Mariel Rodriguez says Robin Padilla will not run for office: "Sa tingin ko po, hindi niya ever papasukin ang politics... okey na sa amin ‘yong ganito."

Mariel Rodriguez was hesitant to comment on Kylie Padilla’s breakup with Aljur Abrenica, but she did say: "Sabi nga niya [Kylie], lahat ng mga pinagdaanan niya, ‘yong mga pains, ganyan. Lahat daw ‘yon nagagamit niya na pang-motivate. Sabi ko naman sa kanya… good! Kasi nati-turn niya ’yong negative into positive. Paano ka naman nga aarte kung wala kang pinagdaanan, di ba?"


Dalawang linggo ring nawala si Mariel Rodriguez dahil sa U.S. tour ng top-rating game show ng TV 5 na Wil Time Big Time. Hindi maubos-ubos ang kuwento niya tungkol sa kanyang mga masasayang karanasan kaugnay ng nasabing biyahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Lalo pa at first time lang niyang nakatsikahan ang PEP.ph (Philippines Enertainment Portal) at ilan pang movie press sa Paparazzi Showbiz Exposed kahapon simula nang nakauwi siya ng Pilipinas.
“It was good,” nakangiting sabi nga ni Mariel. “Kasi nakabalik doon ‘yong team ng Wil Time Big Time na dating Wowowee.
“Ay, grabe! ‘Yong pagmamahal nila, hindi nagbabago. ‘Yong warmth nila. Ramdam na ramdam mo. Nakakatuwa. Sobra.
“Tapos nakita ko ulit ‘yong family ko. Nag-side trip ako. Binisita ko ang dad ko. Sad lang ako kasi hindi nakasama si Robin.
“Iyon kasi ang longest time na magkahiwalay kami. So that was very hard. Medyo… ayoko nang maulit ‘yong gano’n,” sabay tawa niya.
“Pagbalik ko, he got me a room sa hotel. Tapos may flowers. Galing siya ng taping, sinundo niya ako. Sobra talagang ipinaramdam niya sa akin kung gaano talaga niya ako na-miss.
“At gano’n din ako. Ipinaramdam ko rin sa kanya kung gaano ko siya na-miss!” tawa ulit niya.
At dahil sobrang na-miss nila ang isa’t isa, hindi kaya biglang isang araw na lang ay mabalitang magkaka-baby na sila ni Binoe?
“Ay, hindi pa. Wala pa sa plano ang baby. Pinag-usapan namin na huwag muna.
“Kasi nag-i-enjoy pa kami. Gusto pa naming mag-travel. Marami pa kaming gustong mapuntahan. E, siyempre kapag may mga bagets na, di ba… mahirap nang gawin?
“At saka… nagwu-work ako. Di ba? Mahirap.
“Ang dami ngang nagtatanong… kailan ba talaga? Kasi magtu-two years na raw kaming kasal this August.”
ON RUFA MAE QUINTO. Since isa si Mariel sa co-hosts ni Willie Revillame sa Wil Time Big Time, hindi maiwasang matanong si Mariel tungkol sa issue ng kaagad na pagkawala ni Rufa Mae Quinto sa nasabing game show.
May mga intriga na may attitude problem daw si Rufa Mae, pa-prima donna, at nagdi-demand daw ng sobrang laking talent fee na hindi naman daw kayang ibigay ng Wil Productions.
“Si Rufa Mae, it was so much fun having her in the show. Sobra rin ang saya namin na nakasama namin siya.
“Iba rin ang sayang ibinigay ni Peachy [palayaw ni Rufa Mae].
“It just so happen na… she’s a big star. Alam ko na, e. Na… magkakaroon ng something na ganito. Kasi she’s a big star nga.
“E, daily ‘yong show. So kailangan ‘yong devotion mo, naka-ano.
“Hindi naman na rin siya masisisi kasi ang dami niyang ibang projects. From the very start, sinabi naman niya na… ito ang mga projects ko.
“E, siyempre, she was so… kasi ganito ang sinabi ng staff na ang naging problema is her schedule. Kasi mahirap.
“E, may mga naglalabasan naman na tungkol daw sa talent fee, ganyan-ganyan. Ako naman, feeling ko, if the price was right, then, uhm… okey lang na ma-give up niya siguro ‘yong iba niyang mga projects. If the price is right. Di ba?
“Oo. Feeling ko lang, ha!
“Kasi bilang artista, siyempre nando’n na rin siya sa stage ng life niya na gusto na niyang mag-ipon. Alam mo ‘yon?
“So hindi mo siya masisisi. Tao siya. Nagtatrabaho siya, e. Di ba? Na… sige, magpayaman muna siya.
“Tapos sabi naman ni Kuya Willie na welcome siyang bumalik. Di ba? Iyon ang maganda.
“Hindi sumama ang loob sa kanya ni Kuya Willie. Binati pa nga siya sa TV.”
E, ‘yong sinasabing may attitude problem at umaastang prima donna si Rufa Mae?
“Ay… no! Ang bait ni Peachy. Sobra. Ang bait niya.
“Dumarating siya na naka-makeup na. Nakabihis na. Ready na. Tapos nagha-hi siya sa lahat.”
E, yung pagkawala naman sa Wil Time Big Time ng iba pa niyang co-hosts na sina Baby Bisaya at Sugar Mercado?
“Iba naman ang mga ‘yon. Iba ang storyline no’n.
“Ang alam ko… naku, ayan na!” tawa na naman ni Mariel. “Sa pagkakaalam ko, nag-resign sila. Nag-resign sila for reasons na personal siguro nila. Ganyan.”
Hindi si Willie ang nagtanggal o nagpaalis sa kanila?
“Ah… hindi! Para sabihin na… mag-resign kayo, umalis kayo dito? Hindi. Hindi.”
GOOD WORKING RELATIONSHIP. E… siya, ano ang rason at tumatagal siya sa show?
“Alam mo, sabi ko nga… kasi hindi ako ano, e… maganda ‘yong relationship namin ni Kuya Willie na nagwu-work kaming dalawa.
“Nasanay na siya sa akin sa tagal ng nagsama kami sa Wowowee. Siyempre ‘yong style niya, na-gets ko na rin.”
Highest paid daw siya sa lahat ng co-hosts ng Wil Time Big Time?
“Ha? Hala! Maniwala kayo!” natawang reaksiyon na lang niya.
ROBIN IN POLITICS. Si Robin, balitang hindi pa rin daw tinatantanan ng mga humihimok sa action star na pumasok na rin ito sa politika. Kinumpirma naman ito ni Mariel.
“Ay, lagi! Lagi po.
“Pero sa tingin ko po, hindi niya ever papasukin ang politics. Kung ako rin naman ang tatanungin, okey na sa amin ‘yong ganito. Na… ang dami niyang natutulungan. Ang dami niyang nagagawang mabuti.
"Mahirap, e. Mahirap. Di ba ang gulo na nga ng showbiz?
“E, sa politics, grabe pa raw do’n. Ayoko na. Huwag na.
“Pero kung kunwari man, gugustuhin niyang pumasok sa politika, susuportahan ko siya. Dahil naniniwala ako sa kanya. Pero alam kong hindi niya gagawin.”
Likas na raw ang pagiging matulungin ni Robin. Na kahit halos wala nang matira para sa kanya, tutulong at tutulong pa rin daw ito.
Paano na pala ang kanyang magiging pamilya kung panay ang tulong ni Robin sa kapwa?
“Lalo no’ng nagpakasal kami, sinabi na niya ‘yan, e. Kaya nga nagtatrabaho ako, di ba? Tulungan na lang kami bilang mag-asawa. Oo.
“Naiintindihan ko ‘yong sa kanya, e. Habambuhay na raw ‘yong gano’ng pagtulong niya, e.”
RELATIONSHIP WITH ROBIN’S KIDS. Kumusta naman ‘yong relationship niya sa mga anak ni Robin? Napi-feel ba niya na parang pangalawang ina siya ng mga ito?
"No. I’m just their friend. Gano’n ang samahan namin.
“Gusto ko friend lang ako. Ayoko ng mom.
“May mom sila, e,” pagtukoy niya kay Liezl Sicangco.
“Ang tawag nila sa akin… Tita. Ako naman kahit, Ate lang ang itawag nila sa akin, okey lang sa akin, e. Kaya lang si Robin, sinasabi sa kanila… Tita ang itawag sa akin. So I guess gano’n talaga ‘yon.
“So sa akin, hindi naman big deal. Mas gusto ko na parang magkakabarkada lang kami. Hindi naman nagkalayo ang mga edad namin, e!” tawa na naman ni Mariel.
ON KYLIE PADILLA. Si Kylie Padilla, balitang nakipag-break nang tuluyan kay Aljur Abrenica. Ilag namang mag-comment si Mariel about it.
Sabi lang niya… “Alam mo, pinaka-bilib ako sa batang ‘yan. Ang ganda ng mind set ni Kylie. Sobra. Sinabi ko ‘yon kay Robin.
“Na… si Kylie siguro ang talagang magiging mayaman sa mga anak niya. Kasi very focused siya sa career niya. At laging gusto pa niyang mag-strive harder.
“At magaling siyang umarte. Sabi nga niya, lahat ng mga pinagdaanan niya, ‘yong mga pains, ganyan. Lahat daw ‘yon nagagamit niya na pang-motivate.
“Sabi ko naman sa kanya… good! Kasi nati-turn niya ’yong negative into positive. Paano ka naman nga aarte kung wala kang pinagdaanan, di ba?
“Ang galing ng batang ‘yon. Grabe.”
Nagbibigay ba siya ng advice kay Kylie kapag may mga problema ito?
“A… hindi naman talaga advice. More on ano lang… support. Na… tsini-cheer ko lang siya.
"Pero para magbigay ng advice… e, siyempre ang mga kabataan ngayon, ayaw nila na papakialaman sila.”
About love life, hindi nagku-confide sa kanya si Kylie?
“Never. Never.
"And basta ang lagi kong sinasabi sa kanya… ’Kylie, you have the whole world.’”
E, beauty tips kaya for Kylie?
“Mas maganda si Kylie!” nangiting sabi ni Mariel. “Hindi na niya kailangan ng beauty tips. Napakagandang bata. Napakaganda talaga!”
‘Yong napapabalita namang plano na ring pagpapa-sexy ni Kylie bilang ccover girl ng isang men’s magazine, ano sa palagay niya?
“Huwag. Natatakot ako sa father!” pagtukoy niya kay Robin.
“Huwag. Takot ako sa father! Ha-ha-ha!
“Kasi Muslim siya [Robin], e. Iyon yun!” ang naging pahayag ni Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN