Jake Vargas on possible split of loveteam with Bea Binene: "Kung mawawala ang JaBea, siyempre malulungkot kami."

Jake Vargas on going solo: “Hindi pa. Magagalit ang fans namin ni Bea! And right now, wala rin akong ibang naiisip na gusto kong maka-partner. Hindi ko puwedeng baguhin na si Bea pa rin ang partner ko.”


Marami ang nakakapansin sa bagong hairstyle ni Jake Vargas. Bagay raw sa kanya at mas gumuwapo pa ang kanyang dating.

Pangiti-ngiti lang naman ang young actor nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, June 24, hinggil sa kanyang new look.

“Para maiba naman po,” aniya.

“Para hindi naman magsawa ang mga tao sa akin na ‘yon na lang ang nakikita sa hitsura ko.

“Trip ko lang magpagupit!” sabay tawa niya.

“Naisipan ko lang na magpabago ng hairstyle para ibang image naman.”


PREPARING FOR MATURE ROLES? Bilang paghahanda rin ba niya ito sa mas mature na role?

“Puwede rin po. Kung mabibigyan ako ng project na may gano’ng role ng GMA,” sagot ng young actor.

Wala pa ba siyang bagong gagawin pagkatapos ng Alice Bungisngis na pinagbidahan nila ng ka-loveteam niyang si Bea Binene?

“Wala pa pong sinasabi, e. Sa ngayon, Party Pilipinas muna, Walang Tulugan, at mga out-of-town shows ang pinagkaabalahan ko.”


BYE JABEA? Goodbye na ba talaga sa tambalan nila ni Bea?

“Hindi pa po. Loveteam pa rin kami ni Bea,” paglilinaw ni Jake.

Siya pa rin ba ang makakapareha ni Bea kapag nagsimula na itong lumabas sa Luna Blanca?

“Hindi ko po sure. Hindi ko po alam kung ako ang magiging partner niya sa Luna Blanca.”

Ano ang mga nami-miss niya ngayong pahinga ang tambalan nila ni Bea?

“Siyempre po, ‘yong bonding naming dalawa. Kasi bihira na lang din kaming magkita ni Bea.

“Tuwing Party Pilipinas na lang kami nagkikita. At saka sa ibang mga show like mall shows.

“So, ‘yong mga time na lagi kaming magkasama, iyon ang nami-miss namin.”

Pero kung saka-sakali, handa na ba siyang mag-solo at kumawala sa loveteam nila ni Bea?

“Hindi pa. Magagalit ang fans namin ni Bea!” sabay tawa ng binata.

“And right now, wala rin akong ibang naiisip na gusto kong maka-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko puwedeng baguhin na si Bea pa rin ang partner ko.”


BEA LIKES JAKE’S NEW HAIRCUT! Tiyempong biglang dumaan naman si Bea habang kinkausap namin si Jake. Hindi inaasahan ng young actress na bigla siyang matatanong kung ano ang masasabi niya sa bagong look ni Jake.

“Ha?” nangiti si Bea. “Ang guwapo niya, ‘no?” sabay tawa ng dalaga.

“Kahit naman anong gupit o look niya, guwapo naman siya. Guwapo, di ba?”

Hindi siya nanibago?

“Hindi naman. Kasi sinabi naman niya sa akin na magpapagupit siya. So alam ko naman.”

Tungkol sa kung sino ang makakapareha niya kapag nag-start na siyang lumabas sa Luna Blanca, wala pa rin daw idea si Bea.

“Hindi ko pa po alam. I still have no idea.

“Pero kung si Jake ‘yon, ay , iyempre mas masaya! Kasi okay na kami talaga. We’re very good friends.

“And lagi kong sinasabi na at ease na kami sa isa’t isa.

“Kung iba naman ang ipa-partner sa akin, siyempre magpapasalamat pa rin ako.

“And at the same time, siguro kakabahan ako kasi siyempre kailangan ko pang mag-adjust.

“At saka hindi ko pa alam kung maa-accept kami ng tao as a loveteam.

“At saka malay mo, kung manggaling sa ibang loveteam ‘yong ipa-partner sa akin, kung ano ‘yong magiging reaction ng mga fans nila. Kung magugustuhan ba nila ako.”

Ang fans nila ni Jake, nakakaramdam ng takot na baka raw pagkatapos ng Alice Bungisngis ay ending na ng kanilang loveteam.

Biglang lumungkot ang mukha ni Jake. Hindi kaagad nakapagbigay ng sagot sa tanong.

“Wala po akong masasabi,e. A, kung mawawala ang JaBea [tawag sa loveteam nila ni Bea], siyempre malulungkot kami.

“Pero… basta kami, loveteam pa rin kami ni Bea.”


FROM REEL TO REAL? Pero hindi kaya mangyari rin na halimbawang mawala ang loveteam nila, maging sila naman sa totohanan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkatinginan sina Bea at Jake, at saka parehong nangiti.

Sabi ni Bea, “Huwag na lang po natin munang pangunahan. It’s up to God kung anuman ang gusto Niyang gawin sa amin ni Jake.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN