Part 2. Iza Calzado is dating again; refuses to reveal identity of the guy

Iza Calzado on coping with heartbreaks: “Hindi lang ito sa relationship, ha. Kasi puwede namang masugatan ang puso mo kahit sa career. I mean, di ba, kapag may failures, ganyan? I think the best thing to do is keep the faith… faith in God, faith in yourself, faith that tomorrow will be a better day.”


Dahil Kahit Puso’y Masugatan ang title ng teleseryeng kinabibilangan ni Iza Calzado, hindi maiwasang itanong sa ngayo’y Kapamilya actress na kung ano ang ginagawa niya kapag nasusugatan ang puso niya.

“Iiyak lang po. Yun ang kauna-unahan ko talagang ginagawa when I feel pain,” sagot ni Iza.

Ano ang ginagawa niya para matanggal ang sakit?

“Hindi lang ito sa relationship, ha. Kasi puwede namang masugatan ang puso mo kahit sa career. I mean, di ba, kapag may failures, ganyan?

"I think the best thing to do is keep the faith… faith in God, faith in yourself, faith that tomorrow will be a better day.”

FAILED RELATIONSHIPS. Nakaranas na rin ng ilang kabiguan si Iza sa pag-ibig. Ang dalawang pinakahuli nga ay sa non-showbiz ex-boyfriends niyang music talent manager na si Jerry Garcia at sa businessman na si Atticus King.

Ano sa tingin niya ang problema kung bakit nahihiwalay siya sa boyfriend niya at bakit hindi siya makahanap ng "perfect relationship"?

“Perfect ba ang lahat ng relationship? Ganun talaga, e.

"Tanong ko nga ’yan sa daddy ko dati, ‘Daddy, bakit hindi nag-work yung relationship n’yo ni Mommy?’

"’Pag may mga naghiwalay na parents, tanong ko rin iyan: ’What happened?’

"I think it’s timing, differences... maybe hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Ganun lang talaga.

"E, bakit sina Tom Cruise at Katie Holmes, sina Demi [Moore] at Ashton [Kutcher]... ganun talaga. Sadyang ganyan ang buhay.”

Mabilis ba siyang maka-recover sa isang heartbreak o breakup?

“Hindi, ano ba? Pero hindi naman ako inaabot ng taon, months lang okay na ako.”

Ano ang paraan niya ng coping up?

“Work out, friends, happiness.”

NEVER STOP LOVING. Hindi ba tumitigil ang puso niya na magmahal sa kabila ng ilang kabiguan?

“Ay, it will never stop loving.”

Nagse-set ba siya ng rules sa sarili niya sa susunod na magmamahal siya para hindi na siya masaktan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There are no rules. I think in relationships, there are no rules. You play it using your own rules, you make up your rules along the way.”

Paano kapag ang puso niya ay nasugatan ulit?

“Alam mo kahit puso’y masugatan, lagyan mo lang ng band-aid!” biro ni Iza.

Hangga’t maaari ayaw ni Iza na makarelasyon ang isang taga-showbiz. Kaya nga lahat ng naging boyfriends niya ay non-showbiz. Hindi kaya yung inaayawan niya ay siyang kapalaran niya?

“Hindi po natin alam.”

JAKE CUENCA. Hindi kaya dumating sa point na ang kasama niya sa Kahit Puso’y Masugatan na si Jake Cuenca pala ang makatuluyan niya?

“Wow ha, ako ba yung pakakasalan niya?” natatawang sabi ni Iza.

Sa presscon kasi ay hinulaan si Jake ng isang psychic na posible raw makapag-asawa ang aktor ngayong taon.

If ever, posible bang magkagustuhan sila ni Jake?

“Well, magka-age kasi kami niyan, e,” biro ni Iza.

“Ano ba? Pamangkin ko siya sa Encantadia [telefantasya dati ng GMA-7], hello! Magkaibigan kami ni Jake, ’no.”

Paano kung si Jake talaga ang kapalaran niya?

“E, di ganun talaga. Tatanggapin ko na lang.”

Sa kasalukuyan ay nali-link naman si Jake sa Kapuso actress na si Lovi Poe.

NEW GUY. Totoo bang “totally healed” na ang puso niya ngayon kaya may bagong lalaki na siyang pinapapasok sa puso niya?

“I’m dating and I’m happy,” matipid na sagot ni Iza.

Foreigner ba siya?

“Basta yun. Basta ’pag nakita n’yo, ’pag nakuhanan n’yo ng picture, yun na.”

Ayaw talagang i-reveal ni Iza ang pangalan ng bagong lalaki sa kanyang buhay ngayon. Aniya, sa kanya na lang daw muna ito sa ngayon.

Isa nga si Iza sa mga celebrity na nagagawang gawing private hangga’t maaari ang kanyang lovelife at pakikipagrelasyon.

Hindi ba niya nararamdaman na para siyang nagdadamot ng impormasyon sa mga tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I’ve given enough [information]. I think I’ve given enough.

"I mean, what’s more to give? The guys I normally dated are not from the industry anyways.

"So, you know, I think I’ve given enough.”

Darating ba yung panahon na kapag magse-settle na siya sa isang lalaki o magpapakasal na siya ay malalaman ito ng publiko?

“Malalaman nila ’pag tapos na,” sagot ng aktres.

Personal choice daw talaga ni Iza na maging pribado ang lovelife niya.

“Oo, hangga’t maaari. I’ve given them enough.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN