Rocco Nacino contradicts report that Lam-ang is being shelved

Rocco Nacino on shooting delay of Lam-ang: "Nagkaproblema lang sa schedule. Sayang lang kasi ang tagal ko nang nagdidiyeta. Ang tagal ko nang nagti-training para mag-shoot ulit, ‘tapos na-move na naman ‘yong shooting schedule namin. Pero okey lang, tuloy lang ang preparation ko."


May lumabas na report na shelved na raw ang proyektong Lam-ang, ang Ilocano epic film na pinagbibidahan ni Rocco Nacino, kaya nahinto ang shooting nito.

Pero kaagad naman itong nilinaw ni Rocco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, June 24.

“We’re supposed to resume shooting next week. Pero ‘yong kaeksena ko for the whole shoot, siya ang naging AD [assistant director] para sa El Presidente.”

Ang tinutukoy ni Rocco ay si Migue Vasquez, at ang El Presidente ay pelikula ni Governor ER Ejercito na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2012.

Patuloy ni Rocco, “So nagkaproblema lang sa schedule. Sayang lang kasi ang tagal ko nang nagdidiyeta.

“Ang tagal ko nang nagti-training para mag-shoot ulit, ‘tapos na-move na naman ‘yong shooting schedule namin.

“Pero okey lang, tuloy lang ang preparation ko.

“May ibinigay sa akin ang director namin [Ana Agabin] sa Lam-ang na isang book para basahin ko about acting.

“So do’n muna ako nagpu-focus para mapaghandaan ko kapag nagsimula na kami ulit na mag-shoot.”

Bakit kaya may intriga na naubusan na raw ng pondo o budget ang producer ng Lam-ang?

“Hindi ko nga po alam, e!” bahagyang natawang sabi ni Rocco.

“Hindi ko po alam. Wala pa akong alam tungkol diyan.

“Hindi ko alam kung ano ‘yong reason kung bakit may gano’ng balita. Ang alam ko po, hindi totoo ‘yon.”

Nadi-disappoint ba siya na launching o first solo movie niya ang Lam-ang ’tapos may mga gano’ng issue?

“No. It happens. Hindi naman lahat ng projects, smooth flowing, e.

“I’m sure kahit naman anong project, may pinagdadaanang problema.

“Ang guarantee po sa akin, kung anuman ang problemang meron sila, inaayos nila.

“Sa ngayon po, ang problema ay schedule.

“Marami pang fights scenes na kukunan. Excited na po ako para doon… na masaktan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi nga maiwasan na magkaroon ako ng mga injuries sa mga gano’ng eksena.”

Upang mas malinawan ang isyung ito, kinausap ng associate editor ng PEP na si Erwin Santiago ang line producer ng Lam-ang na si Dennis Evangelista.

Gaya ni Rocco, itinanggi ni Dennis ang balitang hindi na matutuloy ang shooting ng pelikula.

Sa katunayan, ayon kay Dennis, tuluy-tuloy ang training ni Rocco para sa kanyang fight scenes.

Tatlong araw—June 26, 27, and 29—na solong magte-training si Rocco, at dalawang araw ang ilalaan ng young actor kasama ang makakaeksena niya sa fight scene na si Miguel Vasquez.

Posible raw na sa July mag-resume ang shooting ng Lam-ang.

BUNTIS ISSUES. Sa ibang topic naman, tinanong ng PEP si Rocco kung naka-move na sila ni Sheena Halili sa naging balita lately na buntis ang young actress?

Sagot ni Rocco, “Tapos na po iyon. Wala na po iyon. Tuloy lang kami sa mga ginagawa namin.

“Hindi ko alam kung ano ang pag-iingat na kailangan naming gawin. Pero alam naman naming wala kaming ginagawang mali.”

Pumapasyal at tumatambay pa rin siya sa bahay ni Sheena?

“Okey lang naman ‘yon, e,” nangiting sabi ni Rocco.

Si Sheena ba ay tumambay rin sa bahay nila?

“Ay, hindi!” sabay tawa ng binata.

“Hindi… hindi. Hindi pa nangyayari iyon.”

Talaga bang walang sleepover na nangyayari kapag nagpupunta si Rocco sa bahay ni Sheena?

“Wala. Walang gano’n.

“Siyempre, inirerespeto ko ‘yong magulang niya.

“After five years, ngayon lang siya pinayagan ng magulang niya na bumukod at mag-stay na sa Manila.

“So ayokong i-break ‘yong trust ng magulang niya,”

Pero sa ibang kabataan na magkarelasyon, tila karaniwan na itong nangyayari.

Diin naman ni Rocco, “Basta ‘yong mga sleepover na ganyan, no. Walang nangyayaring gano’n sa amin.

“Living-in someday? No!” tawa ulit niya.

“A… it’s too early to tell. It’s too early to say.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit napapabalitang sila na ni Sheena, may iba pa bang babae na lumalapit o nagpaparamdam na type siya?

“Wala, e. Puro trabaho lang ako. Wala akong napapansin na ganyan.

“Kung halimbawa meron? I do not know kung paano ko iha-handle kapag gano’n. Hindi ko talaga alam.

“Kasi hindi pa naman nangyayari, e. Hindi ko pa nae-experience,” sagot ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN