Newbie Jerico Estrada on kissing scene with Kris Bernal: “First time kong makahalik ng tao na hindi ko pa kilala.”

Jerico Estrada, who belongs to a combined political and showbiz families, says he is ready to show some skin as he has already prepared for it: “Reding-ready ang katawan ko sa mga ganyan. Kasi pinaghandaan ko naman yung pag-a-action and, at the same time, athlete ako.”


Matapos ipakilala sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, ilulunsad na sa pagiging ganap na action star si Jerico Estrada—ang isa sa mga anak nina Laguna Governor ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Girlie Ejercito (dating aktres na si Maita Sanchez).

Bida na si Jerico sa remake ng life story ni Ben Tumbling sa pelikulang may ganun ding pamagat.

Unang isinapelikula ang buhay ni Ben Tumbling noong 1985 at ginampanan ni Lito Lapid.

Hindi nakapasa ang Ben Tumbling sa Metro Manila Film Festival 2012, pero ipalalabas ito bago matapos ang taon o early next year.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jerico sa birthday celebration ng kanyang younger and only sister na ginanap sa Club Filipino kamakailan, inisa-isa ni Jerico ang mga kasama niya sa pelikula.

Makakasama niya sa Ben Tumbling sina Camille Prats, Baron Geisler, Ian de Leon, John Regala, Aaron Villena, at si Kris Bernal na leading lady niya.

LEAD STAR. Sa tanong kung handa na si Jerico na maging isang lead star, tumango naman ang baguhang artista.

Aniya, “Handa naman na ako. Actually, I was surprised nga.

"Noong una, hindi ko alam na magkakaroon ako ng pelikula.

“Parang on the spot, natuto akong um-acting.”


FIRST LEADING LADY. Napangiti si Jerico nang kumustahin namin ang pakikipagtrabaho niya kay Kris.

“Okey maman siyang katrabaho. Mabait siya,” papuri niya sa kapareha.

Na-attract ba siya sa beauty ni Kris?

“Isa akong lalake na nakaka-appreciate ng beauty and I say na isa siyang beautiful girl,” nakangiti niyang tugon.

Ano ang tsansa na ligawan o totohanin niya ang loveteam nila?

“Hindi ko masabi, kasi yung love dumarating lang ‘yan, e.”

Baka may magalit?

“Uhm… wala naman akong sinasabing liligawan ko siya,” depensa kaagad ni Jerico.

“Friends lang naman,” dugtong niya.


NO GIRLFRIEND. Baka sa side niya naman may magagalit? Kasintahan kaya, kung meron man?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman kasi akong balak [ligawan], e,” ulit niya.

Wala pa raw sa isip ni Jerico ang pumasok sa relasyon.

“Gusto ko lang po kasing i-enjoy yung pagiging single. Anytime naman I’m ready to have a new girlfriend.”

Mabait at maganda si Kris.

“Oo nga po, mabait naman at maganda si Kris,” pagsang-ayon naman niya.

Hindi pa nagpaparamdam si Kris sa kanya?

“Hindi naman masyado!” birong tugon ni Jerico, sabay bawi. “Hindi naman… kasi trabaho lang talaga.”


KISSING SCENES. Noong una ay ayaw munang kumpirmahin ni Jerico na may kissing scene sila ni Kris sa pelikula.

Sinabi lang namin kay Jerico na masarap isulat ang loveteam nila ni Kris at ang kissing scene kaya umamin na rin ito.

“Tapos na, nakunan na po,” pagbabalita niya.

Kumusta naman ang kissing scene?

“Okey naman. Actually, first kissing scene ko yun. And first time kong makahalik ng tao na hindi ko pa kilala.

“Kasi first day yun ni Kris sa shoot ng Ben Tumbling and it was first time to meet her.

“Buti na lang, when she’s there and when they said, ‘Action!’ game naman siya at game din ako. So, okey naman.”

Dagdag niya, “I think no’ng kinunan yung scene na yun, that was the fourth shooting day. And first time naming magkita.

"After many scenes or sequences, doon namin nagawa ang kissing scene."

Nag-rehearse ba muna sila?

“Wala. Walang workshop, on the spot na.

“E, siguro kasi when we’re growing up, we see our parents on TV already, people in the family. I get to learn at home by myself.

“One take each angle yun and two angles yun kaya twice kaming nag-kiss ni Kris,” napapangiti niyang kuwento.

Hindi raw kinabahan si Jerico sa eksena nila ni Kris.

“Buti na lang at that time I was confident to do it. Kasi sa tingin ko, si Kris pa nga yung nanginginig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napansin ko kasing nagse-shake yung legs niya, e.

“Inamin rin niyang kinabahan siya for the kissing scene. Baka nahihiya siya sa akin… hindi ko alam, e.

“Hindi naman niya sinabi kung bakit siya kinakabahan.”

Marami nang nakunang action scenes si Jerico at hindi raw siya masyadong nahirapan.

“Kasi athlete naman ako. Na-handle ko naman yung mga pagod pagdating sa action scenes,” sabi niya.

SEXY SCENES. Sa susunod niyang shooting, posibleng magpapakita ng katawan si Jerico.

Magsusuot siya ng maikling shorts para sumakto sa era noong namamayagpag si Ben Tumbling.

“Meron pa kaming kukunang eksena sa falls, siguro baka doon na ako pagsuutin ng maikling shorts.”

Handa naman daw si Jerico na sumabak sa mga sexy scenes, pero hanggang pagpapakita lang ng katawan ang puwede niyang gawin.

Bukas din siya sa posibilidad na mag-pose nang sexy sa Cosmopolitan, huwag lang ang mahubad nang todo.

“Oo naman, reading-ready ang katawan ko sa mga ganyan.

“Kasi pinaghandaan ko naman yung paga-action and, at the same time athlete ako,” kampante niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN