Teen star Paul Salas denies being the breadwinner of his family; does not mind entry of Dom Roque as another leading man of Ella Cruz in Aryana

Paul Salas knew all along that showbiz is not going to be a piece of cake. He says he has prepared for the intrigues and issues. Just like some talks that he is now his family’s breadwinner: “Hindi totoo ‘yan. Si Daddy ang breadwinner sa family namin, may trabaho siya.”


Unti-unti ay nagkakaroon at lumilikha na ng sarili niyang tatak sa showbiz si Paul Salas.

Kung dati’y mas kilala siya bilang anak ng dating dancer ng Universal Motion Dancers (UMD) na si Jim Salas, ngayon ay may sarili na siyang hukbo ng mga tagahanga.

Regular na ngayong napapanood si Paul sa Aryana bilang isa sa kapareha ni Ella Cruz.

Kasunod naman nito ay ang isyung siya na raw ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya ngayon.

Sa panayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actor sa pocket presscon ng Aryana sa Grams restaurant sa ABS-CBN compound noong Sabado, June 16, dinepensa ni Paul ang ama tungkol sa lumabas na balita.

Aniya, “Hindi totoo ‘yan. Si Daddy ang breadwinner sa family namin, may trabaho siya.

“Event organizer siya, hawak niya ang Visayas and Mindanao.

“Pinapa-show niya ang mga artista—Tacloban, Bacolod... iba’t ibang probinsiya.

“I’m just doing my job kasi pangarap ko talaga na maging teen star kasi gusto ko ring makilala ng mga tao… ‘Oy, si Paul Salas ‘yan.’”

FINANCES. Ayon kay Paul, ang mga magulang, partikular na ang ama, ang may hawak ng kanyang kinikita.

Ipinagmamalaki ni Paul na may 10-bedroom property na siyang nabili mula sa kanyang kinikita.

“Wala, alam ni Daddy na maluho ako lalo na sa mga sapatos… Di ba, ’Dad, nagtatrabaho naman ako, MWF? Baka puwedeng ibili mo ako ng shoes?’

"Tinanong niya ako kung magkano, sabi ko, “Ten thousand daddy—Adidas na Jeremy cuts. ’

“Hindi ko alam kung magkano ang pera ko sa bangko, pero nakatago yun.

“Bata pa ako, wala pa akong alam, wala pa akong experiences.

"Si Daddy napagdaanan niya ang lahat, 37 years old na siya…

“’Tapos nag-artista din siya, so kung ano ang mga mali na nagawa niya dati, sinasabi niya sa akin, pinapayuhan niya ako."

Dagdag ni Paul, “May rent-to-own na house na ako ngayon, ten bedrooms sa Visayas Avenue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa baba, nandun ang lola ko, mga mahal ko sa buhay—si Lola, si Lolo, Tita ko, nandun sila sa baba.

“Yung family ko, nandun kami sa baba so share-share kami.

“Yung mga kapitbahay ko, ‘Paul, wala ka bang taping? Sige sleepover kami diyan… laro tayo diyan PS3.’”

Thankful si Paul sa magandang breaks na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, ’tulad ng role niya sa Aryana.

“Siyempre sobrang-sobrang saya, hindi ko masabi kung gaano ako kasaya.

“Dati ko pang pinapangarap ito, simula nung bata pa ako na magka-show, may kasamang ka-loveteam, na tumataas ang ratings...

“Nagpapasalamat ako siyempre kay Lord kasi hindi Niya ako pinababayaan—hindi Niya tayo pinababayaan.

“Siyempre sa ABS-CBN, kasi binigyan nila ako ng opportunity na magka-loveteam na pinakabata—14 years old.

“Nagpapasalamat ako kasi ako ang pinagbigyan nila.”

LIKE BROTHERS. Pinasok na sa Aryana si Dom Roque bilang Hubert at karibal ni Paul sa bidang si Ella Cruz.

Marami tuloy ang nagsasabi na hindi raw kasi gaanong kinakagat ng publiko ang tandem nina Paul at Ella kaya dinagdag ang karakter na Hubert.

Ano ang masasabi ni Paul dito?

Paliwanag ng binatilyo, “Hindi, nasa script talaga na may Hubert, kaso medyo late na pumasok kasi naghahanap sila ng gaganap na Hubert.

“Pero wala pa silang mahanap na Hubert then nakita nga nila si Dominic, siya yung napili to play Hubert.

“Okay naman, hindi ko akalain na magiging close kami ni Dominic na sobrang-sobra na parang magkapatid na.

“Kasi marami ang nag-audition na kakilala ko, ’tapos biglang naging si Dom Roque na pala.

“Sabi ko, ‘Oy, may panibago na naman akong kaibigan.’ Hindi ko akalain na magiging close kami na para talagang magkapatid.”

Sa pagkukumpara na ginagawa sa kanila sa ngayon ni Dom, tiniyak ni Paul na hindi ito makakaapekto sa pagkakaibigan nila ng kapwa young actor.

“Ang nasa isip ko lang, gawin ko ang best ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang kumpe-kumpetisyon… ‘Dapat higit ako kay ganyan…’ Walang-wala sa isip ko yun.

“Ang naiisip ko, ‘Maka-Hubert ‘yan.’

“Pinag-ready ko na ‘yan dati pa, wala pa si Hubert, wala pang Aryana, ni-ready ko na nung nalaman ko na may ganyan.

“Nire-ready ko na rin ang sarili ko sa mga haters, ngayon may nagpo-post na sa mga blogs na bading daw ako.

“Wala yun! Ready ako sa mga ganun.”

GAY ISSUE. Hiningan din namin ng reaksiyon si Paul sa isyung nagkukuwestiyon sa gender niya.

“Wala akong reaksiyon, pasok dito, labas dito. Kasi hindi naman ako bading, I’m just doing my job and I know mysel," sagot niya.

May crush ba siya kay Ella?

“Wala pa sa isip ko yun kasi ‘pag nagka-crush ka sa katrabaho mo, parang maiilang ka.

“Dapat iwasan mo talaga yun kasi magkakaroon ng ilangan so best friend-best friend muna.

“Wala akong crush na kahit na sino.”

A LONG WAY TO GO. Sa limang taon sa showbiz, masasabing tuluy-tuloy na ang career ni Paul.

Aminado ang young actor na ine-enjoy niya ang mga ginagawa at hindi siya nabe-burnout kahit sunod-sunod ang mga ginagawwang proyekto.

“Ten years old ako nung nandito ako sa ABS-CBN.

“Napi-feel ko yung parang walang break kasi awkward age daw yun, pero ako, nagtuloy-tuloy.

“Pagka-12 years old ko, nag-Shoutout, ’tapos 13, OKat Tokat, ‘tapos ito [Aryana] nga.

“Kasi ako yung tipo na tao na gusto ko agad-agad, gusto ko maging teen star.

“’Pag may blessings na pumapasok sa akin, tinatanggap ko nang buong puso yun.

“Yun nga tinintingan na ako, na 17, 18, pero 14 pa lang ako.

“Naiisip ko nga, siguro malayo pa ang mararating ko kasi may 15 pa, may 16 pa, 17, 18, 19… so matagal pa.

“Nagpapasalamat ako kay Lord na bata pa lang ako binigyan na Niya ako ng blessing na bata pa lang ako.

“Pinagpe-pray ko sa Kanya na mabigyan ako ng ganitong role na natupad naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapasalamat din ako sa ABS na kahit 14 pa lang ako, ako yung binigyan nila ng loveteam kahit bata pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN