Like Vice Ganda, Vhong Navarro has also "adopted" Ryan Bang: "Si Vice iyong nanay, ako iyong kapatid."

Vhong Navarro feels strongly about the long-delayed recognition of Dolphy as National Artist. Expressing further his sentiments about recognizing and giving acting awards to comedians, he says: “Like si Tatay Dolphy nga, bago siya nabigyan ng Best Actor, ano ang ginawa niya, hindi ba nag-drama siya?”


Isa si Vhong Navarro sa mga labis na natuwa dahil sa bahagyang pagbuti ng kundisyon ng King of Comedy na si Dolphy.

Kasalukuyang naka-confine pa rin si Dolphy sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center dahil sa sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD).

Saad ni Vhong, “Siguro dahil iyan sa pagdarasal, kaya sa It’s Showtime!, sinabi ko nga kina Kuya Kim [Atienza] at Direk [Bobet Vidanes] na mag-alay kami ng matinding prayers.

“Kasi iyon talaga ang kailangan ni Tito Dolphy—dasal talaga.

“Kaya naman ngayon, nakita n’yo naman, patuloy na bumubuti ang kanyang kalagayan—sa pamamagitan ng pagdarasal iyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vhong noong Miyerkules, June 27, sa ABS-CBN compound pagkatapos ng noontime show nilang It’s Showtime.

Gaano katindi ang paniwala niya sa power of prayers?

“Naniniwala talaga ako diyan, e, dahil kung tutuusin si Tito Dolphy, talagang ano, e... pero siguro ay mayroon pa siyang misyon.

“Hindi pa tapos ang kanyang misyon kaya patuloy na humahaba ang kanyang buhay,” pahayag ni Vhong.


NATIONAL ARTIST AWARD. Idinagdag din ni Vhong na karapat-dapat lang at hindi pa huli kung igagawad ang National Artist award kay Mang Dolphy.

Hindi lang bilang isa sa haligi ng show business, kundi dahil sa nagawa at naiambag niya sa industriyang ito at sa dami ng mga Pilipinong napasaya niya.

Sabi ng dancer turned comedian, “Hangga’t nabubuhay, hangga’t humihinga ay hindi pa huli ang lahat… para sa akin, ha?

“Kasi, hindi naman binabase diyan dapat kung ano iyong personal mong buhay, e.

“Binabase iyan, dapat kung ano ba ang nagawa mo, para sa bansa at sa show business.”

Ngunit may ilang teknikalidad at sagabal pa kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa maaaring ideklarang National Artist si Mang Dolphy.

(CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LOVE FOR “TATAY.” Sina Mang Dolphy at Vhong ay dati nang nagkasama sa mga sa mga sitcom at teleserye sa ABS-CBN.

Hindi talaga maiaalis kay Vhong na umasang maka-recover na nang lubos ang Hari ng Komedya.

“Nagkasama kami sa Daddy O, Baby O, nakasama ko rin siya sa Home Along Da Riles, nakasama ko rin siya sa May Bukas Pa, marami...

“Kaya nga grabe ang naramdaman ko noong time na nagkasakit si Tatay.

“Ang tawag ko nga sa kanya ay hindi na Tito Dolphy, Tatay na talaga.

“Dahil sa Home Along… talagang naging pamilya kami doon, e,” sabi ni Vhong.


GANG’S ALL HERE. Samantala, kababalik lang mula sa abroad nina Anne Curtis at Karylle sa It’s Showtime!. Malapit na ring umuwi si Billy Crawford.

Kaya kinumusta rin ng PEP si Vhong tungkol sa samahan naman nila sa noontime show ng Kapamilya network.

Ayon sa kanya, hindi raw sila natitinag sa kabila ng mga intrigang ibinabato sa kanila. Halimbawa yung sigawan daw nila ni Vice Ganda na pinabulaanan naman nila pareho.

(CLICK HERE to read related story.)

Dagdag niya, “Okay naman po ang samahan namin sa Showtime, mas lalong tumitindi ang samahan ngayong lunchtime.

"Mas mahabang oras kaming nagkakasama-sama. So, mas mahabang pagkikita, mas mahabang bonding.”

Kanino ba siya talaga pinaka-close sa It’s Showtime?

“Magandang tanong iyan,” wika ni Vhong. “Actually, lahat ay okay naman, especially kapag …

“Kasi sina Ryan [Bang] ay nakakasama ko iyan kahit off-cam. Sila Vice, bihira lang kaming nagkakasama ‘pag off-cam.

“Kasi nga ay busy, e. Pero kapag may pagkakataon, doon kami nanonood…

“Sina Ryan kasi ay nakasama ko na sa panonood ng sine, paminsan-minsan ay nagse-celebrate kami sa labas, gumigimik.

“E, sina Vice at Anne, yung schedule kasi ay busy, e. Pero kapag may time, nagyayayaan kami.

“Kasi mahirap din kapag magkakasama kaming lahat, e… kung sinong magbabayad pagkatapos?” biro ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, ang palagi naming ipinagbabayad ay sina Vice at Anne,” dagdag niya.

Sila ba ang galante sa grupo ninyo?

“E, maraming projects, e,” konting pag-amin ni Vhong.

Si Jhong Hilario na kasama niya sa Streetboys, close pa rin ba sila?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Vhong.

“Si Jhong kasi, 17 o 18 years na kaming magkasama, e.

“Kaya hindi ko na isinama si Jhong [sa mga ka-close sa Showtime].

“Alam naman natin na kumpare at parang kapatid ko na iyan, e, solid ang samahan namin, e.

“So, ibinase ko na lang doon sa mga bago kong kasama.

“Si Ryan kasi, halos every day kong kasama iyan—parang anak ko na nga iyan. Iyong mga anak ko, barkada niyan, e.”

So, dalawa na kayo ni Vice na "umampon" kay Ryan?

“Oo, pero si Vice iyong nanay, ako iyong kapatid.

“Ayaw kong maging tatay ni Ryan, kapatid ang gusto ko!" nakatawang sabi niya.


MOVIE WITH ANGEL LOCSIN. Inusisa rin ng PEP kay Vhong kung kailan sisimulan ang pelikulang pagsasamahan nila ni Angel Locsin, ang co-star niya sa Kapamilya Network sitcom na Toda Max.

“Next year pa yata iyon, e. Pero hindi ako ano, ha?

“Hindi ako sure, kasi si Angel ay may ginagawang movie ngayon. So, hindi ko pa alam.”

Parang ang tagal niya na yatang hindi gumagawa ng movie?

Sagot ni Vhong, “Oo nga, e, pero sa Hollywood yata ako gagawa… Hindi, joke lang, joke lang!

“Pero may gagawin akong movie this year. Pero sa iba.

"Sana ay matuloy, kaya ayoko munang sabihin, e.

“Ayaw ko munang sabihin sa inyo hangga’t wala dahil kung minsan ay nauudlot, e.”


HOPEFUL. Ukol naman sa mga acting award, nagpakatotoo naman si Vhong sa pagsasabing umaasam din siyang makakuha nito balang-araw.

Subalit para sa actor/TV host/dancer/singer, mapasaya lang daw niya ang mga nanonood ay maligaya na siya at maituturing na rin niya itong isang mahalagang tropeyo para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon na ba siya ng acting award?

“Unang-una sa lahat, sana ay ma-nominate muna ako!” nakatawang sabi niya.

“Medyo mahina ako… hindi, wala pa... wala pa [akong nakukuhang acting award].”

Magkakaroon ba siya ng project na maaaring mapansin ang galing niya sa pag-arte na tila nao-overlook dahil isa siyang komedyante?

“Ako naman ay naghihintay lang, kasi gusto ko rin naman siyempre na mapansin nila.

“Kaya nga umaarte, hindi ba, para maipakita ang talent mo o mapansin ka nila?

“Pero minsan kasi ay ayaw kong mag-expect ng ganyang award dahil kailangan daw, para magka-acting award ka ay magdadrama ka, e.

“Pero para naman sa akin, basta ang importante sa akin ay maaliw ko sila o mapasaya ko sila.

“Parang award na rin kasi iyon mula sa viewers, e.”

Ipinahayag din ni Vhong na karapat-dapat ding kilalanin ang mga komedyante para sa acting awards.

Kung tutuusin ay mas mahirap daw ang magpatawa kaysa magdrama.

“Napakahirap po, number one, kasi sinasabi ng lahat o ng karamihan, mas madaling magdrama.

“Especially kapag may karga-karga kang problema o mga pagsubok sa buhay, parang ang sarap ilabas sa pamamagitan ng pag-arte.

“Ang mahirap kasi sa pagpapatawa, bukod sa timing, e…

“’Pag may dinadala kang mabigat, ’tapos ay magpapatawa ka, magpapasaya ka, parang ang hirap.

“Iyon, iyon ang medyo pinagkaiba niyon.

“Dapat talaga sa palagay ko, ang mga komedyante ay kinikilala rin sa acting award.

“Like si Tatay Dolphy nga, bago siya nabigyan ng Best Actor, ano ang ginawa niya, hindi ba nag-drama siya?

“Kasi ang Best Actor, parang binabase nila sa pag-arte mo sa drama, di ba? Parang ganoon, hindi ba, o sa character?

“Pero hindi ba, kapag nagko-comedy ka, may character din naman iyan, e.

“So, dapat ay ibinabase sa lahat ang pagbibigay ng award at hindi lang basta sa drama, hindi ba?” rason ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN