Sam Pinto to celebs she beat as FHM Sexiest Woman: “There’s always next year, guys. Don’t worry, hindi na ako masyadong lalaban next year!”

Sam Pinto on winning the FHM Sexiest Woman title back-to-back: “Thank you, this is unbelievable. Parang nahiya naman ako. Unbelievable, sobra, kasi I wasn’t really expecting it ‘coz ang daming tally na lumalabas. Sobra akong kinakabahan.”


Muli na namang itinanghal si Sam Pinto bilang pinakaseksing Pinay sa taunang FHM’s Philippines Sexiest Woman poll ngayong taon.

Back-to-back win ito para sa Kapuso star matapos niya ring manguna noong isang taon sa sexiest poll ng number one men’s magazine sa bansa, ang FHM.

Tinalo niya para sa naturang titulo sina Angel Locsin, Solenn Heussaff, Cristine Reyes, Marian Rivera, Ellen Adarna, Jackie Rice, Bela Padilla, Jennylyn Mercado at Lovie Poe—ayon sa pagkakasunud-sunod ng ranking mula pangalawa hanggang pangsampung puwesto.

Sa interview kay Sam ng Startalk TX na napanood kanina, June 30, sa GMA-7, sinabi ng sexy star na hindi niya ine-expect na makukuha niya ang titulo sa magkasunod na taon.

“Sobrang na-surprise ako. This is crazy,” sabi ni Sam.

“Thank you, this is unbelievable. Parang nahiya naman ako.

“Unbelievable, sobra, kasi I wasn’t really expecting it ‘coz ang daming tally na lumalabas. Sobra akong kinakabahan.”

Malaking bagay daw talaga ito para sa kanya.

“For my career, it’s gonna be a big thing ‘coz no one has really done back-to-back yet.”

Pero hindi yata na-inform si Sam na nauna na si Katrina Halili sa kanya na makagawa ng back-to-back feat nang maging FHM Sexiest ang ngayo’y buntis na aktres noong 2006 at 2007.

Pangatlo lang si Sam sa nakakuha ng dalawang titulo, pagkatapos nina Katrina at Angel Locsin (2005 at 2010).

FULL EFFORT. Pagbubunyag pa ni Sam, nag-effort talaga siya at sabi nga’y “kinarir” niya ang pangangampanya upang matiyak ang panalo.

“Nag-campaign ako through my Facebook, my fan page, and then Twitter.”

Tanging pasasalamat nga ang namumutawi sa bibig ni Sam para sa lahat ng mga bumoto at sumuporta sa kanya.

“You have no idea how grateful I am now. Thank you so much for making me number one.”

Gusto na nga raw niyang paghandaan ang pagrampa niya sa FHM Sexiest party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon maghahanda na ako sa rampa na. Hindi na ako kakain, joke lang,” natatawa niyang sabi.

“Gagawin kong sobrang bongga yung damit ko compared to last year.”

Mas magiging sexy at daring ba siya pagdating sa pictorials at gagawin niyang proyekto?

“I don’t think I have to show anything else. I just have to maintain whatever I’m doing now,” sagot ni Sam.

May mensahe rin si Sam sa iba pang sexy celebrities na naungusan niya sa botohan ngayong 2012.

“There’s always next year, guys. Don’t worry, hindi na ako masyadong lalaban next year!” sabay tawa niya nang malakas.

IN BATHING SUIT ALL HER LIFE. Samantala, nakausap din ng Startalk ang ina ni Sam na si Mrs. Maria Theresa Acosta-Pinto. Sinabi nito na hindi problema sa kanila ang pagpapa-sexy ni Sam gayundin ang pagsusuot nito ng sexy swimsuits.

Ayon sa mommy ni Sam, “Oh yeah, she grew up in bathing suits. She learned to swim before walking, so she was in bathing suits all her life. Kaya normal na normal sa amin na naka-bathing suit siya.”

Ano ang naging reaksyon niya sa pagiging number one ulit ni Sam?

“Naiyak ako syempre kasi I’m such a proud mommy now. My daughter won the second time,” sagot ng ina ng Kapuso talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN