Marc Abaya keeps it strong for mom Marilou Diaz-Abaya who is battling Stage 4 cancer

Marc Abaya on mom Marilou Diaz-Abaya’s condition: “Lagi niyang sinasabi sa kanyang interviews that she’s ready to go. Handa na raw siya. But she has survived it for the past seven years. My mom is that strong. Hindi siya basta magpapatalo sa sakit niya... Naniniwala ako na may purpose ang Panginoon kung bakit nandito pa siya. Marami pa siyang gustong gawin. And I think, yun ang dahilan kung bakit she’s still surviving this. May meaning ang lahat ng


Nagpapakita na lang ng kanyang pagiging matatag ang rocker-actor na si Marc Abaya, lalo’t umakyat na sa Stage 4 ang breast cancer ng kanyang inang si Direk Marilou Diaz-Abaya.

Noong March ng taong ito, nagbalik ang sakit ng award-winning director-producer kaya mas matinding pagpapagamot via chemotherapy ang pinagdaraanan nito every other week.

More than five years ago, na-clear na sa naturang sakit si Direk Marilou pero patuloy pa rin ang kanyang pagpapatingin sa doktor.

Pero biglang nagkaroon ng regression o bumalik ang cancer ng direktor at ngayon ay umabot na nga ito sa Stage 4.

Ayaw ipakita ni Marc sa kanyang ina na labis siyang nalulungkot at nag-aalala para sa kalagayan ng kanyang ina.

Kailangan daw maging matatag siya tuwing sinasamahan niya ang kanyang ina sa pagpapa-chemo nito sa ospital.

Kuwento ni Marc sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “My mom is such a strong woman.

“Hindi mo siya makikitaan na she’s worried or natatakot, kaya hindi ako puwedeng panghinaan ng loob kapag kasama ko siya.

“Ayokong maramdaman niya na ako ang natatakot. I need to be strong for her.

“Alam ko na she feels how worried I am for her. But like any mom, she will understand and lagi naman niya akong maaasahan since we live in one place lang.”

JUST A MATTER OF TIME. Kaya lahat daw ng puwede niyang ibigay na panahon at oras sa kanyang ina ay hindi niya ipinagdaramot.

Sabi ni Marc, “It’s only a matter of time. Only God knows what will happen to my mom.

“Lagi niyang sinasabi sa kanyang interviews that she’s ready to go. Handa na raw siya.

“But she has survived it for the past seven years.

“My mom is that strong. Hindi siya basta magpapatalo sa sakit niya.

“Kami naman, nandito lang kami parati sa tabi niya. Lahat kami, we all want her to survive this again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala ako na may purpose ang Panginoon kung bakit nandito pa siya. Marami pa siyang gustong gawin.

“And I think, yun ang dahilan kung bakit she’s still surviving this. May meaning ang lahat ng ito.”

SACRIFICES. Marami raw naisakripisyo si Marc para sa pagkakataong mapagsilbihan ang kanyang inang maysakit.

Medyo nag-lie low siya sa kanyang banda na Kjwan para sa isa niyang career muna siya mag-concentrate.

Aniya, “I have to give up something para yung magiging oras ko doon ay mas maibigay ko sa mommy ko.

“I temporarily took a leave from the band para mag-focus ako sa TV. The rest of my available days, it’s for my mom.

“Kahit nga ang mag-perform every Sunday sa Party Pilipinas, hindi ko masyadong nagagawa. Paminsan-minsan lang because I make sure that Sunday will be with my mom.

“Pero kapag may available time pa, I still get to be with the band. Yun nga lang, hindi na kasing-tutok ‘tulad noon.

“Ngayon kasi, I have this new drama series na Faithfully with GMA-7. Kaya mas magiging busy muna ako sa TV.

“The last series I did was Daldalita. Natapos yun noong February. Ngayon lang ulit ako nagtrabaho sa TV.

“Kailangan din nating magtrabaho ulit on television for obvious reasons.”

Dahil sa pinagdaraanan ngayon ni Marc, nagagamit niya sa kanyang dramatic scenes sa Faithfully ang mga nararamdaman niya para sa kanyang inang patuloy na nakikipaglaban sa cancer.

“I always think of my mom whenever I have these dramatic scenes.

“Magandang release din for me. Dun ko sa eksena nailalabas lahat ng mga emotions ko.

“Mahirap umiyak sa harap ng mother mo, di ba? Kaya sa trabaho ko na lang nilalabas ito,” sabi ni Marc.

MISSING HIS BAND. Inamin ni Marc na nami-miss din niya ang mag-perform kasama ng kanyang bandang Kjwan. First love kasi niya raw talaga ang kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eventually kapag naging maayos na ang lahat, balik naman ako ulit sa banda.

“We are actually talking about making a new album again. ‘Tapos may mga gigs na in the works.

“The last album we did kasi was in 2009 pa.

“Lahat naman ‘yan ay magagawa rin natin in due time. Mas may ibang priority lang ako ngayon.

“The band understands my situation and they have extended their support sa family ko. Para na rin nilang mother ang mommy ko.

“I promised naman na balang-araw, balik ulit ako sa pag-perform with them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN