Isabelle Daza clarifies pictorial incident involving her and mom Gloria Diaz

Isabelle Daza finally talks about the incident that happened between her and mom Gloria Diaz during her pictorial for Rogue magazine. Isabelle says, “I can understand how my mom felt. She is just being protective sa akin."


Hindi na nag-deny pa si Isabelle Daza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa napabalita noong Abril na nagalit ang kanyang inang si Gloria Diaz dahil sa sexy pictorial niya para sa isang lifestyle magazine.

Sa panayam ng PEP kay Isabelle sa Studio 6 ng GMA Annex Building bago siya isinalang sa “Don’t Lie To Me” segment ng Showbiz Central noong Linggo, June 17, ikinuwento nito ang tunay na nangyari sa kontrobersiyal na pictorial niyang iyon.

(CLICK HERE to read related story.)

Dumating daw ang kanyang ina noong magsisimula pa lang ang kanyang pictorial at hindi raw nito nagustuhan ang ipinasuot sa kanya.

Hindi raw napigilan ng dating Miss Universe na makapagsalita ng hindi maganda sa mga taong nandoon sa pictorial.

Sabi ni Isabelle, “I can understand how my mom felt. She is just being protective sa akin.

“Siguro nga for the longest time, nasanay lang siya sa akin na I was always being this sporty girl.

“Hindi kasi ako girlie-girlie noon. Lagi akong nakasuot ng football or basketball uniform.

“Hindi siya kasi sanay to see me in sexy clothes.

“E, si Mommy pa naman, ang bilis niyang magsalita at malakas ang boses niya.

“Kaya yung mga tao sa studio, na-shock silang lahat, hindi sila makapagsalita.

“But I had a talk with her and in-explain ko naman yung concept at naintindihan naman niya.

“Kinausap din siya ng mga taga-Rogue to explain everything to her.

“Wala namang masamang mangyayari sa akin kasi everything will be done in good taste, kaya she gave na her approval for the shoot.”

DUTY AS A MOM. Totoo bang may nasabing hindi maganda ang kanyang ina sa pinsan niyang si Georgina Wilson at sa kaibigan nilang si Solenn Heussaff, na siyang nag-makeup kay Isabelle sa naturang photo shoot?

“Ganito na lang… my mom doesn’t really mean it. She was just shocked with what she saw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit naman sino, bigla na lang makakapagsalita ng kung anu-ano kasi nagulat or caught unaware sa isang bagay.

“Lahat naman po ng mothers ay ganyan. Lumabas lang ang pagiging protective niya.

“Naintindihan naman siya ni Georgina at ni Solenn. They didn’t take it against my mom.

“Kilala nila ang mom ko. And they respect her for being like that.

“She was just doing her duty as a mother sa akin,” saad niya.

Noong lumabas daw ang magazine, nagustuhan daw ni Gloria ang kinalabasan ng pictorial ng anak.

“After she saw the cover, nagustuhan niya and now she is having it framed para ilagay daw niya sa house!” natatawang sabi ni Isabelle.

“I was relieved kasi akala ko she would get mad again. Pero she liked it and she wants it in her house.

“Sobra lang siguro ako na-miss ni Mommy. I’ve been busy kasi lately.

“I’m doing Ibilib, Many Manny Prizes, and Party Pilipinas. ‘Tapos may series na ako ngayon na Faithfully.”

FIRST DRAMA SERIES. Speaking of her first drama series, excited na raw ang mommy ni Isabelle para sa kanya.

Pero inunahan na raw ni Isabelle ang kayang ina na huwag itong mag-expect na maayos agad ang performance niya dahil sobra raw siyang nangapa sa first day taping niya.

“I am not as good as an actress like my mom. Si Mommy, award-winning actress na siya kaya I told her not to expect so much from my first time to try acting.

“I admit na kinabahan ako. I’m working with people na sanay nang umarte sa harap ng kamera.

“I admit that I had many mistakes on my first attempt to do a drama series.

“Kaya nagpapasalamat ako sa cast that they were so patient with me. Tinutulungan nila ako talaga.

“Very thankful din ako kay Direk Mike [Tuviera] because he was so supportive. Malaki ang naging tulong niya para maging comfortable ako sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may mali ako, he would help me get it right.

“I know na sooner or later, my awkwardness will pass.

“Sinabi nga ni Mommy, she was also like that when she started acting.

“Mas worst pa nga raw siya kaya huwag daw akong mag-worry because many people will help me through it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN