PEP EXCLUSIVE: Amy Perez three months pregnant with second child to partner Carlo Castillo; will take a break from Face To Face

Amy Perez has announced that she’s three months pregnant with her second child to Carlo Castillo. Because of her delicate pregnancy, she decided to take a break from her TV5 talk show Face To Face.


Pansamantalang iiwan ni Amy Perez ang kanyang public-service show sa TV5 na Face To Face.

Ito’y sa dahilang three months pregnant na siya sa ikalawang anak nila ng kanyang partner na si Carlo Castillo.

Kaya naman habang nagbubuntis siya, hanggang sa lubos nang makapagpahinga mula sa kanyang panganganak, ay si Gelli de Belen muna ang papalit sa kanya.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Amy kanina, Hulyo 5, sa mini-presscon ng Face to Face na ginanap sa Napa Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

“It was actually difficult,” sabi ni Amy nang tanungin kung ano ang pakiramdam na pansamantala siyang mawawala sa kanyang show na dalawang taon nang umeere.

“I’m torn, mayro’n feeling na guilty ka... although nagpaalam naman ako sa management, I told them my plan this year na talagang magbubuntis nga ako.

“So, never naman akong nakakuha ng sagot sa kanila na, ‘Ay, ‘wag, teka..’

"Parang ever since, alam naman nila na my family comes first talaga. So, thankful ako na naiintindihan nila.

“Actually, sobra-sobrang thankful ako sa TV5, sa management, kasi sobra ‘yong suporta nila, na nakikita ko talaga ‘yong sincerity nila na talagang iniisip rin nila ‘yong katayuan ko, ‘yong kalagayan ko bilang isang nanay, naunawaan naman nila.”

DELICATE PREGNANCY. Aminado si Amy na mas hirap na siyang magbuntis ngayon.

Forty-three years old na siya, at ito na ang ika-apat na pagbubuntis niya— una kay Adi, 15, na anak niya sa dating asawa na si Brix Ferraris; si Sean Kyle, 3, na unang anak niya kay Carlo; at sa pangatlong pagbubuntis niya kung saan nakunan siya.

Kaya naman si Amy, doble pag-iingat na sa kanyang pang-apat na pagbubuntis.

“Dahil sa 21 and above na ako, mas mahirap!” biro ng TV host.

“Kasi nga, mayro’n nang hingal factor, kailangan mas careful.

"Less ‘yong pagbubuhat, less ‘yong mapagod, ganyan, bawal ang masyadong matamis, mga ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi agad sinabi ni Amy ang pagbubuntis niya sa management, dahil na rin sa napagkasunduan nila ni Carlo.

Gusto muna raw kasi nilang makasiguro na maayos na ang kalagayan ng dinadalang sanggol ni Amy bago siya mag-leave sa kanyang show.

“Ngayon, happy kami kasi medyo nalagpasan na namin ‘yong trying time, ‘ika nga, na parang difficult time na first trimester.

“Napagkasunduan namin ni Carlo na pagkalagpas na namin do’n ‘tsaka namin sasabihin sa management, kasi ‘yon pa ‘yong chances na may miscarriage or ganito.

“Gaya nga ng sabi ko kanina, kahit naman gaano ako kasaya ngayon, kahit gaano ko kagusto ipagsigawan sa tao kung gaano kami kasaya ni Carlo, na we’re having another blessing sa buhay namin, at we’re going strong, six years na kami, alam ko rin naman kung ano ang sitwasyon namin.

“Alam ko din naman that not everybody will agree or will like our situation or accept our situation kaya rin nahihirapan din ako.”

Hindi pa kasal sina Amy at Carlo dahil hindi pa naa-annul ang kasal ng TV host sa dating bokalista ng South Border na si Brix Ferraris.

RELATIONSHIP WITH CARLO. Samantala, nabanggit na rin niya ang sitwasyon nila ng kanyang partner na si Carlo, amin na ring kinumusta ang matagal nang kagustuhan ni Amy na ma-annul sa asawang si Brix.

Matatandaan na noong 2001 ay na-deny ang petition ng TV host na ma-annul ang kanyang kasal kay Brix.

Kanya itong inapela sa Court of Appeals, na na-deny din noong 2006.

Mahahalatang medyo naging malungkot si Amy nang sabihing “dead end” pa rin sila hanggang ngayon.

Hindi pa rin daw kasi nila nakakausap si Brix.

“‘Yon parang dead end pa rin kami, e, sa dami ng nangyaring legalities na hindi rin naman namin ine-expect na maging gano’n.

“So, lahat naman ng paraan ginagawa namin, nagko-consult kami sa iba’t ibang lawyer, nakikipag-usap kami kung ano talaga ‘yong the best na pwedeng gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi it’s been 15 years, and malinaw na malinaw na in-abandon na kami, ayaw din naman makipag-usap, ayaw din naman maki-cooperate, hindi na rin namin alam kung paano.

“Sabi ko nga, parang, ‘Ano ba ‘to, biyuda ba ako sa buhay?’ Parang gano’n, e.”

Alam naman daw ni Amy na hindi nauunawan ng lahat ang kanyang relasyon kay Carlo ngayon.

Maikukunsidera pa rin kasi siyang kasal kay Brix kahit na matagal na silang hindi nagsasama at wala na ring anumang komunikasyon.

Gayunman, nananatiling matatag sina Amy at Carlo na, ayon sa TV host, ay dahil na rin sa pagmamahal ng kanyang partner, at pagtanggap ng pamilya nito sa kanya at kanilang sitwasyon.

“I think I’m very blessed and lucky to have somebody like Carlo at ‘yong family rin niya na very understanding.

“Kasi alam naman nila na ako ‘yong may problema. Kumbaga, ako ‘yong may pagkukulang.

“Pero thankful ako kasi ‘yong time na magkasama talaga kami ni Carlo, even we’re not married, napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal, kung gaano niya kamahal si Adi, kung gaano siya kade-dedicated na father kay Adi at kay Kyle.

“Kung iisipin mo, oo papel lang din naman ‘yan, hindi na rin naman kailangan.

“Pero no, for the sake of my kids, gusto ko rin naman na si Adi, eventually gusto siyang i-adopt ni Carlo, and then eventually for the legality din of the kids.

“Siyempre gusto rin naman din namin, pangarap din naman namin na maayos ‘yon.”

Kung hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon niya kay Brix noon, wala naman nang mahihiling si Amy sa kanyang relasyon ngayon kay Carlo.

Ang kanilang sikreto: respeto at tiwala.

Ani Amy, “Kasi kami ni Carlo, I respect his work, he respects my work; I respect his time, gano’n.

“At saka talagang siguro masasabi ko na hindi siya insecure sa kung anuman, at ako rin hindi nai-insecure sa kung ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, kung ano ‘yong sinabi niya, ‘yon ang pinaniniwalaan ko. Kung ano ang sinabi ko, ‘yon din ang pinaniniwalaan niya.

“‘Tsaka alam namin ‘yon, e, na the moment na mawala ‘yong trust, do’n talaga magkakaproblema.

"So, we’re very, very careful na hindi talaga masira ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN