PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eric Quizon says dad Dolphy's breathing discomfort lessened after undergoing tracheostomy

The actor-director denies dad Dolphy is already out of ICU.
by Rose Garcia
Published Jun 25, 2012
Eric Quizon on why his dad Dolphy has to go through another medical procedure: "The reason kasi why the whole family opted sa tracheostomy nga dahil alam naming makaka-relieve ito sa discomfort na nararamdaman ng daddy ko. Although, wala na nga sa bibig yung tube, nandito na sa kanyang leeg."

Ibinalita ni Eric Quizon ang mga bagong kaganapan sa kundisyon ng kanyang ama na si Dolphy sa live interview sa kanya ni MJ Felipe para sa The Buzz kahapon, June 24.

Ginanap ang panayam sa Makati Medical Center, kung saan naka-confine pa rin ang Comedy King.

Ayon kay Eric, "good news" ang mga nangyayari ngayon sa kanyang ama.

“Medyo maganda ang vital [signs] ng daddy ko ngayon.

"Kumbaga, lahat ng kanyang ano… parang may slight improvement but more on improvement than the other days.

“Although these past few days, he’s been very stable, nagiging stable, kaya kaming pamilya niya, natutuwa rin.

“So, like I said earlier, my dad underwent a procedure and it’s called tracheostomy.

"And it’s a surgical incision where they had to cut in or put an incision here, in his trachea," pagtukoy niya sa may lalamunan.

“Yung air passage niya, makakatulong yun sa paghinga.

“So, yung respirator na nasa bibig, tinanggal na. Nilagay na namin dito," sabay turo ni Eric sa may leeg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, “Of course, noong mag-decide ang family na gawin itong procedure na ito, kinausap naman kami ng mga doctors at sinabi sa amin ang mga risks.

“At siyempre, when he went to the operation last night [June 23] at around 10 o’clock, medyo kinakabahan kami.

“Pero after 30, 45 minutes, lumabas na ang mga doctor at sinabi nilang the procedure went well and he’s responding well.

“Last night, yun nga, nag-improve. Ang pinaka-noticeable na nag-improve talaga, his heart rate and he’s BP [blood pressure].

“Although, may time talaga na bumababa, nagpa-fluctuate, pero not that frequent.

“Katulad ng heart rate niya, medyo nag-i-steady lang siya sa range na ideal.

“Pero minsan, may tumatagal but like I’ve said, it’s not that frequent.”


OUT OF ICU? May kumalat na balitang nailabas na raw ng Intensive Care Unit (ICU) si Mang Dolphy kahapon.

Pero paglilinaw ni Eric, “He’s still in the ICU and like I’ve said, hindi pa rin talaga siya tinatanggal doon sa tinatawag nating critical stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, tinitingnan pa rin, pinag-aaralan pa rin kung ano ang nangyayari sa kanya.

“Gaya nga nito, marami pa ring fluctuation sa kanyang kalusugan, sa vitals niya.

“Ang maganda lang kasi, mas leaning towards his improvement.

"Kasi nga, maski konti-konti, kapag pinagsama-sama mo ‘to, tulad ng kidney niya, yung range ng creatinine level niya, mas bumaba na sa 1.17.

“Which is, yung range kasi, 2.7 to 1.2. Nandoon siya sa range na yun.

“Although, he’s responding well sa dialysis. Kinakaya niya yung dialysis.

“Kanina, nag-perform ulit ng dialysis… his third day at yung prognosis naman ng mga doctor, since he’s responding well, pagpatuloy lang.

“Kaya lang ang dialysis, nakakapagod ‘yan. If you go through it, parang latang-lata ka.

“Siguro nakahiga lang naman ang daddy ko, nandoon naman ang lahat ng suporta ng doctor at nandoon kaming lahat.

"Para nga kaming cheering squad sa ICU.”


SUPPORT FROM FAMILY. Mula naman sa studio ng The Buzz, tinanong ni Charlene Gonzalez-Muhlach si Eric kung paano niya kinakaya ang napakahirap na pagsubok na ito sa kanilang ama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Eric, “One thing good about sa case ni Daddy, ang dami namin.

“Marami kaming nagtutulungan. Marami kaming nagsusuportahan sa isa’t isa.

“Kumbaga, kung merong isang hinanaing, merong nagiging emosyunal, merong nagko-console or maraming nagko-console.

“Hindi lang sampung kamay ang gumaganyan sa akin—nandirito ngayon, 15 kaming magkakapatid na nandirito.

“So, ang gusto ko lang iparating, marami kaming nagtutulungan.

“Idagdag pa natin si Zsa Zsa [Padilla], so, 16 kami,” pagtukoy niya sa singer-actress na longtime partner ng kanilang ama.

“Mga anak pa ng mga kapatid ko, mga pinsan ko, so ang dami namin.

"So, ibig sabihin, napakarami ng nagsusuportahan at nagtutulungan sa ospital.

“Kaya kami, we’re able to cope up with what we are going through.

“Ang maganda lang din dito, we’ve been getting a lot of positive signs. At ito ang mga senyales nga na big boost sa aming pamilya. Nakakahinga kami.

“Kasi nitong mga nakaraang araw, sobrang stressed dahil nga sa news na nakukuha namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung tinatawag ko nga na... sabi ko nga, parang rollercoaster ride. Minsan okay, minsan hindi.

“Ngayon lang, especially last night hanggang ngayon, ito lang yung medyo panatag kaming lahat.

“Somehow, natutuwa nga kami na medyo yung kundisyon nga ng daddy ko, nag-i-improve.”


SIBLINGS FROM ABROAD? Kinumusta naman ni Boy Abunda, mula pa rin sa studio, kung nakauwi na ba ang iba pang mga kapatid ni Eric na nasa abroad.

Inalam din ni Boy kung paano ang scheduling ng pagbabantay nilang magkakapatid at kung “in pain” ba si Mang Dolphy.

Ayon kay Eric, “Sasagutin ko muna ang huling katanungan mo, Tito Boy.

"The reason kasi why the whole family opted sa tracheostomy nga dahil alam naming makaka-relieve ito sa discomfort na nararamdaman ng daddy ko.

“Although, wala na nga sa bibig yung tube, nandito na sa kanyang leeg.

"So, alam namin na isang malaking… kumbaga, parang isang malaking luwag sa kanyang kalooban at paghinga itong paggawa nga ng operasyon na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So far, five na nanggaling sa ibang bansa ang nandirito na,” pagtukoy niya sa mga kapatid na nanggaling sa ibang bansa.

“Yung ibang kapatid ko, si Sonny, si Carlos... siya ang darating kung hindi Monday, Tuesday.

“I’ll find out kung ano ang eksaktong day kung kailan darating ang kapatid kong isa.”

Dugtong ni Eric, “Ang maganda sa pamilya namin, hindi kami nag-i-schedule.

“Actually, pinagagalitan na nga kami ng mga tao sa ICU.

“Kasi, yun na nga, gaya ng sinabi ko, para kaming cheering squad. Kapag maganda ang reaksiyon ng daddy ko, nagsisigawan kami.

"Pero we all volunteer. ‘O, ikaw, matulog ka muna, ako muna rito.’ So, may ganoon kami.

“Ang maganda sa amin, 16 nga kami rito na magkakapatid, kasama na si Zsa Zsa.

"Kapag kinalculate mo ‘yan, mga isang oras at five minutes lang bawat isa.

“So, which is good. At this point, medyo nakakahinga na kami.

"Kasi nga noong mga nakaraang araw, noong may mga nakukuha kaming balita na hindi masyadong maganda, lahat walang natutulog, nag-aantabay lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Quizon on why his dad Dolphy has to go through another medical procedure: "The reason kasi why the whole family opted sa tracheostomy nga dahil alam naming makaka-relieve ito sa discomfort na nararamdaman ng daddy ko. Although, wala na nga sa bibig yung tube, nandito na sa kanyang leeg."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results