FIRST READ ON PEP: Anne Curtis vows never to leave the Philippines for an international acting career

Anne Curtis on her "Hollywood" experience: “Yun nga sinasabi ko, maybe next year or after next year, two years from now, I will go there again for audition. But I will never give up my career here sa Pilipinas—that’s the one thing I assure you. Kaya nga lagi kong sinasabi na, for 15 years, ‘eto ang nagpakain sa ‘kin and made me who I am now. So I will never give up my career here in the Philippines. I love the Philippines too


Pagkatapos ng isang buwan ay bumalik na sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime si Anne Curtis kahapon, Martes, June 26.

Nawala pansamantala si Anne dahil sa shooting ng kanyang international film na Blood Ransom na kinunan sa Amerika.

Pagkatapos ng It’s Showtime kahapon ay nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam exclusively ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne.

UNFORGETTABLE EXPERIENCE. Kumusta ang experience niya habang nagsu-shooting ng Blood Ransom?

“It was a super-duper amazing, fun, and unforgettable experience” bulalas ng Kapamilya actress-TV host.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Anne kung ano ang role niya sa pelikula.

Paliwanag niya, “I’m not sure if I’m allowed to tell it, kasi they told me that the trailer will be coming out soon.

“But it’s something that I’m really excited to share to all of you soon.”

Ano ang mga mahihirap na eksenang ginawa niya sa pelikula.

“Lahat… everything was hard for me kasi it’s a totally different working system to what we have here.

“So it was all fun and, alam mo yun, parang it made me appreciate my art work, my craft work… made me want to excel even more.

“Because when you work with the actors there, you work with the director, you work with the whole team, they are so professional—as in!

“It’s crazy and that makes me want to learn more about my craft.

“Everything was a new experience for me and an eye-opener para sa akin.”

Dagdag ni Anne, “You know, as I said, sobrang nakakatuwa kasi nga, iba, ibang mundo, iba din yung style of work nila—how they go about in shooting things.

“Isa pa, may certain working hours lang sila. Kumbaga, 12 hours lang a day.

“Kung hahaba man, 14 hours a day lang, ‘tapos yun na yun. You can’t go beyond that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos, lahat ng kukunan n’yo sa day scene, dapat matapos in 12 hours.

“Or meron din silang tinatawag na all-nighters, parang yung 12 hours, it will start 8 p.m. ‘til umaga.

“Hindi yung parang sa atin na mag-start ng umaga then hanggang kinabukasan ng umaga din matapos.”

UNKNOWN. Alam ba ng mga nakatrabaho niya sa Blood Ransom na sikat na artista siya dito sa Pilipinas?

“Siyempre hindi ko sinasabi yun,” sagot ni Anne.

“Pero yung some, siguro alam nila, kasi may ibang Filipino cast din—sila yung nakakaalam.

“Pero I personally never tell them na actress ako sa Pilipinas, alam mo yun?

“It felt good, you know, it’s so humbling to go through that whole experience again, na parang you start from ground zero all over again, kasi I’m a nobody.

“But it was new and fun for me and I enjoyed it so much.”

Paano siya naging bahagi sa pelikulang ito? Nag-audition ba siya?

“Yes, I auditioned!” bulalas ni Anne.

“I auditioned for it… that was another experience for me, kasi parang ang tagal-tagal-tagal na nung huling nag-audition ako.

“Ang last audition ko yata ay Magic Kingdom days… or Kampanerang Kuba pa yata. So, ang tagal na nun.

“So, I felt nervous that time.

“It was a good experience for me kasi parang you reach that stage na… parang you’ve done already different roles, different characters.

“But then, you realize, wait, there’s more, there’s still more to learn about your craft.

“And to build yourself to become better actress or host, you have to keep on learning to be better on your craft.”

Tapos na raw ang shooting ng pelikula pero hindi pa alam ni Anne kung kailan ang playdate nito.

Ipapalabas ba ang Blood Ransom sa Pilipinas?

“Hopefully, siguro kung bibilhin ng Viva Films!” tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Anne, “Di ba, ganun yun?”

MEETING JENNIFER ANISTON. Totoo bang nakita niya sa Amerika ang Hollywood actress na si Jennifer Aniston?

“Oh, my God! Yes, I saw Jennifer Aniston!” bulalas ni Anne.

“I was inside the elevator with my friends, she walked in.

“Inside the elevator, as in ganito lang yung sabi ko, ‘Hi!’

“At sabi niya rin sa akin, ‘Hi! What floor are you going?’

“Sabi ko, ‘Oh, We’re not sure…’ medyo nahiya kasi ako.”

INDIE FILM. Dahil sa Blood Ransom ay natupad na rin daw ang wish ng mommy ni Anne na gumawa siya ng indie film.

Kuwento ni Anne, “It was so good, kasi parang my mom’s birthday wish for me this year, na sana daw magka-indie film ako.

“She said in her interview… I don’t know if it’s in The Buzz or in Kris TV, yung interview na yun. Sabi niya, ‘Sana magka-indie film ka, anak.’

“Sabi ko, indie film talaga?!’

“At ’eto na nga yun, may indie film na ako—pero bongga lang kasi sa States na-shoot.”

Tuluy-tuloy na ba ang paggawa niya ng indie at international film?

“Well, I’m so open, you know,” sambit niya.

“Yun nga sinasabi ko, maybe next year or after next year, two years from now, I will go there again for audition.

“But I will never give up my career here sa Pilipinas—that’s the one thing I assure you.

“Kaya nga lagi kong sinasabi na, for 15 years, ‘eto ang nagpakain sa ‘kin and made me who I am now.

“So I will never give up my career here in the Philippines. I love the Philippines too much!”

Pero nakikita ba niya ang kanyang sarili bilang isang Hollywood star?

“Wow naman! Huwag naman! Hindi pa naman!” tawa ni Anne.

“I will always say, it’s always good to dream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dream big! Why not? I dream big!

“And I said, na sana makagawa rin ako ng film someday that has anything to do with Hollywood—kahit mga Warner Films ‘yan, kasi ‘yan lagi pinapanood natin, di ba?

“It’s really humbling that I want to audition, alam mo yun?

“Here, yung parang you don’t do that much auditioning, but I would like to do it in the future sa Hollywood.”

MISSING ERWAN. Bukod sa Showtime family niya, sinu-sino pa ang mga na-miss ni Anne sa isang buwang pagkawala niya sa Pilipinas?

“My boyfriend and my friends,” pagtukoy ni Anne sa kasintahang si Erwan Heussaff.

“But you know, they are all happy for me and he is happy for me.

“He is also busy with his triathlon which he did well… alam mo yun, parang it all fell into place at the right time.”

Pero may communication naman sila ni Erwan habang nasa ibang bansa ang aktres?

“Oo naman, alam mo yun. It was everyday communication, an update every day for him," sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN