Edgar Allan Guzman psychs himself up for stageplay with Eugene Domingo

"Naging maganda talaga ang career ko last year and tuluy-tuloy this year din. Kumbaga, every month po ay may trabaho. And siguro till the end of 2012, may trabaho pa rin. So, sobrang blessed ako ngayon, this year and last year din. Sana magtuluy-tuloy. Kumbaga, sana huwag mag-end," says Edgar Allan Guzman.


Nang nalaman ng Kapatid actor na si Edgar Allan Guzman na kasama siya sa listahan ng 2012 100 Most Beautiful Stars, special issue ng YES! Magazine, sinigurado niyang makakapunta siya sa presscon nito na ginanap kahapon, July 2, sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City.

Sabi nga ni Edgar nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kagabi [July 1] lang sa akin sinabi ni Sir Noel kasi sinurprise niya nga ako.

“Siyempre masaya and honored kasi nakasama ako sa YES! 100 Most Beautiful Stars, di ba?

“So, siyempre tumatanaw din ako ng utang na loob sa pinanggalingan ko—sa Eat Bulaga! family ko, kung saan nakilala ako bilang huling Mr. Pogi after almost six years, na ngayon may bago na silang contest na Mr. Pogi.

“Siyempre nagpapasalamat din ako sa manager ko, kay Sir Noel Ferrer, and sa TV5 management kung saan inaalagaan ako at nagtitiwala sila at binibigyan nila ako ng magagandang proyekto.

“And hindi lang sa TV kundi pati sa movies, so nagpapasalamat ako sa Regal, kay Mother Lily [Monteverde]. ’Tapos ngayon sa teatro naman.

“So, kung hindi dahil sa kanila, hindi ako mapapansin, hindi ako mapapasama rito sa YES! 100 Most Beautiful Stars. Wala, masaya lang.

“Nagulat lang ako kagabi, 8 p.m., sa akin sinabi na, yun nga, may presscon daw. Sabi ko, sige, a-attend talaga ako.

“Kumbaga, first time kong mapasama dito and ilang years ko na ring nababasa yung isyu ng YES! na ganito.

“Nagwi-wish din ako na sana makasama ako. And ’eto na nga yung taon na nakasama ako.

“So, maraming-maraming salamat sa YES!.”

Bukod sa pagiging “beautiful” dahil sa kanyang kapogian, ano pa ang maituturing niyang beautiful sa kanya?

“Siguro yung talent ko sa pag-arte. Kumbaga, nag-start naman itong lahat nung Ligo Na U, Lapit Na Me, e, sa paggawa ko ng indie.

“So, feeling ko, ito yung pinaka-beautiful sa akin—yung pag-arte.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEAUTIFUL CAREER. Naging maganda ang taong 2011 ni Edgar lalo na nang manalo siya ng Best Actor sa Cinemalaya Independent Film Festival at sa 2012 Golden Screen Awards para sa Ligo Na U, Lapit Na Me.

Pagkatapos nga nito ay nagtuluy-tuloy na ang magagandang proyekto niya sa telebisyon at pelikula.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung mapasama si Edgar sa kategoryang Indie Filmfest Stars ng 2012 YES!100 Most Beautiful Stars.

“Oo naman, naging maganda talaga ang career ko last year and tuluy-tuloy this year din.

“Kumbaga, every month po ay may trabaho. And siguro till the end of 2012, may trabaho pa rin.

“So, sobrang blessed ako ngayon, this year and last year din. Sana magtuluy-tuloy. Kumbaga, sana huwag mag-end.”

BONA. Isang malaking oportunidad na naman para maipamalas ni Edgar ang kanyang husay sa pag-arte ang pagkakapili niya bilang leading man ni Eugene Domingo sa theater version ng Bona, ang dating pelikula nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Nagsimula na ba silang mag-rehearse?

“Actually, dapat July 15 po yung rehearsal. So, nire-revise po yung script para mas maganda and si Ate Uge [Eugene] yata ay naka-out of the country, nakabakasyon.

“So, ako, naghihintay lang ako.

“Habang hindi pa kami nagre-rehearse, nira-run through ko yung script para pagdating doon, kahit papaano kabisado ko na yung ibang lines. Kasi sobrang kapal po nung script, e.

“Dati na akong nagte-teatro na ganito [manipis] lang ang script. Pero nung makita ko script [ng Bona], ang kapal, ganito!

“Bawal mag-adlib dun siyempre kasi si Ate Uge yun, e.

“So, habang wala pa yung rehearsal, kumbaga, sariling sikap muna yung ginagawa ko.

“And siguro end of July yung start ng show and hanggang August, September, tuluy-tuloy na po siya.”

Ginagampanan ni Edgar ang dating role ni Phillip. Pero pinalitan daw ang pangalan ng character mula sa Gardo ay naging si Gino.

“Binago po yung pangalan. Ako si Gino dito, kumbaga fan ko si Ate Uge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako dito yung sumasali sa mga reality shows, parang ganun.

“’Tapos dito, medyo daring kaya lagi akong topless. And hindi ko pa alam kung paano gagawin ni Direk Soxie [Topacio] yung ganung scenes.”

Wala naman daw alinlangan si Edgar sa paggawa ng daring scenes dahil matindi na nga raw ang nagawa niya sa Ligo Na U, Lapit Na Me, kung saan nagkaroon pa sila ng love scenes ni Mercedes Cabral.

May pressure ba sa kanya na dating role ni Phillip ang gagampanan niya?

“Siyempre naman, naririnig ko ang mga opinyon. Siyempre pressured din, at the same time, kumbaga, hindi ako nagpapaapekto.

“Kumbaga, tsina-challenge ko na lang ang sarili ko para galingan at para patunayan sa kanila na deserve ko yung pagkakuha ko nung role na yun.”

WORKING WITH EUGENE. Dahil nagkatrabaho na sila dati ni Eugene sa pelikula, kaya wala na raw masyadong adjustment pagdating sa pagsasama nila sa Bona.

“Nung nalaman niya [Uge] na ako ang gaganap, tinext niya ako agad. So, yun nag-text-an kami.

“’Tapos nagsama rin kami sa Cinemalaya plug na ipinakita yung mga winners [before]. So,wala namang ilangan.

“Wala naman rason para hindi kami mag-bond nang maayos dun sa project. So, ayos kami ni Ate Uge.”

What’s best about working with Uge?

“Walang bigat, alam mo yun? Hindi ka maiilang na… oo, superstar siya, alam natin yun.

“Pero pagdating niya o nakita mo siya sa isang lugar na nakaupo, lalapit at lalapit ka, e. Hindi ka mag-aalangan na, ‘Ay, mamaya na lang, baka busy.’

“Hindi, e, lalapitan mo siya. Hahalikan mo siya at makikipagbiruan ka sa kanya.

“Yun ang gusto ko kay Ate Uge. Kumbaga, unang pagkikita n’yo lang sa araw na iyon ng pagtatrabaho, inaalis niya yung bigat para maging maganda yung flow ng pagtatrabaho n’yo sa buong araw.

“So, yun ang nakikita kong pinakamaganda kay Ate Uge, napakagaan katrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAULO AVELINO. Ano naman ang masasabi niya sa pagba-backout o pagkawala ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa project, lalo na’t ito sana ang makaka-alternate niya sa role ni Gino?

“Actually, wala talaga kaming kinalaman doon.

“Kumbaga, nagulat din po ako, nabasa ko sa PEP, yun nga, parang medyo nag-backout din si Paulo dahil, yun nga, sabay-sabay yata yung schedules niya para sa pelikula, teleserye.

“So, ako, nanghihinayang. Unang-una, nanghihinayang ako kasi second time kong makakatrabaho si Paulo, e.

“Nagkatrabaho kami before sa 7 [GMA], sa SOP. May group kami doon na parang every prod [production] numbers magkasama kami.

“So, ako, nanghihinayang kasi sayang. Kumbaga tig-15 [shows] kami, e.

“Isang role lang talaga, kumbaga, magkarelyebo lang kami. Fifteen sa akin, fifteen sa kanya.”

Dahil nga raw rito ay siya na ang gaganap sa lahat ng shows ng Bona. Ano ang pakiramdam niya rito?

“Oo nga, e, wala akong ka-alternate. Minsan nga ‘pag nagda-drive ako, sabi ko, 30 shows, hindi na ako makakapag-gym!” biro niya.

PROJECT WITH TV5. Dahil magiging busy siya sa Bona, paano na ang projects niya sa TV5?

“Tuloy pa rin po. Meron akong gagawing soap, yun nga, primetime—yung Enchanted Garden.

“Isa ako sa mga imortal. Ang role ko is ka-love triangle ko si Martin Escudero at si Alex Gonzaga.

“Ako yung uutusan nina Ms. Alice Dixson, kasi anak niya si Alex, e, napunta si Alex sa mga mortal. Ako yung inutusan nila na kunin si Alex sa mortal world.”

Masaya raw si Edgar sa project na ito.

“Masaya ako dahil sinama nila ako dahil first time ring gagawa ng fantaserye.

“So, sa buong buhay ko sa showbiz, first time kong mapabilang sa fantaserye.”

DONE WITH THE NEGATIVES. Sa kabila ng maraming magagandang nangyayari kay Edgar sa kanyang career, sinalubong din siya ng iba’t ibang negatibong intriga tungkol sa kanyang pamilya, sa kanyang manager, at sa girlfriend niyang si SexBomb Johlan Veluz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na ang problema niya sa pamilya lalo na sa kanyang ina?

“Maayos na po. Proud po akong sabihin na maayos na yung pamilya.

“Nakabalik na po ako sa bahay namin. Matagal na po akong nakabalik, April pa nakabalik na po ako.

“And ngayon siyempre, focus po ako ngayon sa family ko at sa career. Kumbaga, wala nang distractions.

“Kumbaga, yung mga problema ko dati, kinalimutan ko na yun, nag-move on na ako kaya mas maraming blessings na dumarating sa akin at sa family ko.”

Wala nang distractions, ibig bang sabihin ay wala nang lovelife? Tinapos na ba niya ang pakikipagrelasyon kay Johlan?

“Actually, meron pa rin. Kami pa rin po. Pero ang focus ko po ngayon is family and career.”

Mas maayos na rin daw ang relasyon nila ng manager niya dahil nakapag-usap na sila at nangako siya ritong uunahin nga ang pamilya at career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN