GMA-7 owners Felipe Gozon, Gilberto Duavit, and Menardo Jimenez make it to Forbes 40 Richest List

Atty. Felipe Gozon placed 32nd in "The Philippines’ 40 Richest" list released by Forbes magazine earlier today, June 21.


Ngayong araw, June 21 (June 20 sa United States), ay ini-release
ng Forbes magazine ang taunan nilang listahan ng pinakamayamang tao sa buong mundo para sa taong 2012.

Kalakip ng listahan ang "The Philippines’ 40 Richest," kung saan kasama ang tatlong may-ari ng GMA-7.

Pumasok sa bilang na 26 si Gilberto Duavit, habang nasa bilang na 27 naman si Menardo Jimenez. Ito rin ang mga naging puwesto nila sa listahan noong 2011.

Ang chairman at CEO naman na si Atty. Felipe Gozon ay nasa bilang na 32.


GMA-7 OWNERS’ NET WORTH. Kung susumahin, umaabot sa $775M ang pinagsama-samang yaman ng tatlong may-ari ng Kapuso network.

Si Gilberto Duavit ang may pinakamalaking net worth sa tatlo na umabot sa $270M. Mas malaki ito sa net worth na $190M ng 77-year-old politician-turned-media tycoon noong nakaraang taon.

Tumaas din ang net worth ni Menardo Jimenez mula $185M noong 2011 sa $265M ngayong 2012.

Malaki rin ang itinaas ng yaman ni Felipe Gozon mula $163M noong
2011 sa $240M ngayong taon. Ngunit bumaba ang puwesto ng 72-year-old businessman sa listahan, na nasa bilang 30 noong nakaraang taon.

Ayon sa Forbes, ang pagtaas ng net worth ng mga may-ari ng GMA-7 ay dahil sa "50%" na pagtaas din ng shares ng network, na inilarawan bilang "leading radio and television broadcaster" sa bansa.


ABS-CBN OWNERS. Samantala, nakasaad din sa report ng Forbes na nalaglag sa listahan ngayong taon ang chairman at CEO ng ABS-CBN na si Eugenio Lopez III.

Ito ay dahil sa $140 million na naging cut-off para mapabilang sa top 40.

Noong 2011 ay nakapuwesto sa bilang na 39 ang media tycoon sa net worth niyang $90M.

Samantala, nasa listahan pa rin si Oscar Lopez, ang patriarch ng mga Lopezes at ang chairman emeritus ng Lopez holdings, kung saan kabilang sa "ownership structure" nito ang ABS-CBN.

Bumaba ng $35M— mula $280M noong 2011 sa $245M ngayong taon— ang net worth ng 82-year-old business tycoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bumaba rin ang puwesto niya sa listahan—mula pang-23 noong 2011, nasa pang-31 ito sa 2012.


FULL LIST. Narito ang buong listahan ng Forbes:

1. Henry Sy (SM) - $9.1B
2. Lucio Tan (Fortune Tobacco, Asia Brewery) - $4.5B
3. Enrique Razon, Jr. (ICTS) - $3.6B
4. John Gokongwei (JG Summit) - $3.2B
5. David Consunji (DMCI) - $2.7B
6. Andrew Tan (Alliance Global) - $2.3B
7. Jaime Zobel de Ayala (Ayala Corp.) - $2.2B
8. George Ty (Metropolitan Bank) - $1.7B
9. Roberto Ongpin (Top Frontier) - $1.5B
10. Eduardo Cojuangco (San Miguel) - $1.4B
11. Robert Coyiuto, Jr. (National Grid) - $1.3B
12. Tony Tan Caktiong (Jollibee Foods) - $1.25B
13. Lucio and Susan Co (Puregold) - $1.2B
14. Inigo and Mercedes Zobel (Ayala Corp.) - $1.15B
15. Emilio Yap (Manila Bulletin, Philtrust Bank) - $1.1B
16. Jon Ramon Aboitiz (Aboitiz Equity Ventures) - $955M
17. Andrew Gotianun (Filinvest) - $825M
18. Manuel Villar (Vista Land) - $720M
19. Beatrice Campos (Unilab) - $700M
20. Vivian Que Azcona (Mercury Drug) - $690M
21. Alfonso Yuchengco (Yuchengco Group) - $570M
22. Mariano Tan (Unilab) - $420M
23. Enrique Aboitiz (Aboitiz and Co.) - $400M
24. Eric Recto (Alphaland) - $365M
25. Jose Antonio (Century Properties) - $300M
26. Gilberto Duavit (GMA-7) - $270M
27. Menardo Jimenez (GMA-7) - $265M
28. Frederick Dy (Security Bank) - $260M
29. Manuel Zamora (Nickel Asia) - $255M
30. Alfredo Ramos (Atlas Consolidate Mining and Development) - $250M
31. Oscar Lopez (Lopez Holdings) - $245M
32. Felipe Gozon (GMA-7) - $240M
33. Betty Ang (Monde Nissin) - $235M
34. Wilfred Steven Uytengsu, Jr. (Alaska Milk) - $230M
35. Juliette Romualdez (Banco de Oro) - $200M
36. Bienvenido Tantoco, Sr. (Rustan Commercial) - $195M
37. Jacinto Ng (Rebisco) - $190M
38. Tomas Alcantara (Alsons Consolidated Resources) - $160M
39. Michael Cosiquien (Megawide) - $150M
40. Edgar Sia (Mang Inasal) - $140M


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN