Former child actor Dranreb Belleza marries childhood friend; says wife has accepted his past

Dranreb Belleza on wife Vale dela Riva: "She has accepted me with my past. Wala akong ikinahiya sa kanya. Alam niya ang pasikut-sikot [ng buhay ko]… kilala niya lahat ng naging barkada ko. Wala siyang hinusgahan na tao. Kung anuman ang meron kami ni Vale, kumbaga, let it speak for itself. Dahil wala naman kaming sinasaktan na tao.”


Ikinasal na pala ang dating child actor na si Dranreb Belleza noong isang taon pa.

Sa isang Christian wedding ceremony, na ginanap noong August 15, 2011, nakipag-isang dibdib si Dranreb kay Vale dela Riva—isang businesswoman na may tatlong anak at annulled na sa kanyang dating asawa.

Sa eksklusibong panayam kina Dranreb at Vale ng Showbiz Central na napanood sa GMA-7 kahapon, June 24, ibinahagi ng dating aktor ang dahilan kung bakit nagdesisyon na siyang magpakasal sa kabila na may ilang tutol dito.

Ayon kay Dranreb, “I think it’s very important for people to know that I’m not playing around, like I said before.

"Madaming nag-umpugan ng ulo dahil hindi nila maintindihan. Hindi ko naman pinipilit sa kanilang intindihin.”

Paano dumating yung desisyon na magpakasal na sila?

Sagot ng anak ng aktres na si Divina Valencia, “So, one day we decided na magpakasal na tayo. So, one thing led to the other. Nagmamadali kami para bumili ng wedding ring.”

Pagbabahagi naman ni Vale, “It was just like out of nowhere, he asked me. Then we went to his dad, who’s a pastor, and then we got blessed.”

Dagdag ni Dranreb, sinikreto raw nila ang kanilang kasal.

“It was a very… I mean, medyo secretive. And sabi ko nga, another noble, joyous occasion in my life.”

MEANT TO BE. Para kay Dranreb, tila itinakda silang magkatuluyan ni Vale dahil noon pa man ay bahagi na sila ng buhay ng isa’t isa.

Kuwento niya, “We’re friends kasi mula pa noong bata ako... I was 12, 13. Magkalaro din kami.

"Noong friend ko siya noong high school sa La Salle, yung classmate ko yung boyfriend niya.

"Pagkatapos nagta-travel kami, nagkakasabay kami sa airport. ’Tapos nagkakatawagan. ’Tapos dito sa Maynila.

"Pagkatapos ang nangyari, she invited me for lunch.”

Ano naman ang nagustuhan ni Vale kay Dranreb?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s very protective, very loving. And very ano… he tries really hard to be close to the kids," pagtukoy ni ni Vale sa mga anak niya sa unang asawa.”

RECOVERED FROM LYMPHOMA. Muling nagkrus ang kanilang landas nang si Vale ay sumuporta at nag-alaga kay Dranreb sa mga panahong iniinda niya ang kanyang sakit na lymphoma.

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Lymphoma is a cancer of the lymphocytes, a type of cell that forms part of the immune system.”

Sabi ni Dranreb, “And then parang I found a playmate. Yung… my life kasi then is para akong nag-ermitanyo, na ako lang, wala akong kasama.”

Maayos naman daw ang pagsasama nilang mag-asawa sa kabila ng naging sakit ni Dranreb, sabi ni Vale.

“Everything’s been good. We get along really well. And everything’s been good.”

Ayon kay Dranreb, naka-recover na raw siya sa sakit niyang lymphoma.

“I’m okay, I’m okay. Natanggal na yung bukol na yung nandito [sa likod]. Wala na, wala na.

"[Meron lang] maintainance at saka kailangan talaga ng exercise.”

BEACH WEDDING. Pagkatapos ng kanilang Christian union, plano rin ng mag-asawa na magpakasal ulit at magkaroon ng beach wedding.

“Ang pinaplano ko ah… sa may dagat din. Yun talagang… yung ine-expect ng mga tao na… hindi yung secret marriage, yung ganun.

"Yung ine-expect nila because I owe it to my family and to her family and our friends. Pero siguro konti lang. Hindi naman masyadong ano.

"Siguro sa Sombrero Island, yun ang una kong plano sa Batangas. Sa harapan ng Mayumi, doon.”

Reaksiyon naman ni Vale dito, “Yeah, nothing’s final yet. But you know, we’ll probably get there.”

At bago maganap ang muli nilang pagpapakasal, buong tapang na hinaharap ngayon ni Dranreb ang mga taong humushusga diumano sa kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Yung mga kaibigan nga namin ang nanghusga pa sa amin. Kumbaga, parang marami ang hindi nakaintindi.

"Because you know, in this world, unconditional love is so hard to find.

"She has accepted me with my past. Wala akong ikinahiya sa kanya.

"Alam niya ang pasikut-sikot [ng buhay ko]… kilala niya lahat ng naging barkada ko. Wala siyang hinusgahan na tao.

"Kung anuman ang meron kami ni Vale, kumbaga, let it speak for itself. Dahil wala naman kaming sinasaktan na tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN