Erik Matti's Twitter posts about absentee voting irk OFWs

May 19, 2016
<p>Many OFWs feel insulted by director Erik Matti's Twitter posts about the result of overseas absentee voting.</p>

Umani ng batikos ang Twitter posts ng direktor na si Erik Matti tungkol sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang napiling kandidato nitong nakaraang eleksyon.

Sa kanyang Twitter post noong May 15, sinabi ng Honor Thy Father director na “walang malasakit” at “ansama pumili” ng mga Pilipinong botante sa ibang bansa.

Sa kasunod niyang post, sinabi ni Direk Erik na hindi siya sang-ayon sa naging resulta ng overseas absentee voting, kung saan makikitang lamang sina presumptive president Rodrigo Duterte at vice-presidential candidate Bongbong Marcos.

Dahil dito, may ilang netizens ang hindi napigilang mag-react sa post ng direktor.

 

 

 

Naging trending din ang #ApologizeToOFWsMAtti dahil sa naging pahayag ng On the Job director, na kilalang supporter ng mga kandidato ng Liberal Party na sina Mar Roxas at Leni Robredo.

 

 

Sa ngayon, walang pang kasunod na post si Direk Erik tungkol sa isyu.

Read Next
Read More Stories About
Erik Matti
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Many OFWs feel insulted by director Erik Matti's Twitter posts about the result of overseas absentee voting.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results