Why Ruffa Gutierrez quit her TV5 talk show, Paparazzi

In the June 23 airing of Paparazzi, Ruffa Gutierrez’s (in photo) co-hosts, Cristy Fermin, Mr. Fu, Mariel Rodriguez, and Zoren Legaspi asked her questions about three men (Aga Muhlach, Zoren, and Robin Padilla) in her past. She later found the questions, although they were whispered in her ear, vulgar. Not exactly the birthday treat she was expecting. On the same day, Ruffa tweeted that she was quitting the show.


Kahapon, June 23, ay pumutok ang isyu ng pag-ayaw ni Ruffa Gutierrez bilang host sa TV5 showbiz talk show na Paparazzi.

Aniya, binastos daw siya sa show, habang ginaganap ang kanyang birthday segment.

Kaugnay nito ay nagalit ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama. At sa sunud-sunod nitong mga post sa Twitter account niya (@annabellerama2) ay ipinahayag niya ang dahilan kung bakit siya nagalit.

Ayon sa talent manager, wala raw respeto ang mga tanong sa kanyang anak.

Dalawang tanong ang kanyang binanggit, na nagpapatungkol sa umano’y sekswal na nakaraan ni Ruffa sa kanyang mga naging ex-boyfriend.

(CLICK HERE to read related story.)

Upang malaman ang tunay na konteksto ng nasabing mga tanong ay pinanood ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang segment na ito ng Paparazzi. Naka-upload ito na unedited sa YouTube.

Sa segment ay makikitang nakaupo si Ruffa sa harap ng isang live studio audience, kasama ang kanyang mga co-host na sina Cristy Fermin, Zoren Legaspi, Mr. Fu, at Mariel Rodriguez.

Masaya ang pakiramdam ng segment, at tila nagkakasiyahan ang mga host, pati na si Ruffa.

Kasama din ng mga co-host ni Ruffa ang audience na nagtatawanan at nagtitilian sa bawat sagot ng beauty queen-turned-actress.

Ngunit kahit nakangiti si Ruffa sa buong segment, may mga pagkakataon na makikita sa kanyang mukha ang pagkagulat sa mga tanong. May mga pagkakaton ding umiiwas siya sa pagsagot, sa pamamagitan ng pagtayo at pagbago ng topic.

Birthday segment nga ito ng show para kay Ruffa.

Ipinaloob dito ang isang segment na tinatawag nilang "Bulong ng Palad," kung saan ipapahatid ng mga host ang tanong sa pamamagitan ng pagbulong sa kanilang kinakapanayam.

CLICK HERE to watch clip of the show.


SEGMENT TRANSCRIPT. Narito ang buong transcript ng segment:

Sinimulan ang birthday segment sa pagpe-play ng isang video kung saan ipinapakita ang pagkakawanggawa ni Ruffa sa Gawad Kalinga at sa Avon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito, nagpasalamat si Ruffa sa suporta ng dalawang organisasyon sa kanya.

Pagkatapos ay inabot ni Mariel Rodriguez kay Ruffa ang homemade birthday cards na ginawa ng mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice para sa kanyang kaarawan. Mukha namang na-touch si Ruffa at nagpasalamat muli.


CRISTY’S QUESTION. Sa pagkakataong ito ay nagsalita na si Mr. Fu para simulan ang pagtatanong.

MR. FU: "At dahil diyan eto na ang ating ano, Bulong ng Palad. Bibiktimahin ka na ng bulong."

RUFFA: "I know, ano ba yun? Sino nga?"

MR. FU: "Ito si Nanay [Cristy] ang unang magtatanong. Ang mga choices, may kinalaman sa tatlong lalaki. Okay? Naku sana hindi mag-react si…"

Titingnan ni Mr. Fu si Mariel. Asawa ni Mariel ngayon si Robin Padilla, na naging karelasyon daw ni Ruffa noon.

CRISTY FERMIN: "Si Mariel, expected na niya na kasama…"

MARIEL: "Nanonood siya [Robin], ha."

RUFFA: "Ay, nanonood? Oh gosh!"

MR. FU: "Ibubulong lang yung tanong, ’tapos ikaw ang sasagot. Clue lang yung maibibigay namin. Ang tatlong lalaking involved: A, Aga."

CRISTY: "Aga Muhlach."

MR. FU: "Aga Muhlach. B, Zoren. And letter C ay si Robin Padilla."

RUFFA: "Ano ba naman ’yan, 19-kopong-kopong pa!"

CRISTY: "Pasintabi kay Mariel siyempre. Ang unang bulong ng palad na aking ibabahagi sa ’yo ay…"

Tatayo si Cristy at lalakad papunta kay Ruffa. May ibubulong itong tanong, na hindi maririnig ng audience.

Nang marinig ni Ruffa ang tanong ay makikita sa kanyang mukha ang gulat. Mapapahawak siya sa dibdib.

RUFFA: "Oh, my gosh! God, nakaka-shock naman!"

CRISTY: "Walang nakakalusot."

Dito ay magsisimula nang magtitilian at magpapalakpakan ang audience. Matapos ang ilang segundo ay sasagot si Ruffa.

RUFFA: "Yeah, I’m sorry I don’t kiss and tell."

Matapos nito ay bubuyuin ng hosts si Ruffa para sumagot ito.

MARIEL: "Hindi naman namin alam, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTY: "Hindi naman namin alam kung sino, e."

RUFFA: "Ay, ganun ba yun?"

MR. FU: "Aga, Robin, and Zoren."

MARIEL: "At least now, may clue na tayo it has something to do with…"

RUFFA: "Yeah, but you know what, one of them is not kasali in that ano, e, equation."

Matapos ay magsasalita si Mariel habang tumatawa nang malakas si Cristy.

MARIEL: "A, so hindi siya nakapag-gano’n?"

Itutuloy ni Ruffa ang kanyang sinasabi.

RUFFA: "Yung kay Mariel."

Makikitang masa-shock si Mariel sa sinabi ni Ruffa. Itutuloy ni Mr. Fu ang pagkuha ng sagot kay Ruffa.

MR. FU: "Hindi siya kasali, so dalawa na lang actually. Lumiit ang choices. It’s between Aga and Zoren."

Sasagot na rin si Ruffa.

RUFFA: "Zoren."

Patuloy ang tilian ng audience. Mapapatayo si Mr. Fu at mapapalakpak.

MR. FU: "Ay! Alam ko yung tanong!"

Matapos nito ay ibubulong ni Cristy kay Zoren ang naging tanong. Itataas naman ni Zoren ang kanyang dalawang braso, na parang aaktong nanalo. Ibubulong na rin ni Mr. Fu kay Mariel ang tanong.

MARIEL: "Oh, my god!"

RUFFA: "Uy, ano ba naman ’yan?"

CRISTY: "Si Zoren gumaganyan o!"

RUFFA: "I hate you."

MR. FU: "Tama ba?"

Haharap si Mr. Fu kay Ruffa at may tahimik na itatanong gamit ang bibig. Kita ng audience ang bibig ni Mr. Fu ngunit hindi maaninag kung ano ang ibig niyang sabihin.

CRISTY: "Panalo si Zoren."

Iibahin naman ni Ruffa ang topic.

RUFFA: "Mom is watching, ha? Hello mom and dad."


MARIEL’S QUESTION. Pagkatapos nito ay tatayo si Mariel para ibulong ang kanyang tanong kay Ruffa. Mabilis ang sagot ni Ruffa.

RUFFA: "Oh. E, di yung sa ’yo. Robin."

Tawa ang isasagot ni Mariel dito. Itutuloy ni Ruffa ang sagot.

RUFFA: "I’m so thankful mabait na nga to you, ’cause he’s older and wiser."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIEL: "Yes. Maganda yung sagot mo: E, di yung sa ’yo!"

MR. FU’S QUESTION. Si Mr. Fu naman ang magtatanong. Pero bago siya bumulong ay magbibigay muna siya ng pasakalye.

MR. FU: "Ako na!"

RUFFA: "Kasali talaga siya sa equation!"

MR. FU: "Pag tinanong kita, dapat friends pa rin tayo, ha? ’Wag mong seseryosohin ang tanong. Eto na. Choices: Aga, Zoren, Robin. Sino ang may pinakamalaking…"

Itutuloy ni Mr. Fu ang pinutol na tanong sa tenga ni Ruffa. Kahit pabulong ay medyo naririnig pa rin ang unang bahagi ng tanong sa mikropono.

Magugulat muli si Ruffa sa tanong at hindi agad magsasalita. Pagsagot niya ay pareho pa rin ang tila cheerful pa rin ang kanyang tono, tulad sa mga unang sagot.

RUFFA: "Alam mo, you’re so good! I’m not answering that. Wala akong alam diyan. Next question. Ewan ko, hindi ko sasagutin ’yan. Next question."

Magtitilian muli ang audience. Tatawa ang ilang mga host.

CRISTY: "At least yung sa akin, maganda pa sinagot niya si Zoren."



MR. FU: "Bakit, wala kang mapili dun sa tatlo?"

RUFFA: "Wala. Hindi ko sasagutin ’yan. Next question."

Sasabat naman si Mariel para sabihing piliin na lamang ni Ruffa ang asawang si Robin.

MARIEL: "Okay lang, sabihin mo na lang si Robin. Okay lang."

RUFFA: "Alam mo Mariel, I really wouldn’t know."


ZOREN’S QUESTION. Matapos nito ay sasabihin ni Cristy na si Zoren na ang susunod na magtatanong.

Sa una ay ayaw magtanong ni Zoren, ngunit makukumbinsi din siya. Pipiliin niya ring sabihin ang tanong niya nang malakas, imbes na pabulong.

ZOREN: "Ano bang puwede?"

CRISTY: "Kasama ka sa pamimilian, tatandaan mo."

RUFFA: "You make it bulong."

ZOREN: "Hindi, e, di out loud na lang. Out loud na lang."

RUFFA: "Wag na yung mga 19-kopong-kopong na question."

ZOREN: "E, di mag-John Lloyd na lang tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUFFA: "Mas luma naman yun, ano ba ’yan. Bakit bang kailangan tungkol sa love?"

Si John Lloyd, o John Lloyd Cruz, na artista sa ABS-CBN, ay nakarelasyon daw ni Ruffa. Itatanong din ni Zoren kay Cristy kung bakit hindi kasama ang pangalan ng nasabing aktor sa unang set of choices.

ZOREN: "Bakit ba hindi nasama si John Lloyd dun sa mga choices?"

CRISTY: "E, itong si John Lloyd, ngayon lang pinanganak. At saka hindi naman ganun kalalim yun. Tama ba ako?"

Matapos nito ay ibibigay na ni Zoren ang kanyang tanong para ay Ruffa.

ZOREN: "Sabi mo kay Nanay Cristy, ako yung sagot mo sa tanong niya. E, between me and John Lloyd, sige nga?"

Magtitilian muli ang audience. Hindi sasagutin ni Ruffa ang tanong, at pipiliin niyang tumayo at pasalamatan ang mga importanteng tao sa kanyang buhay.

Pagkatapos ng birthday segment ni Ruffa ay makikita namang nakaupo pa rin siya sa parehong puwesto. Kasama rin siya sa mga host na nagpaalam sa mga nanonood sa episode na ito.

Pagkatapos ng show ay nag-post na siya sa Twitter na nabastos daw siya sa segment, kaya hindi na siya babalik sa sususunod na mga episode.

Dahil bulong ang ginamit na pagtanong, hindi narinig sa ere ang buong mga tanong na nai-post ni Annabelle sa Twitter. Dahil dito, hindi malinaw kung ito nga ba ang mga tanong na ibinulong kay Ruffa.

Sa pagkakataong ito ay ang taong-bayan na lamang ang kailangang maghusga kung ano ang katotohanan.

Bukas ang PEP sa panig ng mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN