Mr. Fu denies saying foul words to Ruffa Gutierrez; shocked by her tweets after birthday segment on Paparazzi

“Hindi ko masabi ang term na yun dahil hindi ko kayang sabihin kay Ruffa yun, unless super ano kami… Alam mo yung mga friends ko na non-showbiz na mga best friends ko na babae, yung mga yun, puwede kong baklain. Pero kay Ms. Ruffa, no," explains Mr. Fu about the segment on Paparazzi where he whispered something to Ruffa Gutierrez.


Hindi na nagpaliguy-ligoy ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tanungin ang radio-TV host na si Mr Fu tungkol sa pagku-quit ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi.

Magkasama sa naturang showbiz talk show ng TV5 sina Mr. Fu at Ruffa.

Matatandaang inanunsiyo ni Ruffa ang kanyang pag-alis sa Paparazzi, sa pamamagitan ng Twitter, pagkatapos na pagkatapos ng birthday celebration niya sa show noong Sabado, June 23.

Ayon kay Ruffa, “binastos” siya sa mismong birthday niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Isa si Mr. Fu sa segment host sa Miss World Philippines 2012 na ginanap kagabi, June 24, sa Manila Hotel. Dito nakausap ng PEP ang co-host ni Ruffa sa Paparazzi.

NO FOUL TERM. Hindi na namin kinailangan pang banggitin kung ano ang isyung itinatanong namin kay Mr. Fu. Hindi na rin siya nagpanggap na hindi niya alam ang isyu.

Aniya, “For the record, wala akong binanggit na foul term doon sa bulong—yung binulong kong tanong kay Ms. Ruffa.

“Pang-apat na beses na namin yung ginagawa. It is really part of our show na naughty segment.

“Pero sa guest talaga namin yun ginagawa. But since birthday niya, parang napag-isipan ng staff and writers na siya ang iupo do’n.

“Kasi, inisip yun, parang playtime, for fun, dahil birthday niya. So, yun, basically yun.”

Yun nga lang, base sa naging sunud-sunod na tweets ni Ruffa pagkatapos ng show, lumalabas na hindi nito nagustuhan ang hinandang birthday surprise para sa kanya.

Ano ang masasabi ni Mr. Fu dito?

“Ako, I am very sorry to Ms. Ruffa that she got offended.

“Kasi, wala talaga kaming masamang intensiyon na sirain ang birthday niya.

“Hello, katrabaho namin siya! Siya ang star ng show.

“Hindi namin magagawa yun sa kanya—na asarin siya.”

Kinumpirma rin ng PEP kay Mr. Fu kung may ibinulong siyang bastos na tanong na hindi nagustuhan ni Ruffa at naging dahilan upang umalis ito sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis ang pagtanggi ng radio-TV host.

“No! For the record, no.

“Ang sinabi ko lang talaga, ‘Ruffa, alam mo na yun. I don’t wanna elaborate, alam mo na yun. Hindi ko kayang sabihin sa ‘yo, Ruffa. Kung anuman yun, alam mo na yun. I don’t wanna elaborate.’”

Dagdag ni Mr. Fu, “Hindi ko masabi ang term na yun dahil hindi ko kayang sabihin kay Ruffa yun, unless super ano kami…

“Alam mo yung mga friends ko na non-showbiz na mga best friends ko na babae, yung mga yun, puwede kong baklain.

“Pero kay Ms. Ruffa, no.”

AFTER THE SHOW. Sabi pa ni Mr. Fu, wala siyang naging ideya o pakiramdam na ikinagalit pala ni Ruffa ang naging segment nila na yun dahil pagkatapos daw ng show, tila okay naman daw ito at nagpaalam pa sa kanila.

Kuwento niya, “Pagkatapos ng show, wala akong naramdaman.

“Kasi, she went to me para mag-beso—after the show ‘to, ha.

“And then, she invited me for a June 30 party na, I think, birthday niya kasi June 30, e. So yun.

(Kahapon, June 24, ang actual 38th birthday ni Ruffa.)

“After no’n, so wala. Hindi ko na ipinaalala sa kanya na, ‘Uy, sorry, ganyan-ganyan.’

“Kasi, before I made bulong, I even told her, ‘Huwag mong seseryosohin ang tanong at friends pa rin tayo.’ That’s what I said.

“So, okay lang.

“Ang ginawa ko, nag-invite siya ng birthday niya, nagba-bye and so I left.

“I was on my way here para sa rehearsal [ng Miss World Philippines], nabasa ko yung mga tweet! Naloka ako!

“Sabi ko, ‘Oh god! May gano’n? What happened?’

“I texted her immediately.

“I said, ‘Matagal na yung segment na yun and I do not intend to ruin your birthday.’ Parang ‘I’m very sorry if you get offended.’”

Hindi naman daw nag-reply si Ruffa sa naging text niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mr. Fu, “Ako naman, baka hindi pa siya ready na sumagot."

NOT YET READY. Si Ruffa ang main host, along with Edu Manzano, ng Miss World Philippines 2012 kagabi. Pareho silang nasa iisang venue, pero nang kausap namin si Mr. Fu, sinabi nitong hindi pa sila nagkikita ni Ruffa kahit nasa iisang lugar lang sila.

Tinanong namin si Mr. Fu kung wala ba siyang planong lapitan o puntahan si Ruffa noong oras na yun.

Sagot niya, “Medyo mainit pa. Ako kasi, gusto ko siyang lapitan o puntahan. Kaya lang, baka naman I’m pushing it too much. Baka hindi pa naman.”

"TRASHY REPORTING." Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Ruffa na gumagamit ng “trashy reporting” ang Paparazzi?

“Ako kasi, siyempre, opinyon niya yun. Siyempre, sa galit niya, baka niya nasabi yun.

“Hindi ko na lang siguro tatapatan yung sinabi niya.

“Pero ako, masaya naman ako sa Paparazzi at naniniwala ako na hardworking at talented yung mga tao sa loob ng show.

“Kung may nasabi man siyang ganoon, meron siyang explanation kung bakit niya nasabi yun.

“Pero kung ako ang tatanungin, mahal ko ang Paparazzi at naniniwala ako na hardworking at talented yung mga tao sa loob ng show.”

Sa opinyon ni Mr. Fu, offending ba talaga ang segment nilang “Bulong ng Palad”?

“Honestly, hindi,” sagot niya.

“Ngayon lang kami nagkaroon ng problema. Siguro nasa tao talaga yun kung paano ite-take.”

Nasabi rin ni Ruffa sa tweet nito na hindi na siya babalik sa Paparazzi. Ano ang masasabi niya rito?

“Malungkot kami dahil sa naging desisyon niya. Pero wala naman kaming magagawa kung yun ang gusto niya talaga.

“Pero sana lang, kung aalis man siya, maging maayos pa rin ang samahan namin. Na walang bad blood.

“Yun lang siguro… kung talagang magdedesisyon siya na aalis na siya ng show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay hiningan namin si Mr. Fu ng mensahe niya kay Ruffa.

“Ruffa, una sa lahat, sorry pa rin if you got offended.

“Wala akong intensiyon na sirain ang birthday niya o intensiyon ang buong show na laglagin siya.

“Sana lang maayos lahat and happy birthday.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN