Aiza Seguerra refuses to comment about rumor linking her to protégé Krizza Neri; admits she’s not on speaking terms with ex-girlfriend Chen Sarte

Aiza Seguerra on protégé Krizza Neri: "When I first heard her, ang pumasok sa isip ko is cross ni Nina at ni Juris, para sa akin."


Tuluy-tuloy ang pagtulong na ginagawa ni Aiza Seguerra para sa Protégé: The Battle For The Big Break grand winner na si Krizza Neri, kahit matagal nang tapos ang naturang talent search kung saan nagsama sila bilang mentor at protégé.

Si Aiza ang nag-produce ng self-titled debut album ni Krizza sa ilalim ng kanyang sariling label, ang Blackbird Music.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Aiza sa album launching ni Krizza na inorganisa ng GMA Artist Center kahapon, June 19, sa Whitehouse on the 84th restobar sa Scout Tuason, Quezon City.

Kaagad tinanong si Aiza kung bakit niya naisipang i-produce ng album si Krizza bilang first mainstream artist ng kanyang record label.

Sagot ni Aiza, “Oo nga, nagkataon. Hindi naman intensiyong siya yung maging first, nagkataon lang.

“Sa totoo lang, even before she won the contest, plano na namin talagang gumawa ng album kasi maganda talaga yung boses niya.

“Pero ang plano namin noon, talagang independent release, kaso nanalo.

“So, parang ang pangit naman na, di ba, nanalo siya ‘tapos hindi namin ipu-full blast.

“Kaya nagpapasalamat din ako sa Media Nation at sa GMA Artist Center para sa tulong at suporta. And sa Universal Records na magdi-distribute ng album.”

Bukod sa pagiging album producer, nag-contribute din ng dalawang original tracks si Aiza sa album at nakipag-duet pa kay Krizza.

“Yeah, I wrote two songs, pero lahat yun I co-wrote it with friends.

“The other one is ‘Look My Way,’ ang gumawa ng lyrics nun si Joel Trinidad and ako yung gumawa ng music.

“Yung isang song yung ‘Kung Malalaman Mo,’ ako naman yung gumawa ng lyrics and si Mr. Ryan Cayabyab yung gumawa ng music.

“May mga songs diyan na kasama dun sa contest, like yung ‘Narda,’ yung ‘Could Have Been,’ ‘tapos yung duet namin ng ‘If I Could’ and ‘Wind Beneath My Wings.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful nga ako sa Star Records na pumayag para gawin ko yung duet, kasi under contract ako sa Star Records, e.”

GRATITUDE. Malaki raw ang pasasalamat ni Krizza kay Aiza dahil “dream come true” ang album na ito para sa turning 17-year-old (sa June 28) Cagayan de Oro native.

Pero paano sinabi ni Krizza ang pasasalamat nito sa kanya?

Sagot ni Aiza, “Kasi the thing is, when someone is really thankful, she doesn’t need to say everything. Pero ipinakita niya.”

Paano niya ipinakita?

“I mean, hindi naman yung obvious. I mean, yung professionalism.

“Kasi para sa akin, that’s the biggest gratitude that anyone could give—ibinigay niya lahat para sa album na ito.

“Eto ha, she’s a new singer, first time mag-recording and everything, pero sa totoo lang, mas nahirapan pa ako sa ibang singers.

“Sa kanya, I just tell her… usually kasi before we start a song, parang idi-direct ko na siya. ‘Eto yung gusto kong marinig, these are the emotions I want to feel.’

“Pero nagawa niyang ibigay more than what I expected.”

Ano ang nag-improve kay Krizza simula noong Protégé days hanggang ngayon?

“Ang dami, especially in terms of dynamics, lahat. Although the voice naman has always been there.

“Kumbaga, yung raw talent niya, mas nagkaroon lang ng control. Pero control in a good way na kaya niyang palabasin nang maganda.

“Si Krizza kasi, hindi siya biritera, e. And that’s the first thing I loved about her.

“Kasi para sa akin, masyado nang passe… hindi sa ano ha, parang ‘pag nanalo ka sa contest, kailangan bumibirit, hindi.

“Kumbaga, it’s all about singing e. Para sa akin, ‘pag na-feel mo yung isang singer, she’s a good singer.

“So, we design the album talaga na ganun.”

Kanino niya puwedeng ikumpara si Krizza sa mga local singers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, when I first heard her, ang pumasok sa isip ko is cross ni Nina at ni Juris, para sa akin,” sagot ni Aiza.

PERSONAL SUPPORT. Ayon kay Aiza, hindi lang hanggang sa trabaho ang ibinibigay niyang suporta kay Krizza.

Maging sa personal na buhay ay ipinapakita rin niya ang concern sa kanyang protégé. Madalas din niyang bigyan ng advice ito bilang marami na rin siyang napagdaanan sa industriya.

Saad ni Aiza, “Alam mo si Krizza, since we started Protégé, she’s always been grounded.

“I keep on telling her nga, ‘Don’t change yourself for the public to love you, para magustuhan ka or whatever.

“’You are who you are, as long as wala kang tinatapakang tao, as long as alam mo na malinis ang konsensiya mo, na you are professional, you do your work na talagang maayos.’”

Ayon kay Aiza, hindi siya ang tumatayong manager ni Krizza.

“No, I am not… Artist Center talaga ang humahawak sa career niya.

“Kung co-manage? Actually, before we tried. Puwede naman.

“Actually, ang tawag nga nila is personal manager. But I’d rather not work as her manager.

“Tama na yung ganito na natutulungan ko siya.”

Pero lagi ba siyang nandiyan para kay Krizza?

“Inaalagaan naman siya ng GMA Artist Center but, kumbaga, siyempre I’ve been in this business long enough din na kapag nakikita kong nasasaktan siya or nadedehado siya, I step up.

“Like ‘pag may ganito trumato sa kanya minsan, or like yung mga bashers [sa Twitter], hindi ko rin makaya to see her in pain.”

Paano niya sinusuportahan si Krizza sa ganitong mga bagay?

“I tell her na, ‘Eto talaga yung industriya na pinasok mo.

“’Although I’ve said way back na you just have to have a core group, people you really, really trust. Bilang lang sa kamay mo, your mom, your brother, your family and some of your friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’And sila lang yung gauge mo, kasi people around you, they can pull you up or pull you down.

“’So, if you listen to everybody’s opinion, patay ka.’”

NO COMMENT ON RELATIONSHIP ISSUE. Kasama ba sa naging pain at hurts ni Krizza ang tungkol sa tsismis ng pagli-link sa kanila?

Sagot ni Aiza, “That part I don’t want to comment.

“But kumbaga, alam mo kasi, for any person na bago lang dito sa industriya, you know naman, yung comparing her to a lot of people.

“And I keep on telling her, ‘I know you’re affected, it’s very normal. Always remember you have to be yourself, just be yourself.’”

Nakikita niya bang umiiyak si Krizza?

“Sometimes.”

Paano niya kinu-comfort ito?

“Just by being there for her. Sinasabi ko na lang na huwag na niyang pansinin.”

Bukod sa taong iniintriga, kadalasang mas apektado pa yung pamilya nito sa lumalabas na mga intriga. Ano ang sinasabi ni Aiza sa pamilya ni Krizza?

“I tell them na lang na... kasi ako, para sa akin, ‘pag nagsalita ka, lalaki. Ganun lang yun.

“So, don’t talk. Less talk, less mistake.”

DIDN’T LIKE EX-GIRLFRIEND’S INTERVIEW. Isa pang intriga ay nagtuturo kay Krizza bilang third party diumano sa breakup ni Aiza at ng ex-girlfriend nitong si Chen Sarte.

Paano nila pinag-uusapan ni Krizza ito?

“We don’t talk about things like that. Krizza and I don’t talk about that,” sabi ni Aiza.

Speaking of Chen, muling nag-react si Aiza tungkol sa pagpapa-interview ng ex-girlfriend tungkol sa naging breakup nila.

“Honestly, I don’t like it. Para sa akin kasi, for any person, kasi it’s a private thing.

“Parang our breakup shouldn’t concern… I mean, even if people are concerned about it, I don’t think it should be addressed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una, hindi naman dapat talaga. So, I don’t like it.

“And now, I don’t like to talk about it also. Ayoko na lang.”

Kinausap niya ba si Chen after lumabas ang interview nito sa telebisyon?

“No na. Ang point ko lang kasi, puwede namang mag-no comment.

“Kasi dati naman ‘pag kasama ko siya sa presscons, she would rather not talk. So, why now?

“You can always say no. I mean, I don’t know what her intentions are or what her intentions were, but you can always say no, that’s it.”

Hindi ba sila naging friends ni Chen pagkatapos ng breakup nila?

“Right now, honestly, we’re not speaking to each other,” pag-amin ni Aiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN