Cesar Montano clarifies meeting with Mayor Alfredo Lim has nothing to do with politics

Actor Cesar Montano (in photo) confirms meeting with Manila Mayor Alfredo Lim in Pasay City earlier today, July 2. But contrary to speculations, Cesar will not run as Mayor Lim’s running mate in the 2013 elections. Cesar will portray Mayor Lim in a filmbio to be released a few months before the elections.


Lumitaw ang balita na diumano ay may plano si Cesar Montano na kumandidato para sa isang local position sa City of Manila.

Ito ay pagkatapos makita ang aktor na nakikipag-meeting kaninang tanghali, July 2, kay Manila Mayor Alfredo Lim sa isang restaurant sa Pasay City.

Isinilang, lumaki, at nagkaisip si Cesar sa Sta. Ana, Manila kaya marami ang nag-akala na may katotohanan ang balita.

Si Cesar ang live exam presenter ng Artista Academy, ang talent search show ng TV5, at ngayong gabi, isang welcome presscon ang idinaos ng Kapatid network para sa award-winning actor.

Isa sa mga itinanong kay Cesar sa welcome presscon ng TV5 ang isyu ng pagkandidato niya sa Maynila at naging matapat siya sa kanyang mga sagot.

Itinanggi ni Cesar ang candidacy issue, pero inamin niya ang pakikipag-usap kay Mayor Lim.

Ayon sa aktor, “May inaayos ako na project. It’s premature to tell but there is a very big film [project] about Alfredo Lim.”

Si Cesar ang one and only choice ni Mayor Lim na gumanap sa kanyang filmbio na may target playdate sa November 2012—anim na buwan bago ang national elections sa 2013.

Tatlong beses nang isinalin sa pelikula ang kuwento ng buhay ni Mayor Lim, pero walang tinalakay tungkol sa kanyang childhood.

Isisiwalat ni Mayor Lim sa ika-apat na filmbio, na pagbibidahan ni Cesar, ang paglaki niya sa isang bahay-ampunan, ang pagtatagpo nila ng kanyang tunay na ina, at ang mga hirap na pinagdaanan para makatapos ng pag-aaral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN