Dolphy develops pneumonia anew; doctors discontinue dialysis

Comedy King Dolphy has been diagnosed with pneumonia again, according to his son Eric Quizon in a press conference held earlier tonight, June 22. Eric said, "He has pneumonia on both sides of his lungs. That’s the downside."


Sa pinakabagong ulat kaugnay ng kundisyon ni Dolphy, sinabi ng anak nitong si Eric Quizon sa isang press conference ngayong gabi, June 22, na nagkaroon na naman ng pneumonia ang Comedy King.

Ito ang ikalabing-isang beses na dinapuan ng pneumonia ang beteranong aktor.

Dagdag ni Eric, "They’re now administering antibiotics again. With the antibiotics, mas groggy siya ngayon.

"At least na-detect nang maaga, so, hopefully, he survives this.”

Dahil sa sakit ng Comedy King na chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay nahihirapan ang pagdaloy ng hangin sa kanyang baga.

Natuklasan ng mga doktor ni Dolphy ang pneumonia pagkatapos nitong lagnatin habang naka-confine sa Makati Medical Center.

Ayon kay Eric, "He has pneumonia on both sides of his lungs. That’s the downside."

May nakakabit pa rin daw na respirator sa Hari ng Komedya upang tulungan siyang makahinga.

Samantala, nagdesisyon na rin ang mga doktor ni Dolphy na itigil na ang pagda-dialysis dito.

Ang dialysis ay isang prosesong medikal kunsaan tinatanggal ang dumi at sobrang tubig mula sa dugo.

Ang desisyon na itigil na ang dialysis ay ginawa kaninang umaga pagkatapos tumaas ang heart rate at bumaba ang blood pressure ng 83-anyos na komedyante.

Ngunit sabi ni Eric, “However, he’s been regulated. His heart rate is still fluctuating, but his blood pressure has been regulated.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN