Ginebra retires Robert Jaworksi’s No. 7 jersey

The Philippine Basketball Association (PBA) will pay tribute to Robert Jaworski by retiring his Ginebra jersey No. 7 in a ceremony to be held on July 8 after the first game of the PBA semifinals.


Sa July 8, Linggo, ay ireretiro na ang jersey No. 7 ng tinaguriang “Living Legend” ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Robert Jaworski.

Ang ibig sabihin nito ay wala nang ibang puwedeng gumamit ng jersey No. 7 sa koponan ng Ginebra.

Gaganapin ang jersey retirement ceremony para kay Big J pagkatapos ng Game 1 ng PBA semifinals na mapapanood nang live sa AKTV IBC 13.

Sa press conference na inihanda ng Ginebra San Miguel para kay Jaworski kaninng tanghali, June 29, sa Linden Suites, Origas Center, Pasig City, ay inihayag ng legendary basketball hero ang kanyang saloobin kaugnay ng pagreretiro ng kanyang jersey.

“It is both full of happiness and sadness but the most important matter is we’re just retiring my jersey—and that’s very important.

“I guess so much flame of competitiveness burn in me and while I haven’t been present most of the time in the PBA games, I want you to understand that my heart, my mind, and my spirit is always there.

“I enjoy watching it the way I used to when I was playing.

“Thinking about this retirement has never come into my mind because so many things have gone so fast.

“I treasure those moments in the PBA. Twenty-three years is 23 years.

“The PBA is now on its 37th year, and I am happy that I was there when I was in seven!” biro niya.

Dalawampu’t tatlong taon ang inilaan ng Polish-Filipino athlete sa Philippine Basketball Association (PBA).

Nang magbukas ang PBA noong 1975, si Jaworski ay naging bahagi ng koponang Toyota.

Nang ma-disband ang Toyota noong 1983 ay kinuha ng La Tondeña Inc. (na naging Ginebra San Miguel) si Jaworski at ang kaibigan nitong si Francis Arnaiz para sa kanilang koponan.

Dito na nagsimula ang walang kapantay na phenomenon ng Barangay Ginebra sa pamumuno siyempre ni Jaworski bilang playing coach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huling laro ni Jaworski sa PBA ay noong March 1997, kung saan nakuha niya ang record ng oldest player na nakapaglaro ng basketball professionally, sa edad na 50.

Ngayon ay 66 years old na si Jaworski.

Malaki ang pasasalamat ng basketball legend dahil kahit matagal na siyang hindi naglalaro ay nananatili pa rin ang suporta sa kanya ng mga tagahanga.

Saad niya, “Sa inyo pong lahat, sa pagmamahal na ipinapadama n’yo sa akin hanggang ngayon, kahit saan po ako pumunta—mapamahirap o mayaman…

“Yun po ang maganda sa sports, e. Hindi puwedeng pagka bago sapatos mo, panalo ka na. Di ba? Hindi puwede rito.

“Hindi lang pagandahan ng uniporme ito. At saka hindi lang paartehan ito.

“Puwede kang umarte paminsan-minsan, pero totoo po ito.

"Kung gusto mong manalo, magsama-sama kayo, di ba? Makiisa ka.

“Kung buwaya ka, kailangan sa Manila Zoo ka!

“Kailangan dito, para ding pamilya, parang komunidad, parang gobyerno, parang bayan—sama-sama mas maraming magagawang tama.”

IS HE REALLY RETIRED? Bagamat magreretiro ang jersey number ni Jaworski, wala pang opisyal na deklarasyon ng kanyang pagreretiro sa paglalaro ng basketball.

Sabi nga niya, “The word retirement should be erased from out system…

“Yun pong retirement, tama po iyon, sa jersey, but ako po’y…

“Ginulat lang nila ako na bibigyan nila ako ng tribute, e, ang plano ko ako po’y mag-ensayo para po sa 2016, e!

“Pero malay n’yo, di po ba? Baka fencing!” biro ni Jaworski.

Hindi nga direktang masabi ni Jaworski kung magreretiro na siya sa paglalaro ng basketball.

“Hindi ko pa po masasabi ‘yan kasi baka I have some surprises.

“I don’t want to say I’m retiring in the PBA because it’s the second love of my life. Kasi po ang misis ko first, baka palayasin ako sa bahay!” natatawa niyang sabi.

Pero bakit nga ba siya nagdesisyon na iretiro na ang jersey No. 7 niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Let’s face it… sabi nga nila, ‘yon, e, competition for staying in the PBA.

“Pero kung mga exhibition, charity work, and all that, e, baka magamit pa ‘yan. O kaya lagyan natin ng 7 ½!

“I think this is a classic example of, at a certain degree, acknowledging what you have done for your people, your company.

“And I’m happy and honored to be accorded this great opportunity.”

Pero nakakapaglaro pa ba ng basketball si Jaworski? Posible kayang mapanood siyang maglaro muli ng kanyang mga tagahanga kahit man lang sa isang exhibition game?

“Awa ng Diyos, nakakatakbo pa naman ako,” sambit niya.

“Kagaya nung sinabi ko kanina, kung hindi ko magagawa nang kaaya-aya, kung puro rayuma ang aabutin ko diyan, ayoko naman pong maging gano’n.

“Ang abs ko po dati wala kahit konting taba ito, meron konting taba pero kaya pong alisin.

“But don’t worry, I might have some surprises. Kaya alisto ka!” biro pa niya sa sportswriter na nagtanong sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN