Alessandra de Rossi on fulfilling her passion for music: “Ako na ang nagbigay ng chance sa sarili ko.”

Known for her acting prowess, Alessandra de Rossi has more talents to show. After composing songs and a few thousand "hits" of her music downloads on YouTube, she wants to pursue other endeavors: “I want to paint! Isang masterpiece lang then I’m good. Magdidirek naman ako!”


Kilalang-kilala si Alessandra de Rossi, o Alex sa mga kaibigan, bilang isang batikang aktres na kahit saan masabak—bida o kontrabida man—ay nagagampanan niya nang mahusay.

Ang hindi alam ng karamihan ay ang talento ng aktres pagdating sa musika.

Mapapanood at mapapakinggan na ang music videos ng mga kanta ni Alex sa free download application ng YouTube. Ang singer-actress mismo ang nagsulat, naglapat ng musika, at kumanta ng mga awiting ito.

Inabot daw ng limang taon ang paggawa niya ng kanyang music collection na siya lang talaga ang gumawa at gumastos.

Sa ngayon, naka-ilang libong hits na rin sa YouTube ang kanyang mga kantang “Make It Better” at “After Hours.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra sa Twitter chat, at doon namin nalaman kung paano niya nabuo ang kanyang music album na may titulong Adrift.

Kuwento ni Alex, “Nag-start akong gumawa ng album noong 2006. Natapos yung songs 2007.

“Kaso nahirapan akong maghanap ng company na magre-release, kasi medyo mahirap ibenta yung ganyang klase ng music dito sa Pilipinas.

“So, di ko na pinilit.

"Sabi ko, tatapusin ko ‘to on my own. Super independent, walang tulong.’”

Kung kailan lang daw siya may budget saka niya unti-unting itinutuloy ang paggawa ng album.

Isang rason din daw yun kung bakit ito umabot ng limang taon.


MUSIC DOWNLOAD. Dahil free download sa Internet ang mga kanta ni Alex, nakuha pa nitong magbiro na pirated na raw ito umpisa pa lang.

May 11 original tracks ang album ni Alex. Sampu rito ay sariling komposisyon niya: “Echoes,” “Trigger-Happy,” “Wonderland,” “After Hours,” “High,” “Disconcerting Ride,” “Make It Better,” “Deep Down,” “Frozen World,” “Dream To Me,” at “Maker.”

“Eleven tracks—all original. Isang song lang na hindi ako nagsulat—yung ’Disconcerting Ride.’

“Ang nagsulat no’n, yung best friend ko, si Veronica Deposoy.

“Nag-request ako sa kanya ng song para sa pangarap kong maging pilot na ewan ko kung matutupad ever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ninety percent ng music, ako rin. Yung iba, mga kaibigan ko na willing tumulong.

“May musician talaga at meron din trip-trip lang sumali!” natatawa niyang sabi.

Dugtong ni Alex, “Electronic siya. So, kinaya ko kahit hindi ako marunong mag-play ng instrument. Tiyaga lang at tainga.”


PERFORMANCE LEVEL. Bakit niya naisipang gumawa ng album na masasabing pinagkagastusan at pinaglaanan din naman niya ng oras?

“Boredom lang,” sagot ni Alex.

“Pare-pareho na kasi ang ginagawa ko noon. Feeling ko, wala na akong naa-achieve as a person kasi yun at yun lang din, e.

“Meron pa akong isang talent na hindi ko pa nagagamit, sayang naman ang gift ni God.

“Pero hanggang diyan lang ang kaya kong gawin. Hindi ko kayang maging singer-performer—baka himatayin ako!” natatawa niyang pag-amin.

“Hindi yata ako ipinanganak for that.

“So, free download na lang siya. Wala akong planong i-promote at ibenta kasi hindi ko nga kaya mag-perform. May stage fright ako.

"Basta yun lang. Phase lang siya ng buhay ko. Nagawa ko siya.

"Gusto kong mag-musical scoring kung sakali. Pero singer, malabo!”

“Tapos na ‘yan. What’s next? I want to paint!

“Isang masterpiece lang then I’m good. Magdidirek naman ako!”


FOR ART’S SAKE. Kung kilala siya na maingay, pero pagdating sa music, yung relax lang ang gusto niyang pinapakinggan.

“All songs are about life yata or a friend at mga gusto kong mangyari sa buhay… frustrations.

“Every song kasi habang isinusulat ko, nai-imagine ko na yung gusto kong maging music video. Naka-concept na lahat.

“Budget na lang ang kulang!”

Dagdag niya, “Very personal yung lyrics. Sana may maka-relate. Very moody yung album.

“Walang track na magkapareho ang tunog pero all chill out—electronica, down tempo ang genre.

“Very European daw. E, doon naman ako galing saka ‘yan talaga ang trip kong music ever since.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maingay akong tao, pero pagdating sa art at music, super relax lang ang gusto ko.

“Yun yung isang side ko na never lumabas. Kasi never din ako binigyan ng chance.

"Ako na ang nagbigay ng chance sa sarili ko.

“Maririnig mo naman kung gaano kakulit yung pagkatao ko sa music ng album, walang rules, no techniques. Lahat… kung ano lang feel ko.

“First time na walang nag-utos sa akin kung ano ang gagawin ko.

"Lahat kasi, kapag artista ka, inuutos sa ‘yo. Eto, kung ano yung gusto ko, yun ang nagyari.

"Inabot man ng five years at wala akong physical copy na, kasi walang budget, at least happy ako dahil ’yan talaga ang gusto ko at ganyan ko siya ini-imagine.

“At thank you God din na inabot ng five years, yung taste nandun na noon pa, pero yung skill, sobrang nag-improve.

“Maraming rin kaming ni-revise na tracks para pasok sa 2012.

“Kasi noong 2006, okay pa yung tunog ’90s, pero ngayon siyempre ang bilis na ng panahon.”

Sa July 19 naman daw ang release ng music video ng “Dream To Me” at ng album. Yung iba, pinag-iipunan pa raw niya.

“Pinag-iipunan ko pa ang budget kasi gusto ko pasabog lagi. Kahit two years from now pa. ‘Yan na yun.

“Kung yung ibang tao ang hilig gastusan ay shoes, bags na mahal or kung anuman, ‘yan naman ang hilig ko.

“’Yan ang pinag-iipunan ko kasi forever na ‘yan.

"At least, kapag may apo na ‘ko, ‘Apo, ‘yan ako noon.’ Todo na ’yan!”

Narito ang link sa “Make It Better” music video niya: http://www.youtube.com/watch?v=


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN