Sunshine Dizon gives birth to second baby with hubby Timothy Tan

Unknown to many, actress Sunshine Dizon had given birth to her second child with husband Timothy Tan last June 2, 2012. This time, it’s a baby boy for the actress and her hubby.


Lingid sa kaalaman ng marami, nagsilang na pala ng kanyang ikalawang baby ang aktres na si Sunshine Dizon.

Ipinanganak ni Sunshine ang pangalawang anak nila ng asawang si Timothy Tan noong June 2, 2012, ngunit walang nabalita tungkol dito.

Lalake ang second baby ng mag-asawang Sunshine at Timothy na pinangalanan nilang Antonio at may palayaw na Ton Ton.

Ayon sa ina ni Sunshine na si Dorothy Laforteza, kinuha ang pangalan ng sanggol sa lolo ni Timothy.

Isang taon at dalawang buwan ang pagitan ng panganay at pangalawang anak nila. Matatandaang isinilang ni Sunshine si Doreen Isabel noong April 18, 2011.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mommy Dorothy, ikinuwento nitong cesarean muli ang panganganak ni Sunshine kay Ton Ton, gaya ng sa kanyang panganay.

Magiliw na sabi ng ina ni Sunshine, “Napaka-cute ng apo ko, kamukhang-kamukha ng daddy niya.

“Ang guwapo-guwapo at ang hahaba ng biyas, kaya ‘pag nakita mo, alam mong malaki yung bata.

“Gusto kong makuha ni Ton Ton yung kaguwapuhan at magandang height ng daddy niya. Kasi ‘pag nakuha niya yun, artistahing-artistahin din ang hitsura niya.”

Matagal nawala sa sirkulasyon si Sunshine dahil sa kanyang panganganak sa kanyang unang baby, at ngayong nanganak siyang muli ay tila matatagalan pa bago siya magbalik sa showbiz.

Ang huling teleseryeng ginawa niya sa GMA-7 ay ang Tinik Sa Dibdib, ngunit hindi niya ito natapos dahil sa kanyang kalusugan. Pinalitan siya ni Nadine Samonte pagkatapos ng tatlong linggo.

Ayon kay Mommy Dorothy, “Alam kong nami-miss na rin ni Sunshine ang pag-arte.

“Hindi naman kasi basta-bastang tatalikuran na lang ni Sunshine ang pag-arte na naging parte na ng buhay niya.

“Pero sa ngayon, mukhang malabo kasi medyo tumaba si Sunshine, kaya kailangan niyang magpapayat ulit.

“Siguro ‘pag payat na siya, dun na siya babalik sa pag-arte.

“Sa ngayon kasi kapapanganak pa lang niya, hindi pa naming napag-uusapan yung tungkol sa pagbabalik-showbiz niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagbabalik ba ni Sunshine sa showbiz ay mananatili siya sa GMA-7 o lilipat siya sa ibang TV network?

Sabi ni Dorothy, “Sa ngayon kasi mahirap magsalita tungkol diyan. Siguro kung saan gusto ni Sunshine, susundin ko lang.

“Kung saan siguro may magandang offer at magandang proyektong ibibigay kay Sunshine, doon kami pupunta.

“Pero matagal-tagal pa ‘yan, aalagaan pa kasi ni Sunshine ang kanyang bagong panganak na baby—bukod sa magpapapayat pa siya.

“Hindi rin kasi maganda na lalabas na siya sa TV na mataba. Mas maganda yung payat na siya at handang-handa na muli lumabas sa telebisyon o pelikula.”

Sa Pampanga naninirahan si Sunshine at ang kanyang pamilya ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN