Protégé winner Krizza Neri ignores persistent rumors linking her to mentor Aiza Seguerra

Krizza Neri on rumors about her and Aiza Seguerra: “Actually, the more I defend myself, the more na may masasabi pa rin sila. So, kung yun ang iniisip nila, well, hinahayaan ko sila. Basta huwag lang nilang idamay ang family ko o huwag lang below the belt.”


Anim na buwan pagkatapos niyang maitanghal bilang kauna-unahang Protégé winner, may sarili nang album si Krizza Neri.

Ginanap ang album launch ni Krizza sa White House Restobar sa Sct. Tuason, Quezon City, kahapon, June 19.

Ang self-titled debut album ng Protégé winner ay iprinodyus ng Blackbird Music at ini-release ng Universal Records.

Ang Blackbird Music ang recording label ni Aiza Seguerra, na naging mentor ni Krizza sa Protégé ng GMA-7.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-produce ng album si Aiza, pero ito raw ang unang attempt niya na maglabas sa mainstream.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Krizza kung ano ang pakiramdam na may album na siya?

“Sa album na ito, noong ginagawa ko pa lang siya, nae-excite na ako. Kaya ngayon na ipapalabas na nga, hindi pa rin ako makapaniwala.

“At sobrang saya ko na nabigyan ako ng chance na magka-album dito sa industriyang ito at ng ganitong klase ng opportunity,” sagot ng baguhang singer.

Sampung kanta ang nilalaman ng self-titled album ni Krizza: “Look My Way,” “No More You and Me,” “French Fries and Coke,” “Don’t Be Too Much,” “Kung Malalaman Mo,” “Narda,” “If I Could/Wind Beneath My Wings,” “Could Have Been,” “Bakit Ka Lumayo,” at “Dahil Sa ‘Yo.”

Ayon kay Krizza, ang “Dahil Sa ‘Yo” ni Laarni Matta Macaraeg ang personal favorite niya.

Paliwanag ng singer, na magsi-seventeen pa lamang sa June 28, “Yung kanta kasi, sinasabi na dahil sa isang tao at nakaka-relate din naman ako.”

Kanino niya naire-relate ang kantang iyon sa buhay at career niya ngayon?

Sagot ni Krizza, “Siyempre, hindi lang naman siya certain person, marami.

“Sa family ko, sa mother ko… kung wala siya, wala ako dito ngayon.

“Sa friends ko, at especially kay Ms. Aiza Seguerra na kung wala siya dito ngayon, wala rin ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinuna naman ni Aiza si Krizza na “Aiza” na lang at wala nang “Miss” kapag tinutukoy siya ng kanyang protégé.

LIFE AFTER PROTÉGÉ. Masaya naman daw si Krizza sa naging takbo ng career niya pagkapatos ng kanyang pagwawagi sa Protégé.

“Okay naman ako,” nakangiti niyang sabi.

“Tinutulungan kasi ako… marami kasing taong tumutulong sa akin.

“Yung Artist Center, si Sir Arsi Baltazar, si Ms. Annabelle Regalado, Media Nation… marami ang tumutulong sa akin.”

Masaya rin si Krizza sa pagbubukas ng bagong season ng Protégé, na sa pagkakataong ito ay mga artista naman ang hinahanap ng Kapuso network.

Saad niya, “Masaya ako. Masaya ako na may bago ulit at iba naman ngayon—artista naman ang hinahanap nila ngayon.

“Masaya ako kasi GMA… nag-open ulit ng door para sa mga taong gustong makamit ang pangarap nila, especially sa mga gustong maging artista.”

Bukod ba sa pagkanta ay papasukin din ni Krizza ang pag-arte?

“Kung mabibigyan ng chance, oo, puwede, puwede. Pero sa ngayon, gusto ko munang i-improve yung sa singing ko,” sagot niya.

May kailangan pa bang i-improve samantalang maganda na ang boses niya?

“Salamat,” nakangiti niyang sabi.

“Siguro kasi galing sa Protégé, ang grabe ng training doon.

“Siguro ngayon, marami na rin akong natutunan.

“Pero sa tingin ko, marami pa… more pa.”

FAN OF AIZA. Ano ang mga bagong nadiskubre o nagugustuhan niya kay Aiza ngayong producer na niya ito at masasabing tutok na tutok din sa album niya?

Sabi ni Krizza, “Kasi noong Protégé, close na kami, e.

“So, parang ngayon, working with her, walang anything.

“Para sa akin, close na kasi kami. Wala na akong masasabi pa.

“Wala nang ilangan. Walang problema.”

Hindi itinatago ni Krizza na bago siya sumalang sa Protégé, isa siyang fan ng ilang artista noon—‘tulad nina Jennica Garcia at Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Aiza raw ay hinahangaan niya kahit noon pa man.

“Kasi, di ba, ibang klase siyang kumanta?

“Kasi ako, noong nag-start ako sa Protégé, naiisip ko, ‘Kailangan birit, kailangan ganito.’

“So, sobrang pressure na ang dumating sa akin. Okay naman. Kinakaya ko naman ang mga pinapakanta sa akin.

“Pero iba yung mas gusto mong music—yung masarap pakinggan, full of emotion.

“Naipapalabas mo yung parang meaning ng kanta through your emotion and feelings.

“At isa siya [Aiza] do’n sa parang inspiration ko kung bakit nagkaroon ako ng tama dito sa album ko.

“Sobrang thankful lang ako.”

THE RUMOR. Pareho naman ng sagot sina Krizza at Aiza nang tanungin tungkol sa balitang may namamagitan sa kanila bukod sa pagiging mentor at protége.

Sabi ni Krizza, “Naku, ‘yang tsismis na ‘yan, I really don’t want to talk about it.

“Kasi ano, e… parang just let the people say what they want to say.

“Basta ako kasi, gusto ko, yung private life ko, private. Parang ganoon.

“Gusto kong ibahin kasi. Work and personal life, magkaiba.

“So sana, kung aanuhin man nila ako, tatanungin nila ako, ask me about the work.

“But about my personal life, I’d like to keep it private.”

Hindi kaya sa pananahimik nila ay mas isipin ng iba na totoo nga na may namamagitan sa kanila at ayaw niyang idepensa ang sarili sa mga ibinabatong intriga sa kanila ni Aiza?

“Actually, the more I defend myself, the more na may masasabi pa rin sila.

“So, kung yun ang iniisip nila, well, hinahayaan ko sila.

“Basta huwag lang nilang idamay ang family ko o huwag lang below the belt,” pahayag ni Krizza.

Nang tanungin kung professional lang ang relationship nila ni Aiza, medyo matagal bago nakasagot si Krizza ng: “Yes, oo…”

Natawang dugtong niya, “Parang nag-loading pa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Krizza, wala naman daw problema sa pamilya niya ang bali-balita tungkol sa kanila ni Aiza.

“My family, wala silang problema do’n, especially my mother. Hindi sila nagpapaapekto… which is good.”

TWITTER BASHERS. Kung noon ay masipag si Krizza na mag-post ng mga mensahe sa Twitter, ngayon ay isinara na niya ang personal account niya sa naturang social networking site.

Ito ay magmula nang magkaroon siya ng bashers, na paggising pa lang daw niya sa umaga ay may mababasa na siya. Dati raw ay iniiyakan pa niya ito.

“Yes, isinara ko na siya, ang aking Twitter account, dahil sa mga bashers.”

Hindi niya kinaya ang mga bashers?

“I mean, kakayanin ko. Pero since yung mga tao kasi, parang…

“Hindi ko lang talaga ma-get kung bakit sila ganoon. Masaya sila na may nasasaktan sila?

“At saka kasi ako, noong umusbong yung Twitter account na yun, na may nangba-bash sa akin, talagang mismo ako, nag-follow ako sa kanya para lang mag-direct message.

“Sabi ko, ‘Please, i-delete mo na ang account. Parang wala naman akong ginawa sa ‘yo na masama.’

“Pero parang nagti-take advantage siya do’n na ako na nga ang lumapit sa kanya to end it, pero siya pa rin ang parang…

“May isang account talaga siya na hindi tumigil., pati Twitter ng Startalk.

“Idinadamay pa niya ang mother ko, kuya ko, father ko, biological father ko.

“So, malungkot kasi okay lang naman akong tirahin mo, huwag lang ang family ko. Hindi ko kaya yun.”

Sa palagay ba ni Krizza ay tama ang desisyon niyang isarado na lang ang Twitter account niya?

“Nami-miss ko, pero ang Instagram ko, hindi ko dinilete. Pero ang mga taong yun, nandoon na naman sa Instagram.

“Sa Facebook, wala naman. Thankfully, wala naman.

“’Tapos sa Instagram, may gumawa ng account ko na hindi naman ako, ‘tapos nagko-comment siya ng hindi maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malungkot lang, kasi bakit ba ganyan?” buntung-hininga na lang ni Krizza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN