Robert Jaworski on current batch of PBA players: “I think it’s pretty much the same, kanya lang sana, ang gusto kong makita ay yung konti pang sigla sa laro."

“Hindi po madali na tahakin ang pagiging manlalaro dahil napakarami pong… it’s beyond 24/7. Kung talagang dedicated ka, you have to put so much time and, as I said, ang importante po diyan, of course, ginagawa mo yung tama sa laro, ang decorum mo sa labas, at yung responsibilidad mo sa mga nanonood sa ‘yo. Wala pong sikreto. Ang sikreto lang ay ibigay mo ang lahat ng kakayahan mo sa ensayo…" says legendary basketball superstar Ro


Isang taon pagkatapos ng huli niyang laro sa PBA, tumakbo at nanalong senador si Robert Jaworski noong 1998.

Tumakbo siya for re-election noong 2004 ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya pinalad na manalo.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating senador kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya pagkatapos ng PBA at Senado.

“Of course, alam mo, napabayaan natin yung kabuhayan natin, e, sa pagmamahal natin sa trabaho, sa Senado.

“So, inasikaso ko naman at sa awa ng diyos, e, things are starting to move. I have some personal matters that I also attended to.

“So, okay naman tayo.

“But obviously, I’m constantly aware of what’s going on in our country—politically, sports wise, and otherwise,” sagot ni Jaworski.


WILL HE RUN AGAIN? Marami ang nagtatanong: babalikan pa ba niya ang pulitika?

Sagot ni Jaworski, “Ako po ay kagaya ninyong lahat, may mithiin para sa ating bansa.

“Whether I’m in or out of politics, I will do my humble share of contributing towards nation’s development.

“Mabigat po ang aking naging karanasan sa politika.

“Siguro po kung titingnan ang trabaho natin do’n ay may konsuwelo din po tayo, lalo yung mga bumoto sa akin, dahil marami po tayong nagampanan…”

Pero diin niya, “Wala pa po akong tinatanaw diyan.”

Ibig bang sabihin nito ay tatanggihan niya kung sakaling alukin siya upang tumakbo muli bilang senador?

“Ang pinakamahirap sa tao, nagsasalita nang tapos. Kasi po hindi natin alam ang bukas.

“But I know what it is to be a senator, I know what are the responsibilities.

“And siguro, awa ng Diyos, marami na po tayong naintindihan.

“At kung hindi lang po maraming mangkukulam ay siguro mas marami tayong nagawa,” makahulugan niyang sabi.

CHANGES IN THE PBA. Dahil sinusubaybayan pa rin ng dating playing coach ng Ginebra ang PBA, ano ang mga nakikita niyang pagbabago rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it’s pretty much the same, kanya lang sana, ang gusto kong makita ay yung konti pang sigla sa laro.

“Alam mo, nung nag-umpisa kang maglaro, ang nanonood sa ‘yo ay yun lang ligaw na aso.

“E, ngayon tao na ang nanonood sa ‘yo, nagbabayad pa.

“Kailangan siguro suklian mo ‘yan…

“At pangalawa, sa iba pong tao, ano po ba ang importante—makapanood ng basketball saka telenovela.

“Pero sa tingin ko ‘yang telenovela, ang daming kalungkutan! Malungkot na nga ang buhay, e.

“Kaya po kailangan, dun naman tayo sa masaya.

“Kagaya nga po ng sinasabi ko, yung sports hindi lang dahil nag-shoot, e. Paano sila nakaka-shoot, paano sila nakakatakbo.

“Yun pong commitment ng katawan, ng puso, at ng pag-iisip ang siyang itinuturo natin. Yung pagkakaisa, yung tulungan.

“Kaya sana bigyan ng puso.

"They would have to give it back, particularly, first and foremost, to the sponsoring companies that could have channeled all these resources to other media means.

“Ang importante po yung mga manonood, ibigay natin sa kanila yung para sa kanila.”

MESSAGE TO THE ATHLETES WHO LOOK UP TO HIM. Dahil sa “never say die” attitude na ipinakita ni Jaworski sa loob ng basketball court ay marami ang humanga sa kanya. Maging ang ilan sa kasalukuyang manlalaro ng PBA ay tinitingala siya.

Ano ang mensaheng nais niyang iparating sa mga kabataang manlalarong ito na umiidolo sa kanya?

“Hindi po madali na tahakin ang pagiging manlalaro dahil napakarami pong… it’s beyond 24/7.

“Kung talagang dedicated ka, you have to put so much time and, as I said, ang importante po diyan, of course, ginagawa mo yung tama sa laro, ang decorum mo sa labas, at yung responsibilidad mo sa mga nanonood sa ‘yo.

“Wala pong sikreto. Ang sikreto lang ay ibigay mo ang lahat ng kakayahan mo sa ensayo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang po ito sa manlalaro, ito’y kahit na sino ka pa, kahit ano ka pa, you must have a dream or mithiin—and you have to work on that dream.

“Wala pong sikreto. Kailangan dedikasyon at makinig dun sa mga nakakaalam.

“Definitely bahagi na po diyan ang iyong magulang o kung sino ang iyong nirerespeto.

“Lumayo sa mga kasama na magpapaligaw ng landas.

“At pagkatapos po niyan, ibinigay mo ang lahat, huwag mong kalilimutang magdasal sa Panginoon.”

COACHING THE NATIONAL TEAM. Noong 1990 ay pinangunahan ni Jaworski, bilang coach, ang Philippine national basketball team sa Asian Games para sa Silver Medal laban sa koponan ng China.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapantayan ang record na ito, kaya naman tinanong si Jaworski kung wala ba siyang balak na mag-coach muli ng National Team sa international competitions.

Pag-amin niya, “The greatest battle in basketball, I believe, were almost all in the PBA. I feel proud about it.

“But the greatest honor was representing our country in international competitions.

“It is something that I guess should be accorded to as many people as possible.”

Bukod sa pagiging national coach noong 1990 Asian Games, ilang beses na siyang naging miyembro ng national team sa iba pang international competitions; kabilang na ang Olympics noong 1968 na ginanap sa Mexico.

Yun nga lang, ikinalulungkot ni Jaworski na may ilang “sports people” na tila isinasantabi ang basketball ngayon.

Pero rason niya, “Dito kami nag-e-enjoy. Saka maganda naman ito dahil buo—tumatakbo, tumatalon, nakikipag-usap… yun ang essence, e.

“Bakit n’yo kami isinasantabi?

“Ngayon, nanalo po tayo nung 1990. Twenty-two years ago against China.

“Halimbawa po, sa panahong ito, pumasok ka ng second, third fourth sa Asian Games, kahit na fifth pa… hindi ba honor pa rin n’yo ‘yon?

“Yun nga pong pinakamalakas na tao, natatalo, e.

“It can go beyond gold and pain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan po… siguro yung ang gusto ng Diyos na mangyari, so panalo ka, talo ka pa rin.

“Pero hindi po ‘yon ang esensiya, ang esensiya ay how was your decorum, how did you play.

“E, marami na po akong nakita, e… example, how would you feel if you’re a winner like Bradley?”

Ang tinutukoy ni Jaworski ay ang kontrobersiyal na pagkapanalo ni Timothy Bradley Jr. laban sa Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao.

Diin ni Jaworski, “Hindi po sa panalo ‘yan, e.

“E, puro matataas yung kalaban, e. E, ano, e di mag-practice pa tayo ng malalayo ang shooting, bilisan natin ng konti.

“I know that basketball is poetry in motion, pero ‘wag masyadong puro poetry, sobra naman yung… di po ba?”

May suggestion ba siyang maibibigay para makapuwesto ulit ng maganda ang Pilipinas sa international basketball competitions?

“Parang hindi madaling gawin, pero puwede, e.

“Unang-una, may mga manlalaro na if you invite them to join the National Team, they pull back. And they’re worried about, ‘Paano kung masaktan ako?’

“So why don’t we put together some thoughts on what we can do to avoid that anxiety.

“Alam mo, bilangin mo kung ilan ang nasaktan sa Olympics. E, ako nga, 23 years ako… tingnan mo naman, ang mga peklat ko sa mukha, o!

“Madami akong tama, pero hindi mo naman ikamamatay ‘yan, e.

“Saka ‘yan ay hindi naman sinasadya. Kung sinasadya man, basta hindi ikaw ang gumagawa, e.

“Why guys like Wade, Lebron James and all that get involved for the pride of their country? We can’t even do it…

“Let’s push our people to greatness,” sabi niya.

MESSAGE TO OLYMPIANS. Sa huli ay nagbigay ng kanyang mensahe si Jaworski sa mga Filipinong manlalaro na kalahok sa 2012 Olympics na gaganapin sa London.

“Understand that you are there as a Filipino, believe in yourself and do it—that you make the best representation given the situation you’re at.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am sure there are something lacking somewhere in these athletes that we have, meron pong pagkukulang. Meaning, hindi nila kasalanan.

“But I want you to go there with positive attitude, understanding that, ‘I am giving it all my best because whatever I do is a representation of where I come from.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN