(UPDATED) Jose Manalo cleared by San Juan prosecutor for alleged violation of Republic Act No. 9262

According to the Investigating Prosecutor, the allegations of Anna Lyn Manalo against Jose Manalo do not constitute "physical, psychological, sexual or economic abuse," as contemplated by Republic Act No. 9262.


Ibinasura ng Office of the City Prosecutor of San Juan City ang reklamong paglabag diumano sa Republic Act No. 9262 ng komedyanteng si Jose Manalo.

Isinampa ang reklamong ito laban kay Jose ng kanyang asawa na si Anna Lyn Manalo noong Pebrero 27, 2012.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa Resolution, na may petsang June 22, 2012, walang nakitang sapat na dahilan ang Office of the City Prosecutor of San Juan City upang sampahan ng kasong kriminal si Jose.

Nakasaad din sa Resolution na ang mga paratang ni Anna Lyn laban kay Jose ay hindi maikukunsiderang "physical, psychological, sexual or economic abuse" alinsunod sa Republic Act No. 9262.

Kinatigan din ng Office of the City Prosecutor of San Juan City ang posisyon ng Eat Bulaga! host, na suportado ng mga ebidensiya, na hindi nito inabandona ang kanyang pamilya at bagkus ay patuloy pa rin niya itong sinusuportahan at pinangangalagaan.

Napatunayan din ng Office of the City Prosecutor of San Juan City na walang sapat na ebidensiya na naipakita si Anna Lyn sa kanyang alegasyon na may ibang kinakasama si Jose.

Inirokemanda rin ng Office of the City Prosecutor of San Juan City na sumanguni sa marriage counselling sina Jose at Anna Lyn, imbes na palalain pa ang kasalukuyang estado ng kanilang pagsasama sa pamamagitan ng mga paghahain ng reklamo sa korte.

Ayon naman sa legal counsel ni Jose na si Atty. Richard Leonard Cruz, handa raw sumunod ang komedyante sa rekomendasyon ng investigating prosecutor sa pagnanais daw nitong wakasan na ang nakasisirang epekto sa kanilang pagsasama ni Anna Lyn ng kasalukuyang kaso.

Hindi rin daw ipinapagsawalang-bahala ni Jose ang posibilidad na maaring humingi ng reconsideration si Anna Lyn sa investigating prosecutor upang patagalin o hindi kaya’y tuluyan nang isara ang posibilidad para sa isang amicable settlement.

Sa kasalukuyan ay hinihintay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Anna Lyn kaugnay ng kaganapang ito sa inihain niyang reklamo laban kay Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN