Venus Raj on boyfriend Drei Felix: “He’s super sweet, as in super sweet!”

“Parang puwede pala na maging friend mo siya at the same time, boyfriend mo siya, and at the same time, sweet kayo,” says beauty queen Venus Raj about her relationship with Umagang Kay Ganda co-host Andrei Felix.


Kapansin-pansin sa mga ngiti ng Venus Raj ang kasiyahan niya sa relasyon nila ng co-host niya sa Umagang Kay Ganda na si Andrei Felix.

“Okay naman.Very strong. Very, very, strong. Getting stronger,” ang nasabi ni Venus nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta na sila ngayon ng boyfriend niya.

Nakausap ng media si Venus sa press launch ng bagong produkto ng iniendorso niyang Pizza Hut. Ito ay ginanap kahapon ng tanghali, Hulyo 5, sa Araneta Center, Quezon City.

“Actually this time, mas comfortable sa isa’t isa. Sobrang parang masaya lang,” dagdag pa ni Venus.

Bukod sa pagiging masaya, napansin din namin na mas open na ngayon si Venus sa pagsasalita tungkol sa relasyon nila ng boyfriend niya for eight months.

Aminado si Venus na noong una ay nagdalawang-isip pa sila ni Drei kung aaminin na nila sa publiko ang tungkol sa kanila.

Paliwanag ng 2010 Miss Universe 4thrunner-up, “Since we know the industry… Like kami for example, we’re from news and current affairs, alam namin na kapag may pumutok na balita, lahat ‘yan makikibalita.

“Lahat ‘yan gustong makakuha ng exclusive interview. Lahat ‘yan gustong i-guest kayo.

“Sabi ko, ‘As much as possible, huwag muna sana kasi parang kaka-start pa lang natin. Hindi pa gano’n ka-strong ‘yong foundation.

“’Hindi natin alam kung kaya nating i-handle kung anuman ‘yong lalabas na chismis, ano ‘yong lalabas na intriga.’”

Apat na buwan daw bago nila napagdesisyunan na ipaalam sa publiko kung ano talaga ang meron sa kanilang dalawa.

“We realized na, ‘I think, it’s time,’” sabi ni Venus.

“[Sabi namin], I think nakikita na rin naman tayo ng mga tao na lumalabas together. Nagtatanong na rin sila, ‘Bakit sila magkasama? Sila ba talaga?’ I think it’s time para i-announce na rin natin.

“After four months of being together, dating, actually kami na noon, four months na talaga, in-announce na namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREI IS A SWEET BOYFRIEND. Isa marahil sa mga dahilan kung bakit madaling nahulog ang kalooban ni Venus kay Drei ay dahil sobrang sweet daw nito bilang boyfriend.

Pinatunayan ito mismo ng 24-year-old beauty queen, “He’s super sweet, as in super sweet!

“Well, ako rin kasi, after so many years bago ako nagkaroon ng relationship ulit.

“Siya din, after a few years, at saka lang siya nagkaroon ulit ngayon.

“Well, I can’t speak on his behalf, pero sa nakikita ko naman, sobrang beyond expectations.

“Siguro kasi bata pa ako noon sa mga relationships ko noon. Pero hindi ako ganun ka-open, hindi ako ganun ka-sweet.

“‘Yong mga naging boyfriend ko rin, hindi ganito."

Bukod sa pagiging boyfriend, itinuturing din ni Venus na malapit na kaibigan ang 29-year-old MYX VJ.

Sabi niya, “Parang puwede pala na maging friend mo siya, at the same time, boyfriend mo siya, and at the same time, sweet kayo.

“Minsan magkaibigan kayo, mas maganda. Talagang mas mauunawaan ninyo ang isa’t isa.”

ENJOYING EACH OTHER’S COMPANY. Bagamat masaya sila ngayon sa piling ng isa’t isa, hindi pa naman daw naiisip nina Venus at Drei na lumagay sa tahimik.

“Wala pa naman ‘yong talagang at this year, ganito, dapat kasal na tayo or dapat settled na tayo. Wala pa namang ganung usapan,” ani Venus.

Gayuman, nais isipin ni Venus na “doon na rin naman tutungo ‘yon.”

Kaya para sa kanya, “Sana ngayon pa lang, parang i-condition mo na lang ‘yong sarili mo na you’ll be with this guy for the rest of your life and you’ll be with him for the rest of his life.

“Parang huwag ka nang maghanap ng wala, kung ano ‘yong meron, i-enjoy mo ‘yon, mas maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN