(UPDATED) Veteran director-actor Mario O’Hara succumbs to leukemia

Mario O’Hara—veteran director, screenwriter, producer and actor—passed away Tuesday, June 26, from leukemia and its complications. He was 68.


Pumanaw na si Mario O’Hara.

Kinumpirma ng nakababatang kapatid ni Direk Mario na si Jerry O’Hara sa media ang pagpanaw ng batikang direktor at aktor ngayong araw, June 26, dahil sa sakit na acute leukemia.

Namatay si Direk Mario sa San Juan de Dios Hospital, Pasay City.

Siya ay 68 years old.

Ayon sa PEP contributor na si William Reyes, na kasalukuyang nasa San Juan de Dios Hospital, naroon ang buong pamilya, maliban sa kanyang ina.

Mahina na raw ang ina ni Direk Mario kung kaya’t hindi na siya nakasama.

Ayon sa pamangkin ni Direk Mario na si Paolo O’Hara, 12:30 p.m. ang time of death ng direktor ngayong araw, June 26, due to cardiac arrest.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Direk Mario ngayong gabi.

Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ni Direk Mario dahil ilang araw pa lamang ang nakalilipas ay sinabi ng kapatid niyang si Jerry O’Hara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bumubuti na ang kalagayan ng direktor.

"Nagre-respond siya sa gamot, sa chemotherapy," sabi ni Jerry sa panayam sa kanya ng PEP contributor na si William Reyes.

(CLICK HERE to read related story.)

Ang pinakahuling major work ni Direk Mario ay ang mini-serye ng TV5 noong 2011, Sa Ngalan ng Ina, na pinagbidahan ni Superstar Nora Aunor.

Si Direk Mario, half-Filipino at half-American, ay ipinanganak sa Zamboanga ngunit lumaki sa Pasay City.

Isang prolipikong manunulat, direktor, at aktor si Direk Mario.

Siya ang sumulat ng screenplay ng critically-acclaimed films na Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), "Hellow Soldier" episode ng Tatlo Dalawa Isa (1974), Mortal (1976), Insiang (1976), Rubia Servios (1978), Kasal? (1980), at Kastilyong Buhangin (1980).

Ilan sa mga tumatak na pelikulang idinirek niya ay ang mga sumusunod: Tatlong Taong Walang Diyos (1976), Bakit Bughaw ang Langit (1981), Condemned (1984), Bulaklak sa City Jail (1984), Fatima Buen Story (1994), at Babae sa Breakwater (2003).

Pinuri naman ang pagganap niya sa pelikulang Santiago! (1970), Tubog Sa Ginto (1971), Stardoom (1971), Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), at Gumising Ka Maruja (1978),

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN