Danica Sotto on rumored romance of dad Vic Sotto and Pauleen Luna: “Ano ba ang karapatan namin? Anak lang naman kami. Kung saan masaya si Dad, I’ll be happy for him."

Danica Sotto on report that her dad, Vic Sotto’s new girlfriend is young actress Pauleen Luna: “Actually, siya [Vic] ang makakasagot niyan, e. I trust my dad and it’s up to him. Hindi ko naman siya puwedeng bigyan ng advice and may tiwala naman ako sa kanya e. So, I think he knows naman what he’s doing. Basta ang importante okay naman kami.”


Ilang buwan na ring pinag-uusapan ang diumano’y May-December romance nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na magsalita tungkol sa isyu ang panganay na anak ni Vic na si Danica Sotto-Pingris.

Sa interview kay Danica ng Startalk TX na napanood kanina, June 30, sa GMA-7, inihayag niya na hindi naman daw sila nakikialam sa lovelife ng kanilang ama.

Sabi ni Danica, “Ano ba ang karapatan namin? Anak lang naman kami. Kung saan masaya si Dad, I’ll be happy for him.

“Pine-pray ko na sana if will ni God makahanap talaga siya ng someone na aalagaan niya at aalagaan din siya. Yung for keeps… yung panghabambuhay.”

Tikom naman ang bibig ni Danica sa balitang si Pauleen na nga ang bagong kasintahan ng kanyang ama.

“Actually, siya [Vic] ang makakasagot niyan, e. I trust my dad and it’s up to him.

“Hindi ko naman siya puwedeng bigyan ng advice and may tiwala naman ako sa kanya e.

“So, I think he knows naman what he’s doing. Basta ang importante okay naman kami.”

IN DEFENSE OF OYO. Ipinagtanggol din ni Danica ang kapatid na si Oyo matapos lumabas ang balitang tutol daw ito sa nasabing relasyon ng ama at ni Pauleen.

“Yung mga ganun na usapan… a, sila na lang talaga… I think sila na ni Daddy yung nag-usap.

“Wala naman nangyaring ano, e… masama. Na-ano lang, na-exag [exaggerate] lang ng mga bali-balita.

“Pati si Tin [Kristine Hermosa, asawa ni Oyo] nadamay. Na si Tin is super-bait, na wala naman siyang sinasabi.

“So, ang pangit lang na kung anu-ano nang mga isyu yung lumabas na hindi naman totoo.”

HAPPY FOR THIRD MARRIAGE OF MOM DINA. Samantala, masaya naman si Danica para sa kanyang inang si Dina Bonnevie na nakatagpo na ng bagong partner sa buhay—ang Bise Gobernador ng Ilocos Sur na si Deogracias Victor “DV” Savellano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naganap ang civil wedding nina Dina at DV sa Antipolo Regional Trial Court noong March 28.

Pangatlong pagpapakasal na ito ni Dina, na nauna nang ikinasal noon kina Vic at Dick Penson.

Sabi ni Danica, “Nung una siyempre nandun yung… normal lang naman yung kabahan ka dahil kasal iyan, e.

“Pero nung nakita ko naman na happy siya [Dina] and nakita ko naman na mabait naman si Tito [DV], nakampante na rin yung loob ko.

“Si Oyo kasi is very protective e, ever since. So, hindi siya yung parang, ‘Wow, Ma, congrats!’ Hindi siya ganun.

“Supportive siya kay Mama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN