [tawag ni Luigi kay Charlene.]

"Grabe, I’m really touched,” paputol-putol niyang sagot.

Sinabi ni Charlene na nang pumasok sa buhay niya si Luigi, hindi na raw niya alam kung ano ang nangyari sa kanila.

Tanong ni Charlene kay Luigi, kailan at anong pangyayari na tinanggap na siya nito wholeheartedly as his stepmother.

“You know Tita Charls, wala… wala.

"Ever since that I met you, tinanggap ka ni Papa sa buhay niya, I accepted you wholeheartedly.

“Of course, kasi, grabe.”

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Luigi ang mapaluha.

Aniya, “Siyempre, if my dad’s happy with you, of course, I’m also happy for him. Yun…”

RELATIONSHIP WITH DAD. Sa mga hindi nakakaalam, hindi raw alam ng iba kung gaano ka-close si Luigi kay Aga.

Galing mismo kay Luigi, gustong malaman ni Charlene kung paano niya ilalarawan ang relasyon niya sa kanyang ama.

“With my Dad, you know, it’s funny, since people think, since I don’t live with my dad, I never grew up with him…

“Parang people think, you know, we’re not okay.

"But you know, we really are. When we see each other, we’re okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ni Charlene si Luigi kung ano nagugustuhan nito kay Aga.

Sagot ni Luigi, “My Dad, you know, grabe. I really look up to him.

"Parang sobrang napakabait niyang tao talaga. He’s very humble.

"I really look up to him. Idol ko talaga ang Dad ko. Parang naging inspirasyon talaga siya sa akin.

“He inspires me in many ways and I never had the chance to tell him that, but he really inspires me, too much, Tita Charls.”


Sinabi naman ni Charlene na nakikita niya yun lalo na kapag magkakasama sila.

LUIGI’S MESSAGE TO DAD. Kung may gustong sabihin si Luigi kay Aga at that moment na galing sa puso niya, ano ito?

“Right now, wait lang… wala na munang iyak!” natatawa niyang sabi.

“Pa, I never had the chance to grow up with you and I wanna let you know na lahat ng sinasabi mo sa akin, tumatatak sa akin yun—all the good things.

"And I was never given the chance to be like you. Since I look up to you, gusto ko na maging parang ikaw.

“Hindi dahil ikaw si Aga Muhlach or you’re financially stable or anything.

“You know, my dad is a really good guy.

“I really admire him. I really want to be like him kasi ang dami rin niyang taong natulungan sa buhay niya at ang daming nagmamahal sa kanya.

“I really hope my kids grow up to be like him talaga.”


REALITY CHECK. Ngayong tatay na rin si Luigi ng dalawa nitong anak na sina Alejandro at Adrianna sa asawang Patty, ano ang nare-realize ni Luigi ngayon?

“Na-realize ko na, you know, family is really important. Wala ka nang ibang tatakbuhan kung hindi pamilya mo.

"Dati noong bata ako, of course, siyempre noong teenager ka, ang mga ano [takbuhan] mo sa buhay… barkada, friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa huli talaga, talagang pamilya mo ang mapupuntahan mo and I hope my kids, you know, pagdadaanan din nila ang buhay…

“At kung pagdaanan nila ang buhay na pinagdaanan ko, okay lang. Pero sana kayanin nila.

“You know, life is hard,” pahabol pa niya.


FATHER’S FEARS. Ano naman ang fears ni Luigi para sa mga anak niya?

Sagot ni Luigi, “Natatakot nga ako na pagdaanan nila ang mga pinagdaanan ko.

"But if they have faith in God, they’ll be okay. They’ll be fine talaga.

“Kasi ako, it was really hard for me before, but nagtiwala ako sa Diyos.”


DAD’S MESSAGE. Ayon kay Charlene, naging witness sila ni Aga sa naging pagbabago ni Luigi at isa raw yun sa answered prayer nila.

Sinabi pa nito kung gaano siya ka-proud kay Luigi kung ano ito ngayon.

At dahil Father’s Day celebration kahapon, isang sorpresang letter naman ang binasa ni Charlene kay Luigi galing mismo kay Aga:

“Dear Luigi,

"I’m so happy that you’re doing very well with your career, your family and your kids.

"And I’m very proud of you. And I’m so glad that your dreams are slowly coming true.

“Every day, I give thanks na isang masayang pamilya tayo.

“As your father, I only want the best for you and I treasure all the moments that we spent together.

“I know you’re a great father.

"You’re a man now and you can make your own decision. And I know that you can stand on your own feet.

“Pero palagi kaming nandito to support you.

“Lastly, ituloy-tuloy mo lang ang pagpapayat na ‘yan, ha? Sayang ang pagka-guwapo mo.

“Mas lalong guguwapo kung payat ka.

"Love, your Dad.’”


EMOTIONAL RESPONSE. Naiiyak na halatang na-touched si Luigi na sabi niya, “Pa, grabe ang surprise mo ha?!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Luigi tungkol kay Aga, “Pa, Happy Father’s Day.

“You know, I’m really happy na sobrang okay na okay tayo ngayon.

“You know, yun nga, if sometimes you tell me things that I don’t listen to you… you know, Pa, tumatatak talaga sa puso ko yun.

“And I’m really thankful na kahit hindi tayo masyadong nagsama noon, nabago natin, naayos nating lahat.

"I love you Pa—grabe!”

Kahit si Charlene ay hindi na rin napigilang maging emosyonal at mapaluha.

Minsan pa nitong sinabi kay Luigi na mahal nila ito ni Aga at proud sila of how he has become.

Sabi naman ni Luigi, “Thank you, Tita Charls. You know, kahit hindi tayo magkadugo, you’ll always be mymMom too, also. Thank you.”

Naiiyak naman na sinagot ito ni Charlene ng: “Totoo ‘yan, Luigi. For me, you’ll always be my son.

“I’m not your biological mother, but in my heart, you’re my son.

"I love you and Happy Father’s Day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN