Rhian Ramos now more open about lovelife: "I’m happy and I’m proud."

Rhian Ramos on relationship with KC Montero: “Hindi ko siya masyadong pinag-uusapan pero at the same time, uhm, hindi din naman kami nagtatago. Kasi kitang-kita din naman ng lahat. I mean wala kaming tinatago. Wala kaming sinisikreto. Pinapakita naming kami kung saan kami pumupunta, kung magkasama kami.”


Noong Martes, June 26, ginanap ang formal launching ng Phil So Good, ang kauna-unahang USB music album ni Julien Drolon, isang French pop artist.

Ang carrier single ng album na may parehong titulo at naglalarawan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas ay kinatatampukan din ng Kapuso star na si Rhian Ramos.

Nag-rap si Rhian dito, at ayon pa sa kanya, “Yes, I hope that everyone get the chance to get the album.

“Kasi ito yung chance nila na makarinig ng French singer na first time nga ito… kasi bago na ang technology these days, kasi nga USB.

“It’s a USB album which is the first in the world, yun. I just want people to get their hands on it. And also, it’s my first rap song, so pa-support.”

Bagong hamon daw itong rap singing sa karera ng Kapuso actress.

THE ROAD. Samantala, masaya rin si Rhian dahil na-release na ang DVD format ng kanyang pelikulang The Road sa U.S.

Lahad nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang media, “Yeah, The Road nga has been released.

“Well, first they released it online and then in demand… In fact nung nandun nga ako sa States, binili ko nga siya, in demand, e. Wala lang...

“’Tapos, ayun, we’ve been getting good responses from it.

“So it’s nice nga na, although hindi yung mga Pinoy yung nanonood, na-appreciate nila yung gawa ng Pinoy. So, more Philippine pride for us.”

KC MONTERO. Halatang masaya at blooming si Rhian during the interview. At game din niyang sinagot ang lahat ng mga tanong ng press.

Nadako ang usapan kay KC Montero.

Ang sambit ng dalaga, “We’re good, I’m really, really happy right now."

Saang level na nga ba ang relasyon nila?

“Uhm, kasi I don’t wanna really put like a label on it right now. Kasi ano, e…I get a lot of press about my personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, you know, it’s nice na rin to keep it kinda quiet.

“Hindi ko siya masyadong pinag-uusapan pero at the same time, uhm, hindi din naman kami nagtatago.

“Kasi kitang-kita din naman ng lahat. I mean wala kaming tinatago. Wala kaming sinisikreto.

“Pinapakita naming kami kung saan kami pumupunta, kung magkasama kami.

“Or sa Twitter pa lang, I know kapag nababasa ng followers ko... So, in that part, open siya for the public to see and sila na ang mag-judge kung ano yun.”

Isa sa mga pagbabagong napansin sa aktres, kung dati ay todo-iwas siya kapag lovelife ang pinag-uusapan, ngayon, mas nagiging open siya.

Paliwanag ni Rhian, “Siyempre, well, I’m happy and I’m proud.

"And paano ba? Wala, parang it’s nothing to be ashamed of, e. Parang it’s ano... I’m very proud of it.”

Pero ayon kay Rhian, "exclusively dating" pa lang talaga sila ni KC.

Paliwanag niya, “Ayokong… puwedeng ganun na lang? Ganun na lang saka na... At saka tanungin n’yo naman siya, hindi lang ako.”

So, masaya talaga siya?

“Kasi happy naman, I feel so good,” sabay pakita sa album na Phil So Good.

Dahil masaya siya, ibig bang sabihin ay balewala lang ang mga intriga sa kanya?

“Uhm, oo, not so much. At saka ano naman, e, parang things have quieted down.

“At saka parang nagkaroon ako ng... parang my life has been focused on work na rin sa time na ’to. Actually, maganda yung balance.”

ANGELICOPTER. Ang latest na isyu sa kanya ay ang naging patutsadahan nila ng dating DJ na si Angelipcopter sa Twitter dahil sa pahayag ng huli nang napagkamalan siyang kamukha ni Rhian at ni Kristine Hermosa.

Hindi raw maganda ang dating ng sinabi umano ni Angelicopter na, "I’m not Kristine and I have babies.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte naman ni Rhian, tila ayaw nitong magbigay pa ng maraming detalye.

Aniya, “Naku, mahabang kuwento. Pero ano, e… mahaba yung kuwento, e.

“Pero ayun, basically lang, actually napahiya lang din kasi ako sa followers ko.

"Na parang I wanted nga to keep it classy, so I decided to just tell her na lang na, ‘Okay sorry, walang problema.’

“Anyways, if ever nga na hindi pa talaga sila tapos sa akin, e, di at least masaya ako. Hindi ko na rin naman kailangang pansinin.”

AUBREY MILES. Halos tatlong linggo na ang nakaraan nang nagpatutsadahan naman sina DJ Mo Twister at Aubrey Miles sa Twitter.

May kinalaman naman ito sa paggamit ni Aubrey ng salitang “coward” sa kanyang tweet, na sinasabing patama raw nito kay Mo.

Hindi ito nagustuhan ng huli, at inilarawan pa niyang "b*tc#" ang Survivor Philippines former celebrity castaway.

Napa-react naman ang partner ni Aubrey na si Troy Montero sa Twitter, "Hey, DJ Mo Twister, calling my girl a b*tc# from a distance is easy. Please come say that to my face… please...”

Pero hindi na umingay pa ang parinigan.

Si Mo ang ex-boyfriend ni Rhian, at si Troy naman ay kuya ni KC. Ano ang komento ni Rhian sa isyu?

Sagot ng dalaga, “We’re all friends and we talked naman. And ano… I just feel bad kasi nakakahiya.

“Kasi I just feel like, parang everyone na lang around me, alam mo yun, parang malapit lang sa akin, nadadamay na.

“Parang siyempre nakakahiya. Nag-apologize ako kay Aubrey for that. Hindi niya nga na-gets kong ano’ng nangyari.

“Kasi noong tini-tweet niya ako, sobrang hindi niya alam kung bakit nag-react [si Mo].

“So parang nakakahiya lang na parang dahil lang tinweet ako ni Aubrey na inaaway na siya. So, nag-apologize ako.

“Sabi niya, ‘Hindi mo naman kasalanan.’ Ayun, so everything is okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka parang that was there for one day then parang hindi na niya naisip na [mag-tweet] ever again. So okay naman.

"So, non-issue na yun para sa akin.”

Sa mga ganitong pangyayari, natututo na raw si Rhian na maging kalmado at magsawalang-bahala na lamang.

Pahayag niya, “I think, puwede ko pang i-master nang konti. Pero more or less, I’m getting the hang of it.”

Ilang buwan pagkatapos ng kontrobersiya na kinaharap niya, tila naka-move on na at nakabangon nang muli ang 21-year-old star.

Bilang pagtatapos, aniya, “Basta masayang-masaya lang talaga. At saka parang nakuha ko na ulit yung balance ng buhay na gusto ko. Yung gusto kong ma-achieve, so I really feel so good."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN