Michelle Madrigal on misunderstanding with her mom: "Gano’n naman kami, parang always away-bati."

Michelle Madrigal on her mom’s rumored debts: “Hindi ko pa alam, pero mukha naman siyang okay. Actually, hindi ko pa siya natatanong. Parang ang tagal na rin naming hindi nagkakausap.”


Walang dudang lumulutang sa pag-ibig ngayon si Michelle Madrigal.

Naggu-glow ang kanyang mukha at kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwing mapag-uusapan ang El Salvadorian boyfriend niyang football player.

Halos hindi maipaliwanag ni Michelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang nararamdaman nang m-ainterview namin siya sa press launch ng bago niyang soap sa GMA-7, ang Faithfully.

“I don’t know,” sabi ni Michelle nang tanungin kung paano siya napapapasaya ng kanyang boyfriend.

“Para siyang… alam mo yun? It’s really weird kapag in-explain mo na.

“Siyempre madali lang namang sabihin na mabait. Pero, there’s something about him na sobrang nagustuhan ko.

“Kasi very mysterious kasi siya, e. Parang one day, sobrang sweet niya. The next day hindi mo mababasa kung ano ang gagawin niya for you.

"And wala pa akong nadi-date na gano’n.

“Hindi naman gano’n na parang may mga kung anu-ano siyang personality, hindi.

“Ano lang, parang one day he’s very sweet; the next day hindi mo alam kung... he’s very mysterious.

“Ayoko kasing nababasa kong masyado, e. ‘Pag alam kong ganyan ka lang, ‘pag alam kong palagi kang mabait, ganyan ka lang sa akin…hindi challenge sa akin yun gano’n,” paliwanag ng Kapuso actress.

SHE LIKES BAD BOYS? Nagkaroon tuloy ng impression si Michelle na ang tipo niya sa mga lalaki ay yung binibigyan siya ng problema at palaisipan.

“Yes,” pag-amin niya.

“Ganun nga ang gusto ko. Natsa-challenge ako na… at saka yung alam mong mahal ka niya.

“Pero alam ko namang totoo mahal niya ako, but I don’t know. Ang hirap i-explain kung ano ang napi-feel ko towards him.

“You know, it’s really weird na kung ano yung napi-feel ko towards this guy.

“Hindi ko alam kung ano ang nagugustuhan ko talaga sa kanya,” medyo naguguluhang paliwanag ni Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JON HALL. Mga bad-boy image raw ang tipo ni Michelle base sa obserbasyon ng mga press sa kanyang mga sagot.

Pero itinanggi niyang ganito ang kanyang ex-boyfriend na si Jon Hall.

“No, Jon looks like he’s a bad boy, pero he’s not. He’s very loyal. Yun lang ang image niya.

“Kasi mahilig nga ako sa buffed. Yung alam mong nagwu-workout. Athlete, kaya mukha silang bad boy.

“Pero si Jon, really, he’s not. He’s very loyal, in fairness to him,” pagtatanggol niya sa dating katipan.

CURRENT BOYFRIEND. Aminado si Michelle na una siyang naa-attract sa pisikal na anyo ng isang lalaki.

“Yung mukhang ang bait-bait mo, mabango,” deskripsyon niya.

Inilarawan din niya sa amin ang hitsura ng boyfriend niyang foreigner ngayon: “In fairness naman sa kanya, hindi siya rugged-looking. Buffed naman siya pero mukha siyang mabango.”

Sigurado raw si Michelle na magtatagal sila ng current boyfriend niya.

“With this one, I’m very… yung relationship naman namin is very stable.

“Hindi naman yung parang, ’Anong gagawin nito sa akin bukas?’

"Hindi naman yung, ’Lolokohin kaya niya ako?’ Hindi naman gano’n.

“Basta, his ways lang... kasi malambing siya, charming.Yun yung talagang nagustuhan ko.

“Kasi hindi ako ganyan, hindi ako magaling with words. ‘Pag kinausap mo kahit galit ka…’pag kinakausap ako nito, biglang tahimik na lang ako. Ganun!

“E, sa iba, kaya kong magalit ng tatlong araw. Yung kaya kong tumiis ng, ‘Sige patapangan tayo.’

“With this guy, parang yung mga sweet talk niya, bumibigay ako. Parang nagiging mabait ako—which is hindi ako.

“He’s 24 and I’m also 24. Natutuwa ako sa kanya kasi nalalabas niya yung ganung side ko.

“Usually, matapang ako, e. Kaya kitang tiisin.

"Pero with this guy, ngayon lang nangyari sa akin na, ‘Sige, bati na tayo.’ Ganun!” kinikilig na kuwento ni Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Michelle na ang kaguwapuhan ng kanyang kasintahan ang isa sa bumihag sa kanya.

“Ganun na nga. Kasi kamukha niya si Ryan Gosling!” sabay tili niya sa sobrang kilig.

“Teka lang naman, ikaw ba, hindi titiklop kung ganon ’istura ang nakikipag-away sa iyo?

“Biglang, ‘Sige, bati na tayo. Bati na tayo,’” nangingiting kuwento pa rin ni Michelle.

May pitong buwan na raw ang relasyon nina Michelle at ng kanyang foreigner-athlete boyfriend.

“Pitong buwan ng katahimikan,” na ang tinutukoy niya ay hindi gaanong pagkukuwento ng kanyang lovelife na maging pangalan nito ay sikreto.

“Kasi nga, import siya. Hindi siya puwedeng maglaro for the Azkals kasi hindi siya kinuha.

"Nasa United Football League, yung national team lang, yung local team. He plays for Guam,” pagbibigay detalye na ni Michelle sa grupo ng kasintahan.

“Hindi siya half-half, pure siya, El Salvadorian. Marami kasing nagtatanong sa akin ng ganyan, kaya sinasabi ko na wala siyang dugong Pinoy.”

ECONOMIC STATUS? Maliban sa pagiging football athlete niya, ano pa ba ang source of income ng boyfriend niya?

“Meron siya sa ibang bansa na brand ng shirt. Pero per order lang siya. Meron sa Guam.

“Since tumira siya dito, magwa-one year na siya dito and yung sa Guam yung business niya, kaya kailangan gumawa ng mga bagong designs.

“He used to actually coach sa Crossfit where I used to work out.”

May image talaga si Michelle na hindi importante sa kanya ang financial status ng isang lalaki na magugustuhan niya.

“Well, actually he’s good naman. Yung family niya sa States, in Virginia.

"His dad is a coach sa school. And the mom naman may mga business din.

“Yun nga, like you said, hindi talaga ako tumitingin na kailangan super-yaman mo.

“As long as he has a stable job. Hindi naman talaga yung walang-wala.

“If he hasn’t working naman hindi ko naman… siyempre titingnan mo rin naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If you’re gonna date someone, gusto mo naman na may future kayo together.

“After a year, kung wala naman siyang regular job, anong gagawin mo dun, tututunganga kayo?

“Meron naman siyang degree, Criminal Justice. So, anytime, may fallback after mag-play siya”

Ibig sabihin, anytime puwede rin siyang iwan ng boyfriend niya kapag gusto nitong i-pursue ang ibang career naman abroad?

“Puwede siyang bumalik ng Guam. Yun ang pinakamalapit sa Pilipinas, e.”

Pagdating naman sa sarili niyang career, itutuloy pa ba niya ang culinary course na plano niya?

“Ay, pinaghahandaan. Itutuloy ko yun. Yun talaga ang gusto ko, kaya nga nagsi-save na ako ngayon para dun.”

MISUNDERSTANDING WITH HER MOM? May isang isyung hindi pa nabibigyang-linaw ni Michelle at kapatid niyang si Ehra Madrigal na may kinalaman sa kanilang ina.

Ito ay ang balitang tampuhan nila at inang dating sexy star na si Karla Kahlua.

Nabalitang matagal na nilang hindi nakakausap ang kanilang ina dahil sa ilang mga isyu.

Nagkausap na ba sila ng kanyang ina?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

Paano natapos ang kanilang ‘hini pagkakaunawaan?

“Actually, gano’n naman kami, parang always away-bati. Normal lang naman yun sa pamilya, e.

“Pero nagkita kami no’ng Mother’s Day. Siyempre, hindi na lang pinag-usapan.”

Na-settle na ba yung problema ng kanyang mommy?

“Hindi ko pa alam, pero mukha naman siyang okay.”

Hindi makapagbigay ng reaksyon si Michelle sa bali-balitang may mga pinagkakautangan umano ang kanyang ina.

“Actually, hindi ko pa siya natatanong. Parang ang tagal na rin naming hindi nagkakausap.

"Parang out of nowhere, ‘Uy, ano yung isyu? Siyempre, hihintayin mo yung taong mag-open up sa iyo, di ba? Matagal rin kaming hindi nagkausap... months.”

Tinutulungan ba niya ang kanyang mommy financially?

“No. Uhm, not for anything. Kasi when I see her, she’s okay naman, e.

"Napapaaral naman niya ang kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m not being mean or anything, but she’s the mom of my sister, it’s her responsibility.

“Typical Filipino kasi, you help, di ba? And we did help before.

"My sister [stepsister] tumira sa amin, pinaaral ni Ehra. She lived with me.

“Pero siyempre, minsan…the dad of course, ayaw kong masanay sila na dahil may tumutulong sa kanila, sa amin na lang.

“So, nakikita niya yung anak niya, the dad,” ama ng kanilang stepsister.

“Nakikita niya yung anak niya na siyempre ibinalik muna namin sa mommy namin.

“Siyempre, maaawa siya sa anak na, ‘Walang tutulong sa anak namin, paano ito?’ Kasi responsibility niya yun, e.

“Wala naman siyang sakit, kaya naman niyang magtrabaho. So, bakit hindi niya magawa yun sa anak niya?

“So, kung ginawa namin yun kailangan nilang itaguyod yung kapatid ko.

“Kasi siyempre, naturuan namin siyang maging responsible. Kasi kung nandun kami palagi—kasi tutulong din naman kami.

“Hindi naman kami talaga heartless na hindi,” na tutulong ang nais niyang tukuyin.

“Gusto lang namin na gawin niya yung dapat niyang gawin, di ba?” patungkol sa kanyang stepdad.

Okay naman sila ng kanyang stepdad?

“Yeah, when I see him. Pero bihira lang din, e. Kasi lagi kaming nagti-taping ni Ehra.”

NO MORE SEXY PICTORIAL? Nanatiling sexy pa rin ang pangangatawan ni Michelle, pero mukhang hindi na raw masusundan ang pangatlong beses niyang pagiging cover girl ng FHM.

“Maybe that would be the last,” na ang tinutukoy nito ay ang April 2012 cover ng FHM.

“Gusto n’yo ba last na ‘pag 60 na ako?” biro niyang sabi.

“We’ll see kung ano ang mangyayari, pero for the meantime, parang huwag muna.

“Hindi naman dahil sa may pumipigil. Or kasi iba-ibang stages kasi. My first was for Maxim and then FHM.

“Seventeen years old pa lang ako no’ng mag-pose ako for Maxim and FHM. And then, kaming dalawa ni Ehra for FHM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung last nga ako, recent cover ng FHM.

“Feeling ko, yun na yun na talaga ang last ko na gagawa kong cover for a sexy magazine.

“I want a different magazine,” pagkumpirma niya.

“I’m aiming for Women’s Health, not for men’s magazine. Health and fitness magazine rin ang gusto ko.

“Kailangan kong ihinto yun kasi kung patuloy akong magpu-pose for that, baka hindi ako kunin ng either Women’s Health or Total Fitness.

“Sobrang aim ko talaga Women’s Health. Dream ko talaga yun.

"‘Pag nag-cover ako doon, okay na ako kahit isang beses lang.

“Kasi sobrang addict akong mag-gym ngayon. I feel like the people they get naman, yung deserving naman na nagwu-work out.

“And I feel like I deserve to be there. Kasi I eat healthy food. I work out three to four times a week kahit may trabaho ako.

“I do crossfit. Yung intense workout siya.

"Kaya talagang gusto and I deserve naman ngayon ng mga fitness health magazines.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN