Newcomer Arjo Atayde wants to focus on acting and manage their family business

Arjo Atayde says he made it on his own to be in showbiz inspite of mom Sylvia Sanchez: "Sumali po ako sa public workshop and nung nagka-casting noon, for E-Boy, yung CD [disc recording] ko sa public workshop na unang sinalihan ko ang ginamit kong pang-audition."


Nagsilbing "acting tests" ng baguhang si Arjo Atayde ang paglabas sa fantasy sci-fi drama series na E-Boy at pagiging bida sa "Bangka" episode ng drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Naging positibo naman ang mga natamong feedback ni Arjo mula sa mga kasamahang artista, production staff, at ilang taga-press; pati ng mga televiewers na nakapansin sa ipinakitang kakayahan ng newcomer sa pag-arte.

Si Arjo—na ang tunay na pangalan ay Juan Carlos Campo Atayde—ay panganay na anak ng seasoned actress na si Sylvia Sanchez at negosyanteng si Art Atayde.

Ano ang pakiramdam ni Arjo ngayong napatunayan na niyang maaari na siyang sumabak sa showbiz?

"Masaya! And, of course, yun naman talaga ang gusto kong gawin.

“’Tapos, yung alam mong you did good in your job… very fulfilling na nagawa ko siya nang maayos," natutuwang pagmamalaki ni Arjo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa family-owned nilang TJ’s Resto-Bar, malapit sa ABS-CBN.


ON HIS OWN. Ang pagpasok ni Arjo sa telebisyon ay hindi sa pamamagitan ng isang reality star search, o sa posibleng koneksiyon ng kanyang actress-mom.

Aniya, "Sumali po ako sa public workshop and nung nagka-casting noon for E-Boy, yung CD [disc recording] ko sa public workshop na unang sinalihan ko ang ginamit kong pang-audition.

“I waited for months bago nakapag-start, but it’s worth the wait talaga.”


STUDIES VS. BUSINESS. Kung mayroon mang panghihinayang si Arjo, ito’y ang pagkahinto ng kanyang pag-aaral.

"I’m not yet finished with my studies [college], I had to stop last year.

“Going third year na ako dapat—BS Psychology at DLSU, pero kasi po na-delay yung series, so I stopped.

"I still plan to continue and finish my studies. Next semester maybe, but wala pang schedule.

“Nag-transfer na din ako, from La Salle to The One School in Makati—business and fashion school. I’m taking up Entrepreneur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I decided to stop schooling to take advantage of the opportunities I’m getting now.

“Ang dami po kasing nag-o-offer ng out-of-town shows and other guestings.

“Pinag-uusapan pa din yung next drama series na makakasali ako.

"After all, I’m still young. I’m turning 22 on November 5.

"Not everyone is given the opportunities in showbiz. And I can always go back to school," sabi ng Star Magic talent.

Bilang isang business student, kailangan talagang tapusin ni Arjo ang nasimulang kurso.

"My family has many businesses," wika niya.

"So I’m thinking of both aspects in my career path… doing good as an actor-performer and someday manage a family business."

Higit na naka-focus sa negosyong pampamilya ang ama ni Arjo na si Art Atayde na isang real estate broker at import-export ng gold at copper.

"Yung copper mining, that’s our lolo’s business, and we import vegatables, fruits, and other products," paliwanag ni Arjo.


LOOK-ALIKE. Marami ang nakakapansin na may hawig si Arjo sa mga aktor na sina John Lloyd Cruz at Alden Richards.

"’Pag sikat po [ang iku-compare sa akin] it’s an honor… pero who doesn’t want to have his own image?" sabi niya.

Naniniwala si Arjo na isa sa pinakamahuhusay na aktor ngayon si John Lloyd at vocal naman siya na gusto niyang makasama ito sa anumang project.

"Gusto kong maging kapatid ni Lloydie.

"Kasi, for me, ‘pag nabigyan ako ng emosyon ng aktor or co-artist ko sa mata, naaapektuhan po ako.

"Eyes work for me better than body language," rason ni Arjo.

CELEBRITY SON. Ano ang mga advantage ang disadvantage ng pagiging isang anak ni Sylvia Sanchez?

"Since my mom is into showbiz, as an actress, I think it’s an advantage.

"My mom gives me advice... yung tamang pakikisama sa mga tao… yung respect, since marespeto siya sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga taong nirerespeto niya, ever since, ibinabalik nila sa kanya yung respetong ipinakita ni Mommy.

"Normally, ang disadvantage po kasi sa isang anak ng artista is…

“’Pag kunwari ang nanay mo o ang tatay mo, nagda-drama, you’re being compared to them, as to your acting.

“And you’ll always be in the shadow of your parents.

"Pero I guess, hindi ko disadvantage yun."

Ano ang naging comments o reactions ng mommy niya tungkol sa kanyang mga pagganap?

"Sa akting ko, sobra-sobra... she’s my number one critic.

"At makulit siya—sobra!" kuwelang banggit din ni Arjo.

Panay daw ang tawag at pag-uusisa ni Sylvia tuwing may taping ang anak.

"’Nasa taping na kayo?’" tanong daw nito nang ilang ulit.

"’Wala pa nga... wala pa nga...’" sasagutin lang ni Arjo, kahit nasa sasakyan pa lang siya.

Kapag nasa studio na, panay rin daw ang follow-up sa kanya ng ina.

"’Ano’ng ginagawa n’yo?’" na ang sagot lagi ni Arjo, ’Nagme-make up na. Ma, ‘wag po kayong makulit!’

"Nung first month, siguro [gano’n siya]. E, two months lang naman ang E-Boy.

"The next month, she was kinda loose.

"But she finds my acting good—in fairness," nangiti si Arjo.

"Pero ‘pag meron akong nuances na ayaw niya… grabe! ’Ang pangit ng ginawa mo!’”

"Straightforward siya. That I appreciate kasi she’s been in the industry for the longest time.

"So alam niya kung ano ang pangit na acting at ang matino."


LIKE MOTHER, LIKE SON. When asked about her impression of her actor-son’s performances, both in the sci-fi drama series and MMK episode, Sylvia proudly recalls:

"Nung napanood ko siya sa MMK, sabi ko sa sarili ko, ‘Mas magaling siya than I was his age.’

"Nakita ko na may pinaghuhugutan ng tamang emosyon. Kaya doon din na-convince ang daddy niya na, sabi ni Art, ’Acting is his field...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya pinayagan na niya, ’Let him pursue acting...’"

Stage mother na ba ngayon si Sylvia Sanchez?

"Grabe! E, hindi naman ako ang nagma-manage sa anak ko, a!

"I maybe a stage mom... and a proud mom!

"Kung ang pagiging stage mom ay para tulungan siya sa pagsisimula niya… na bigyan ng tips sa tunay na pag-arte at gustong ayusin ang career ng anak ko... Yun—you can call me a stage mom!

"But a proud mom!" pasubali ni Sylvia.

Dagdag ng aktres, "Gusto ko lang namang i-monitor ang anak ko dahil nagsisimula pa lang siya—anong masama ro’n?"

Nangingiti si Arjo sa mga pahayag ng mommy niya at sinabing, "Mas close ako sa mom ko."


INDIE PROJECTS. Maiku-consider ba ni Arjo o ng namamahala sa kanya, kung sakali, ang paggawa ng isang independent o indie film?

"I think I’m not yet ready," matapat na wika ni Arjo.

"Kasi ang dami ko pang gustong matutunan bago ako sumabak sa isang movie na hindi ako masyadong naturuan.

"I talked to Jay Aquitania [isang part-time indie actor]. Sinasabi niya, ’Hindi, bro, ganito lang ’yan. You act on your own...’

"Sabi ko, ‘Hindi ako handa para sa ganyan.’

“Of course, for now, alam kong madami pa talaga akong dapat matutunan.

"But if given an opportunity, why not?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN