Zoren Legaspi reveals apologizing to Ruffa Gutierrez after Paparazzi incident: "Nag-apologize ako sa kanya—whether may kasalanan ako o wala."

Zoren Legaspi on Ruffa Gutierrez’s resignation from Paparazzi: “Sa akin, hindi naman big deal siya for us. Big deal siya sa staff, because ‘yong staff talaga ang natira."


Pinanindigan ni Ruffa Gutierrez ang desisyong mag-resign na bilang isa sa mga host ng Paparazzi Showbiz Exposed.

Hindi na ito sumipot sa show kahapon, June 30. Sina Gelli de Belen at Lucy Torres ang nagsilbing guest co-hosts nina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Zoren Legaspi.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren kung ano ang kanyang saloobin sa biglaang pag-alis ni Ruffa sa kanilang show.

“Ako, matagal na rin ako sa showbiz, e—been there, done that.

“Marami na akong nakita. Marami na akong narinig. Marami na akong experience.

“Sa akin, hindi naman big deal siya for us.

“Big deal siya sa staff, because ‘yong staff talaga ang natira,” saad ni Zoren.

BULUNGAN PORTION. Ayon kay Ruffa, alam niyang may “Bulong Ng Palad” for her birthday segment. Pero ang ikinaloka raw ng actress-TV host ay ‘yong tanong diumano na may kabastusan at hindi raw niya ito nagustuhan.

Ano ang reaksiyon dito ni Zoren?

“Well kasi ‘yong hosts diyan sa ‘Bulungan’ portion na ‘yan, nasa host ‘yan kung ano ang ibubulong niya.

“Puwedeng ‘O, ikaw na ang bahala.’ Puwede ring ‘yong pasakalye niya parang bastos, pero kapag ibinulong na niya, hindi naman pala.”

Ano ba ang ibinulong niyang tanong kay Ruffa?

“Ako kasi, hindi ako bumulong, e. Kapag pinanood ninyo ‘yong show, hindi ako bumulong talaga.

“Kasi, nagkakatuwaan na sila. Wala rin naman kasi akong itatanong sa kanya na pabulong.”

ZOREN APOLOGIZES. Nagkausap ba sila ni Ruffa o na-text niya ito pagkatapos ng insidenteng nangyari noong isang linggo?

Ayon kay Zoren, “Tumawag ako kay Ruffa, pero I wasn’t able to reach her.

“’Tapos nag-text na lang ako sa kanya. Nag-apologize ako sa kanya—whether may kasalanan ako o wala.

“Kasi, you’re part of the team. So, kumbaga sa basketball ‘yan, matalo o manalo kayo, you’re part of the group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So whether may kasalan ako o wala, nag-apologize lang ako—just in case na meron siyang sama ng loob.

“Pero wala naman siyang sama ng loob.

“Nag-reply siya. Wala.

“Hindi naman daw siya galit sa akin. Sa staff talaga siya may sama ng loob.”

Nagkita rin daw sila sa pictorial ng bagong fantasy series ng TV5 na Enchanted Garden. Nagkausap daw sila roon.

Kuwento ni Zoren, “In-explain niya sa akin kung bakit siya nasaktan.

“So she was hoping na instead of the Bulungan portion ang nangyari, sana raw nagkaroon ng konting VTR pa from family niya, gano’n. ‘Yon lang.”

DELAYED REACTION? Bakit nga ba tila delayed ang reaction ni Ruffa tungkol sa “Bulong Ng Palad”? Ang saya-saya pa nila pagkatapos ng show, pero biglang may tweet na nagalit si Ruffa at aalis na sa show?

“Hindi ko na alam ‘yon. E, ‘yon nga, lahat naman nagulat.

“Siyempre, mamimili ka kasi kung magagalit ka on air o magagalit ka afterwards.”

Pero halimbawa kaya na hindi si Ruffa at ang asawa niyang si Carmina Villarroel ang nakasalang sa “Bulong Ng Palad” segment no’ng time na ‘yon, at gano’n ang mga bulong na tanong, ano kaya ang mararamdaman ni Zoren bilang asawa nito? Mao-offend kaya siya o okey lang ‘yon for him kasi katuwaan lang?

“A… ako ‘yong tao kasi na hindi pikon, e. Oo.

“‘Yon, hindi ako pikon kasi.

“In that case, hindi lang talaga nagustuhan ni Ruffa ‘yong segment niya. ‘Yon lang.”

RUFFA’S BIRTHDAY. Kagabi, June 30, ang birthday party ni Ruffa.

Bago naglabas ng sama ng loob ang actress-TV host tungkol sa diumano’y pambabastos sa kanya sa “Bulong Ng Palad” segment ng Paparazzi, inimbita pa silang mga co-hosts nito. Pumunta ba si Zoren?

“A… gusto ko sanang pumunta. Kasi in-invite naman nga kaming lahat.

“Gusto kong pumunta. Kaso pagdating ko do’n, iniisip ko, sino ang makakasama ko. Si Carmina, hindi ko makakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang taon na akong hindi nakakapunta sa birthday niya.”

ENCHANTED GARDEN. Magkasama sina Zoren at Ruffa sa Enchanted Garden, pero pictorial pa lang daw ang nagagawa nila at hindi pa sila nakakapag-umpisa ng taping para rito.

Sabi ni Zoren, “Magka-partner kami ni Ruffa at kami rin ni Alice [Dixson].

“Maganda kasi ang istorya no’n, e. Isa ito sa pinakamalaking series na gagawin ng TV5 kaya kaabang-abang talaga siya.”

Hindi ba siya naiilang na bahag lang ang suot niya sa nasabing fantasy series?

“Hindi ako sanay!” nangiting sabi ni Zoren.

“Oo, hindi ako sanay na nakahubad. Pero wala akong choice, kasi iyon talaga ang costume ng character ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN