Part 1. Iza Calzado out to prove something in her first primetime series with ABS-CBN

Iza Calzado: "Gusto ko pa rin talagang patunayan sa sarili ko na mahal ko pa rin talaga itong trabahong ito. Kasi nga, dahil sa tagal kong nawala, parang hindi ko sure kung gusto ko bang i-continue. You know, there were a lot of questions in my head. The past few days have reignited perhaps that passion and flame in me.”


Hangga’t maaari ay ayaw nang pagkumparahin pa ni Iza Calzado ang pagtatrabaho niya noon sa GMA-7 at ngayong nasa ABS-CBN na siya.

“Huwag na ho nating pag-usapan kasi then there will be a point for comparison which, of course, I try to avoid doing. Kasi mahal ko pa rin po yung mga pamilya ko doon [Kapuso network],” pakiusap ni Iza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Iza sa grand presscon ng kinabibilangan niyang primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan, na ginanap kahapon, July 5, sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City.

Pero kung pakiramdam ang pag-uusapan, mas matindi ba ang pressure na naramdaman niya ngayon sa unang teleserye niya sa ABS-CBN kumpara sa unang teleserye niyang ginawa sa GMA-7 noon?

“It’s a totally different thing," sagot ng aktres.

"Iba ang pressure noon, mas bata ako noon. You know, I can handle pressure more now.

"You know, when I was young, yung konting bagay lang kasi, malaking impact na sa iyo.

"Ngayon, pagka… you know, I’m turning 30 this year, I don’t worry… I don’t mind the small stuffs.”

May pressure rin daw ngayon dahil bukod sa expectations ng mga tao matapos niyang lumipat, marami rin daw kasing magagaling na artista sa Kapamilya network.

“Of course, and then there’s so many beautiful and talented stars and actresses in ABS-CBN which makes you want to… you know, it makes you want to be included in their field.”

Pero higit sa pressure, mas nangingibabaw daw kay Iza ang excitement sa unang teleserye niya bilang Kapamilya.

“With regards to this being my comeback after quite some time—mahigit isang taon na yata akong napahinga sa paggawa ng teleserye—siyempre po kinakabahan ako.

"Pero mas excited ako kaysa sa kinakabahan.

"So, mas nananaig yung positive energy kaysa sa hatakin ako pababa ng mga worries and fears na hindi na kailangan sa buhay sa palagay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEELING THE KAPAMILYA TREATMENT. Nanibago ba siya sa pagtatrabaho ngayong sa ibang network na siya gumagawa ng teleserye?

“Siyempre may part na naninibago ako, nangangapa ako.

"Sabi ko nga, ’Puwedeng mag-request, puwedeng lagyan ng nametag yung lahat ng tao!’” biro ni Iza.

“Pero sa totoo lang po," patuloy niya, "isa lang ang masasabi ko, noong lumipat po ako sa ABS, I braced myself for an environment na talagang trabaho lang ito.

“Alam mo yun, hindi ko alam kung makakahanap ako dito ng mga taong tatratuhin din ako na pamilya.

"Kasi siyempre for ten years [sa GMA-7], iba rin yung nakasanayan mo na pamilya mo talagang maituturing yun.

"Pero I am very happy to say na yung unit po ni Direk Lauren [Dyogi, ABS-CBN business unit head], they have been taking such good care of me.

"Wala po akong masabing negatibo o masama.

“Hindi po ito bola, napakatutok at maasikaso po nila, na talagang nakakataba ho ng puso.

"At pagdating naman sa professional side of it, pagdating sa set, ang saya-saya ko na makatrabaho sina Direk Wenn [Deramas] at yung lahat po ng tao doon.

"Napaka-professional nila, mabilis gumalaw. ’Pag oras talaga ng trabaho, oras ng trabaho.

"Kumbaga, I believe they will stop at nothing if only to get the best result.

"Kumbaga, kung yung scene ay kailangang pagandahin nang husto, gagawan at gagawan nila ng paraan para mapaganda nang husto.

"So, masaya po ako.”

IZA’S LATE DAD. May mga nagsasabing hinintay lang daw ni Iza na pumanaw ang kanyang amang si Lito Calzado, na very identified sa GMA-7, bago niya itinuloy ang paglipat sa ABS-CBN sa tulong ng kanyang bagong manager na si Noel Ferrer. Ano ang reaksiyon niya rito?

Saad ni Iza, “Actually, sa mga nakakakilala po sa tatay ko at alam talaga yung istorya, alam naman nila na hindi talaga ako pipigilan ng daddy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi isa ito sa mga gusto niyang mangyari para sa akin. He wanted me to spread my wings.

"So, how can you grow if you’re in one [network]… in my opinion ha, kanya-kanya po tayo ng tinatahak na landas.

"I mean, how can you grow if you feel na medyo tali ka? So, kanya-kanya kasi tayo, e.

“In my opinion, personalidad ko ho siguro, I always like new challenges and things like that.

"At gusto rin ito talaga ni Daddy—at hindi po ito bola.

"Yun nga yung isa sa triggers ko, kasi sinabi po ni Tita Maribeth Bichara when I claimed an award [posthumous] for my dad in Star Awards na this is the one that they always kept on talking about.

"And that is why I reconsider my decision-making process at that time.”

Sa tingin niya ba masaya ngayon ang kanyang ama sa kanyang naging desisyon?

“Sa tingin ko naman susuportahan ako ng tatay ko sa kahit anong magiging desisyon ko, e.

"Ngayon na wala na siya o kung nandito pa rin siya, he will always support me,” sabi niya.

MORE TO PROVE. Masaya lang si Iza na ang unang teleserye niya sa ABS-CBN ay bigatin agad at pawang magagaling na artista pa ang mga kasama niya sa Kahit Puso’y Masugatan; na kinabibilangan din nina Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, Jaclyn Jose, Malou de Guzman, Mylene Dizon, Assunta de Rossi, Cris Villanueva, DJ Durano, Mickey Ferriols, Kit Thompson, Pamu Pamorada, Marx Topacio, at Barbara Perez.

Excited na nga raw si Iza na mapanood ang pagsisimula nito sa Lunes, July 9, sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Lorenzo’s Time.

“I can’t wait to watch the pilot episode, the pilot week.

"Siyempre mapapanood na rin ng mga tao yung hard work na ibinigay namin para sa teleseryeng ito. Binigay namin ang lahat para mabigyan ang mga tao ng isang magandang drama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing niya ba ang Kahit Puso’y Masugatan na isang make-or-break project ngayong isa na siyang Kapamilya?

“No. There should never be one project that can break you that easily.

"There can be a project that can make you because people will notice you.

"But unless it’s such a bad performance or not such a bad performance, you can still be given another opportunity to make it better.”

May gusto ba siyang patunayan sa project na ito?

“There’s always a feeling in me that I have to prove something. Maybe for this project is that my first soap will be a good one.

"Gusto ko ring patunayan sa sarili ko na kaya ko pa, kasi ho matagal din akong napahinga.

"Gusto ko ring patunayan sa mga magulang ko [na pareho nang patay] na nanonood na gagalingan ko at magiging mas mabuti pa akong artista at tao, of course, kaysa noong nandito pa sila.

"I want them to be proud of me because they are one of the motivating forces in my life right now.

“So, marami po talaga akong gustong patunayan at hindi ho matatapos yun dito.

"Hanggang mamatay ako, may mga papatunayan ako...

"Hindi lang po sa ibang tao, mas importante po na mapatunayan ko sa sarili ko that I can always keep on improving and growing and learning.”

REVIVING THE ACTRESS IN HER. Masasabi ba niyang muling napukaw o nabuhay ang pagiging aktres niya dahil sa Kahit Puso’y Masugatan?

“Masasabi ko po na nabuhay ulit ang pagmamahal ko sa trabaho ko, yung excitement pagdating sa set.

"To the point na… kahapon, sabi ko, ’Naku, may mabigat kami na eksena. Ayokong magpababa ng energy kasi importante yung gagawin ko.’

"Alam mo yung ganung excitement? Sabi nga kanina, parang may gusto kang patunayan… parang bagong artista na may gustong patunayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko pa rin talagang patunayan sa sarili ko na mahal ko pa rin talaga itong trabahong ito.

"Kasi nga, dahil sa tagal kong nawala, parang hindi ko sure kung gusto ko bang i-continue.

"You know, there were a lot of questions in my head. The past few days have reignited perhaps that passion and flame in me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN