Aspiring artistas flock to one-time audition for Artista Academy; celebrity kins among the hopefuls

An estimated 10,500 aspirants trooped to the Smart-Araneta Coliseum for the one-time audition of Artista Academy. Among those who auditioned were Angelo Patrimonio (left), son of basketball legend Alvin Patrimonio, and Kenneth Alex Anderson (right), younger brother of Gerald Anderson. The spotters for the audition include (inset, top) Wilma Galvante, Mac Alejandre, and Gello Jamias.


Dinagsa ng maraming kabataan ang one-time audition para sa upcoming talent search show ng TV5, ang Artista Academy.

Umaga pa lang kahapon, Hunyo 19, ay nakapila na ang mga kabataan edad 16 hanggang 22, sa labas ng Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Lahat sila ay umaasang makapasok sa Top 300 na kukunin sa araw na iyon.

Pormal na sinimulan ang auditions pasado alas-dos ng hapon at tumagal ito hanggang alas-diyes ng gabi.

Noong hapon ay may tinatayang 10,000 kabataan na ang nagtungo sa Big Dome para mag-audtion, at tumaas pa ang bilang nito hanggang putulin na ang pagtanggap ng aplikante bandang pasado alas-kuwatro ng hapon.

Simula pa lang ng auditions, nakatutok na sa pamimili ng may “star quality” si Ms. Wilma Galvante, na nagmamay-ari ng akademya na papasukan ng magiging finalists ng programa—ang Asian Academy of Televison Arts.

Si Ma’am Wilma ay dating SVP for Entertainment TV ng GMA-7 ngunit ngayon ay nasa bakuran na ng TV5.

Ang iba pang "spotters" noong araw na iyon ay ang feature film producer ng Regal Entertainment Inc. na si Roselle Monteverde, ang dating casting director ng Leo Burnett na si Gello Jamias, at ang direktor na si Mac Alejandre.

Mula sa 300 na nakapasa sa unang audition, bababa ito sa 100 na sasalain sa susunod na linggo, hanggang sa 16 na kalahok na lamang ang matira na maglalaban-laban upang tanghalin na "Best Actress” at “Best Actor” ng Artista Academy.

Nandoon din ang mga host ng programa na sina Cesar Montano at Marvin Agustin para kumustahin ang mga aspiring contestants ng kanilang show.

THE HOPEFULS. Hindi lamang mga ordinaryong kabataan ang nangangarap na mapasama sa 16 finalists ng kauna-unahang edition ng Artista Academy.

Ilan sa mga kapatid at anak ng kilalang mga personalidad ay nag-audition din para sa naturang talent search show.

Una na diyan ang panganay na anak ng dating basketbolistang si Alvin Patrimonio na si Angelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging bahagi na si Angelo ng youth-oriented program ng ABS-CBN na Abt Ur Luv, kung saan niya nakasama ang Kapamilya stars na sina Shaina Magdayao, Denise Laurel, Rayver Cruz, at Enchong Dee.

Nag-audition din ang 20-year-old brother ni Gerald Anderson na si Kenneth Alex Anderson.

Sinabi ni Kenneth na kaya niya gustong sumali sa reality show ng TV5 ay para mawala na siya sa “shadow” ng kanyang Kuya Gerald, na isa sa mga top leading men ng Kapamilya network.

Kung mayroong kapatid ng isang Kapamilya star, mayroon din naman kapatid ng galing sa Kapuso network—si Avin Abrenica na kapatid ni Aljur Abrenica.

Ang kaibahan niya sa kanyang kuya? “Si Kuya medyo serious type, ako kalog.”

Nag-audition din sa naturang talent search show si Kim Kenneth Natividad, ang dating housemate sa Pinoy Big Brother Unlimited, ang season kung saan nagwagi si Slater Young.

Nag-audition din ang kambal na kapatid ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon—sina Bobby at Robert, na parehong miyembro ng isang all-male dance group.

Ang mga tatanghaling Best Actor at Best Actress ng Artista Academy ay mag-uuwi ng 20 million pesos.

Pagsisiwalat pa ng isa sa mga host ng programa na si Marvin, ang mga mananalo’y itatampok din sa isang teleserye ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN