Mario O’Hara’s younger brother says the director is responding well to chemotherapy

Jerry O’Hara (right) is not losing hope that his brother, director Mario O’Hara (left) will survive his illness: "We take it on a day-to-day [basis] kasi matindi yung klase ng leukemia na tumama kay Mario, e. So, a day above the ground is a good day! May miracle... nasa sa ’yo yun, e. He’s 66 years old. If he lives 10 more years at 76, hindi na masama ’yon." The O’Hara brothers are with Superstar Nora Aunor in this file photo o


May ilan pang impormasyong nakalap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa kasalukuyang kundisyon ng beteranong direktor, prodyuser, writer, at aktor na si Mario O’Hara na kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sanhi ng isang malubhang karamdaman.

Acute leukemia ang na-diagnose na sakit ni Direk Mario nang ma-confine ito simula noong Biyernes, June 15.

Sa maikling panayam ng PEP sa nakababatang kapatid ni Direk Mario na si Jerry O’Hara kagabi, June 21, sa tahanan ng mga O’Hara sa Makati City ay napag-alaman ng PEP ang kundisyon ng direktor.

"Bumubuti naman ang kalagayan niya. Nagre-respond siya sa gamot, sa chemotherapy," bungad ni Jerry, na napapanood sa ABS-CBN series na Princess And I.

Ang ganitong lagay ni Mario ay nagsimula kahapon, June 21, matapos ang limang araw na confinement.

"Hanggang kahapon [June 20], kritikal siya," patuloy ni Jerry.

"Pero ngayon, mabuti naman. Yung white blood cells niya, bumaba [ang bilang] ng kalahati. Nag-respond ang katawan niya sa chemotherapy.

"Makulit na siya. Sana magpatuloy.

"Hinihintay namin, kahapon, hanggang ngayon... kasi baka magka-brain hemorrage, wala ka nang magagawa.

"Dalawang araw nang lumalaban yung katawan niya.

"Kami ni Heber [O’Hara, pamangkin ni Mario], masayang-masaya kami!"

Kasama raw ni Jerry na salit-salitang nagbabantay kay Direk Mario ang pamangkin nilang si Janice O’Hara at ang personal na assistant ng direktor na si Alan Magbojos.

"Kailangan, merong isang puwedeng mag-decide if anything happens. Hindi puwedeng minor kasi nga it’s a critical stage."

Gayunpaman, may positibong kaganapan, ayon kay Jerry.

"Sana magtuluy-tuloy. Kasi malakas ang katawan niya.

"Sabi nga ng doktor sa akin, ’Kung ang kapatid mo, e, hindi malakas ang katawan,” malamang daw ay bumigay na ito.

"Imagine, acute leukemia, ’susmaryosep! Na-depress nga siya for two days, gusto na niyang umuwi.

“Parang ayaw na niyang magpahawak, magpatingin, ’Uuwi na lang ako!’

"That was when I started calling friends," sabi ni Jerry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VISITED BY OLD-TIME FRIENDS. Bagamat mahigpit ang bilin na, "No Visitors Allowed,” marami raw mga kaibigan at kasamahan sa industriya ni Mario ang nagnanais na madalaw at makita ang veteran writer-director.

"With a few exceptions, kasi mga old-time friends ni Mario nagpipilit talaga.

"Si Frank Rivera [kaibigang writer], si Nonon Padilla [veteran stage director]... si Nora Aunor.

"Si Ate Guy [Nora], unang-unang dumalaw, e. Masaya si Mario nang makita siya. Ngumiti siyang bigla!" pagbabalita pa ni Jerry.

Dalawang araw nang dumadalaw si Ate Guy sa kanyang matalik na kaibigang direktor.

Matatandaang si Nora ang bida ng pinakahuling major work ni Mario—ang mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.

Patuloy ni Jerrry, "Si Laurice [Guillen] nga, tawag nang tawag sa akin, ’Kahit two minutes lang, Jerry, alam ko ’yan. Kahit maligo ako ng alcohol, sabihin mo sa akin.’”

Kung saang hospital daw niya puwedeng dalawin si Direk Mario.

"Kasi nga, si Johnny [Delgado, Laurice’s late actor-husband], cancer din,” na ang ibig tukuyin ni Jerry ay ang naging sakit ng yumaong aktor.

"Bawal talaga, bilin ng doktor ’yan. Kaya lang, nagkaroon ng depression si Mario.

"So I had to allow very close friends para mapasigla siya."

Pero bago raw ito, ayon kay Jerry, "Gusto na niyang umuwi. Ayaw na niya ng gamot.

“Parang hihintayin na lang niya yung sentensiya niya dito,” sa kanilang tahanan daw.

"Problema niya itong sakit niya. Nung nalaman niyang leukemia, ang reaction shot nga raw kasi ng doktor, yung... [iiling-iling na]. So parang dead-end.

"Nalungkot siya, so I had to call some friends.

"Nung tumawag si Ate Guy, okay na lang. Kahit actually bawal, kasi nako-compromise yung kanyang health at recovery.

"Kasi ‘pag nagki-chemotherapy, bumababa ang resistance. Pero gusto ko ring mapasigla siya."

Sa umpisa, naging problema rin ang pag-break ng news sa matanda nang ina nina Direk Mario at Jerry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, baka atakihin. Pero alam na niya."

Ang kanilang ina ang kasama ni Direk Mario sa kanilang tahanan.

IN AND OUT OF HOSPITAL. Bago na-diagnose ang kasalukuyang karamdaman, naospital na si Direk Mario noong Mayo.

"Nung una, nag-suffer siya from pneumonia," banggit ni Jerry.

"Then, yung pneumonia niya, nag-trigger ng mild heart attack. So, ni-rush namin siya sa hospital.

"Ayaw niyang ipinaaalam kasi gusto pa niyang magtrabaho. Gusto pa niyang mag-taping.

"So, na-ICU [intensive care unit] siya for eight days. ‘Tapos, na-confine siya for another week. Pinagaling yun, e.

"Gumaling naman. ‘Tapos, nakita nila tumaas yung white blood cells niya. Sabi ng doktor, ‘Out patient na lang.’ Umuwi siya.

"For two weeks, masama na naman ang kundisyon. Bumalik siya ng ospital.

"Actually, kaya siya bumalik para magpa-consult lang. In-arrange ko yung treatment niya with another doctor... hematologist.

"Nung bumalik siya ng ospital, hindi na siya pinauwi. Yung doctor who’s so used to it, isang tingin pa lang niya, alam na niya.

"Inalam namin yung resulta na ipinadala. Lumabas na acute leukemia.

“Hindi ko masasabi kung anong stage, but it’s acute kasi sinisira nito ang atay niya, yung kidney niya."

May palatandaan daw si Jerry tungkol sa nararamdaman ni Direk Mario noon pa lang nagte-taping sila ng Sa Ngalan Ng Ina, mga buwan ng Setyembre at Oktubre 2011.

Madalas ay inaabot ng madaling-araw ang taping.

"Kaya pala noon, madali na siyang mapagod," pagtukoy ni Jerry sa kapatid.

"Ina-attribute lang niya yun, sa age niya. He is 66.

"Meron kaming time noon, dalawang oras kaming hihinto sa taping. Meron siyang pinahahanap na props.

“Nagtataka ako, puwede namang wala itong props na ito.

"Yun pala, he was buying time. ’May nararamdaman ito,’" naisip lang daw ni Jerry.

"Noon ko pa napansin, hindi naman ganun dati itong kapatid kong ito. Nagsisimula na pala ’yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naoperahan na rin si Direk Mario sa prostate, pero wala itong kinalaman sa kasalukuyan niyang karamdaman.

"Nagsisikreto siya, pero ako napansin ko, ’May nararamdaman ito.’ Tama pala ako," may lungkot na sambit ni Jerry.

Umaasa ngayon si Jerry na magtutuluy-tuloy pa ang masiglang kundisyon ng kapatid, na patuloy na lumalaban ang katawan sa kasalukuyang karamdaman.

Abala naman si Jerry, ’tulad ng kasalukuyang partisipasyon sa The Princess And I ng ABS-CBN at sa 8th Virgin Labfest Revisited entry na Kawala sa CCP sa July.

Kasama niya rito ang actress-wife niyang si Peewee O’Hara at anak nilang si Paolo O’Hara na isa ring aktor.

Sabi ni Jerry, "Hindi nga ako maka-focus ngayon sa rehearsals namin, e, dahil sa kapatid ko.

"Well, kami, we take it on a day-to-day [basis] kasi matindi yung klase ng leukemia na tumama kay Mario, e.

"So, a day above the ground is a good day!

"May miracle... nasa sa ’yo yun, e. He’s 66 years old.

"If he lives 10 more years at 76, hindi na masama ’yon," sambit pa ni Jerry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN