Zaijian Jaranilla called “boy wonder” by Lorenzo’s Time director

Despite being in showbiz since 2008, 10-year-old-actor Zaijian Jaranilla says he still gets star-struck working with more popular stars: “May konting kaba po kasi mayroon pa rin po akong nakakasamang magagaling na artista."


Panibagong challenge ang gagawin ni Zaijian Jaranilla sa kanyang bagong teleserye, ang Lorenzo’s Time.

Katulad ng ginawa niyang pagpapaiyak at pagpapasaya sa mga manonood ng May Bukas Pa at Ikaw ay Pag-ibig, muling gagawin ito ng 10-year-old actor. Subalit di tulad noon, kakaibang bata ang makikita ng mga manonood.

Gagampanan ni Zaijian ang character ng isang batang may sakit na progeria, isang genetic condition kung saan mabilis ang pagtanda ng isang tao.

Upang magawa ito nang maayos, sumailalim si Zaijian sa isang workshop na pinamunuan ng veteran actor na si Pen Medina.

Ayon kay Zaijian, siya ang nagturo sa kanya kung paano kumilos at magsalita katulad ng mga matatanda.

“Parang sinasabi niya po kasi sa akin kung ano ‘yong dapat kong gawin.

“Itinuro niya kung paano ‘yong lakad ko. ‘Yong lakad na pangmayaman. Pero parang may script siyang binibigay sa akin ‘tapos po [tuturuan niya ako] kung paano ‘yong boses ko,” paglalahad niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng press conference na inihanda para sa cast ng programa.

Ito ay ginanap sa 9501 Restaurant sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City kagabi, Hunyo 21.

Bagamat ilang beses na siyang nagkaroon ng teleserye, minsan ay kinakabahan pa rin daw si Zaijian.

Aniya, “May konting kaba po kasi mayroon pa rin po akong nakakasamang magagaling na artista.”

BEING PAIRED WITH CARMINA. At isa pa sa mga ikinakakaba niya ay ang pagtatambal nila ni Carmina Villarroel.

Sa istorya kasi ng Lorenzo’s Time, isasailalim ang katawan ng karakter ni Zaijian sa proseso ng cryonics hanggang makahanap na ng gamut ang mga magulang niya para maiwasan ang mabilis na pagtanda.

Habang lumilipas ang panahon, hindi tumatanda si Lorenzo, subalit tumatanda naman ang kababata niyang si Kathy, na gagampanan ni Carmina.

Hindi ba nailing si Zaijian na naging magkapareha sila sa Lorenzo’s Time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong una po medyo nahihiya-hiya pa ako. Medyo nasanay na po,” matipid na sagot ng batang aktor.

“WONDER BOY.” Katulad ng kanyang mga nakaraang proyekto sa telebisyon, tila naaayon din kay Zaijian ang pagganap bilang Lorenzo sa bagong family drama ng ABS-CBN.

Ayon sa production manager ng Lorenzo’s Time na si Ethel Espiritu, “It was meant for Zaijian kasi ‘yong gano’ng sensitivity na laging kailangan no’ng character. It can only be portrayed by someone like Zaijian.”

Dagdag pa niya, “Malaki din kasi ang [itinanda] ni Zaijian from May Bukas Pa to now.

“Expected ‘yon but ‘yong feeling na nakaka-surprise that he was able to deliver kung ano ‘yong expected. Mararamdaman n’yo po ‘yong maturity ng acting niya kapag napanood n’yo po.”

Samantala, patuloy pa rin ang paghanga ng direktor na si Jerome Pobocan sa batang si Zaijian na nakatrabaho niya rin noon sa May Bukas Pa.

Sabi pa niya, “Sa May Bukas Pa, doon pa lang nakakikitaan na ang mga bata na merong [talent] itong batang ito. ‘Tapos noong binigay sa kanya ang May Bukas Pa, ang bilis mahasa.

“He’s a natural. Magaling po siyang magmemorya.

“Kapag may lines, kaya niyang makipagsabayan. May talent din.

“May mga ganun talaga. May mga batang may talent, may mga batang pinananganak maging magaling na artista.”

Kaya daw muling pinagkatiwala ng management kay Zaijian ang Lorenzo’s Time dahil, “he’s our boy wonder ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN