Rocco Nacino stands up for rumored girlfriend Sheena Halili amidst pregnancy rumor

Rocco Nacino on rumor that Sheena Halili is pregnant: “It’s really a sensitive issue. At sana lang, ingat lang sa pagbuo ng tsismis kasi very sensitive ‘yong gano’ng topic, e. Well, it’s not true nga. Pati si Sheena, na-clarify na ang tungkol do’n.”


Hindi kaagad nasakyan ni Rocco Nacino kung bakit sa pakikipagkuwentuhan sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, June 17, ay may pabirong pagbati sa kanya ng “Happy Father’s Day.”

Natawa nga ang young actor nang mapagtantong ito’y dahil sa kumakalat na balita na buntis diumano ang rumored girlfriend niyang si Sheena Halili.

“I don’t know kung bakit may gano’ng balita.

“From what I read, dahil daw nagpunta sa Bohol nang mag-isa. At dahil daw nakitang kumakain ng mangga si Sheena sa set ng Tweets For My Sweet, kaya daw nabuo ‘yong gano’ng tsismis!” sabay tawa niya.

Dagdag ni Rocco, “Tinatawanan lang po namin. Hindi po totoo ‘yon.

“At saka, nahiya rin po ako siyempre kay Sheena, sa parents niya.

“Pati ‘yong mom ko, ang unang tanong nga niya sa akin, ‘Kumusta si Sheena?’ Kasi siya nga po ang babae.

“It’s really a sensitive issue. At sana lang, ingat lang sa pagbuo ng tsismis kasi very sensitive ‘yong gano’ng topic, e.

“Well, it’s not true nga. Pati si Sheena, na-clarify na ang tungkol do’n.”

STANDING UP FOR SHEENA. Born-Again Christian ang pamilya ni Rocco. Ano ang naging reaksiyon ng mga ito nang unang lumabas ang balita na buntis daw si Sheena?

“’Yon nga, e. Isa rin sa sinabi ng Mommy ni Sheena at mommy ko na… parehas kaming Born-Again Christian.

“Ako, mataas ang respeto ko kay Sheena, at inirerespeto ko rin ‘yong magulang niya.

“Si Mommy, may tiwala sa aming dalawa. Kaya ano… para sa akin, nahihiya ako. Kaya I want to stand up for her talaga.”

Boto naman yata ang pamilya niya kay Sheena at maging ang side nito sa kanya, di ba?

“Hindi ko po alam, e. Siguro dapat sila na lang ang tinatanong!” tawa ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nagkakausap sila, kapag nagkaka-text sila, they’re at ease naman.

“’Yong mommy po ni Sheena, ka-close ko na rin naman. Nakakausap ko naman ang family niya palagi, e.

“Kaya okey naman po. Hindi ko lang alam ‘yong tungkol sa boto-boto na ganyan.”

Affected ba ang pamilya ni Sheena sa balitang buntis ito?

“Yeah! Si Sheena, mahal na mahal ng magulang niya. Kaya news like that, talagang nasaktan sila do’n.

“Ako, kinausap ko rin sila. Sinabi ko rin na hindi totoo ‘yon.

“Kaya nga I stood up for her [Sheena]. And hindi nga totoo ‘yon.

“Hindi pa ako father to be. Kaya hindi pa n’yo ako puwedeng batiin ng Happy Father’s day!” natawa na namang biro ni Rocco.

HANGING OUT. Kasi naman, napapabalita ring madalas daw nagbababad si Rocco sa bagong bahay ni Sheena?

“Hindi, hanging out lagi,” paglilinaw ng StarStruck alumnus.

“Uhm… minsan nagdadala ako ng pagkain. Kapag may time, dumadalaw ako. Nagkikita kami.

“’Yon lang naman. ‘Tapos nando’n ang kapatid niya, so nagkukuwentuhan kaming tatlo. Minsan nanonood ng DVD.

“Kaya nga siya [Sheena] nagtatrabaho nang husto ngayon kasi marami siyang balak para sa bagong bahay niya.

“Marami siyang gustong gawin, like sa interior designing. At marami rin siyang pinapangarap na mabiling furnitures.

“Kaya iyon ang pinagsisikapan niya ngayon.

“Maganda ‘yong bahay niya. Parang naengganyo rin ako tuloy na magsikap na ring magkaroon ng sariling bahay.

“Namu-motivate ako ngayon na magtrabaho pa nang mabuti para makapag-ipon—so that I can also buy a house of my own.

“If ever, parang bachelor’s pad muna ang gusto ko. ‘Tapos saka na lang ile-level up.

“Saka na lang ako mag-iisip ng bahay na para sa magiging sariling pamilya ko kapag nasa tamang age na ako.”

Ngayon, matapos mabalita na buntis si Sheena, mababawasan na ba ang pagpunta-punta niya sa bahay nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Rocco, “Hindi naman. Gano’n pa rin.

“Basta may oras kami. Kapag after ng trabaho niya at wala siyang ginagawa, kapag hindi pa siya pagod, puwede kaming magkita.

“Nando’n rin naman ‘yong mommy niya sa bahay niya, e. Madalas din po. At kapag may time po, nagkikita-kita kami doon.

“Pero mas careful na kami ni Sheena ngayon, of course.

“And we learned to be more patient. ‘Yong hindi mapikon agad dahil sa mga ganyang balita.

“At sinabi rin sa amin, ‘Mas marami pang matindi at mas sensitive na intrigang darating sa inyo, so you just have to be strong.’

“Alam namin na wala naman kaming ginagawang masama kaya kampante naman kami.”

Hindi pa nga sila umaamin na mag-on, ‘tapos may balita agad na buntis si Sheena?

“’Yon na nga, e. Parang naunahan pa. Parang gano’n!” tawa ni Rocco.

“Pero alam naman namin na hindi totoo. So, hindi na kami dapat nagpapaapekto pa.”

BACK TO WORK. Next week, busy na naman daw si Rocco dahil magre-resume na ang shooting niya for the Ilocano epic film Lam-ang.

Kuwento niya sa PEP, “Pupunta na naman ako sa Ilocos para mag-shoot ulit.

“It’s another one full week of shooting. At marami kaming aayusin na fight scenes.

“So, todo-handa ako sa mga fight scenes ko siyempre. Bugbog ulit ako katawan ko.

“At saka magiging maitim ulit ako!”

Bukod sa Lam-ang, ano pa ang ibang bago na nakatakda niyang pagkaabalahan?

“May sinasabi sa akin na bagong projecat na gagawin ko sa GMA.

“Hindi pa ako puwedeng magsalita about it, pero sana ma-push through,” asam ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN