Miss World Philippines 2012 Queenierich Rehman on competing in Miss World: "I will really do my best."

Malakas ang paniniwala nina Miss World Philippines Third Princess April Love Jordan (left) at First Princess Mary Anne Ross Misa (right) na maiuuwi ni reigning Miss World Philippines Queenierich Rehman (center) ang korona ng Miss World. Ayon sa dalawa, basta’t magtiwala lamang daw si Queenierich sa kanyang sarili, magdasal, at magpursige ng mabuti sa kanyang training ay kakayanin nitong maging kauna-unahang Filipina Miss World titleholder.


Matapos ang naganap na coronation night ng Miss World Philippines 2012 sa Tent City ng Manila Hotel noong Hunyo 24, muling nasilayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga bagong beauty titlists na sina Queenierich Rehman, Mary Anne Ross Misa, at April Love Jordan sa parehong lugar noong Hulyo 4 nang dumalo ang mga ito sa Manila Hotel Centennial Ball.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nahingan ng PEP ng pahayag ang reigning Miss World Philippines na si Queenierich tungkol sa kanyang pagkakapanalo.

“I feel so happy and I’m just overwhelmed with all the prizes and everything,” aniya.

Magmula noong Hunyo 24 ay naging abala na si Queenierich at ang kanyang mga prinsesa sa sunud-sunod na public engagements na kanilang dinadaluhan.

“Yeah, medyo busy kami with all the charity visits, public visits, and guestings.

“Medyo we’re not used to it, but we’re getting used to it—the public attention,” sabi ni Miss World Philippines Third Princess April Love Jordan.

“Aside from it’s overwhelming, siyempre super busy ko din with all the trainings.

“Wala na ngang time to like have a ‘me’ time. As in super busy with all the schedules,” dagdag pa ni Queenierich.


TRAINING FOR MISS WORLD. Ilan sa mga pinaghahandaan ngayon ng kandidata bago ito sumabak sa Miss World 2012 pageant—na gaganapin sa Dongsheng Fitness Center Stadium, Ordos, Inner Mongolia, China sa darating na Agosto 18—ay ang pagsasalita ng wikang Chinese at multimedia training.

“I’m doing the multimedia training for the Facebook thing, for what they call the Multimedia Award in China.

“And, of course, I’m also doing the makeup training and personality development training,” saad ni Queenierich.

Inaasahan ni Queenierich na bago siya lumipad patungong China sa Agosto ay matapos niya ang lahat ng training.

“Even with the little amount of time that I have, sana magawa ko ang lahat at sana talaga magawa ko lahat ng best ko [sa pageant].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORTIVE PRINCESSES. Kung puspusan ang paghahanda si Queenierich para sa Miss World, puspusan rin ang ibinibigay na suporta sa kanya ng kanyang mga prinsesa.

Parati umanong ipinagdarasal ni April Love si Queenierich.

“Siyempre pinagpe-pray ko siya always kasi it’s gonna be a tough job for her following the footsteps of Gwen [Ruais] as the First Princess.

“But knowing Queenie and with the support that we’re giving her, I know that she can make it.

“Who knows, she’ll make it in history as the first Filipina Miss World?”

Samantala, si First Princess Mary Anne Ross Misa naman ay personal na tinutulungan si Queenierich sa kanyang training.

“For me, personally, I’m always there for her. We always go to the gym together and then sometimes we also train for Q&A.

“We also do a lot of catwalk training together so other than that, personally, I also pray for her.

“Iyon talaga [ang kailangan niya]—a lot prayers and hard work.

“Siyempre iyon naman talaga iyong kailangan niyang gawin. God paves the way for her and she just does the work so iyon lang talaga.”

NO RIVALRY. Ayon din kay Mary Anne, wala umano siyang nararamdaman na panghihinayang kahit na First Princess lamang ang naabot niyang titulo sa Miss World Philippines.

“At that time [coronation night] I was blanked out talaga.

“I was surprised that I was part of the last two women standing and what I felt that time, I was like closing my hands and holding [Queenierich’s] hand.

“I held her hand and I was praying to God na sabi ko, ‘Whatever happens, whatever decision you make or the judges make,’ sabi ko ‘It’s gonna be okay.’

“Kasi Queenie has been my friend since we were ten [years old] and before we joined Miss World, it’s like this has been one of our dreams since we were kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa’kin, it was already an accomplishment na kaming dalawa iyong last two women standing noong coronation, so it felt good.”

Dagdag pa ni Mary Anne, malaki ang tiwala niya sa kakayahan ni Queenierich na makipagsabayan sa mga banyagang kandidata sa Miss World.

“A great responsibility is given to her and I know that she can do it.”

STILL OVERWHELMED. Bagamat naumpisahan na niya ang kanyang training, hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala si Queenierich na siya na ang bagong Miss World Philippines.

“I didn’t know talaga that I was gonna win it.

“Actually, I thought that [Mary Anne] was gonna win.

“But no’ng tinawag iyong name niya as first runner up, super talagang nagulat ako because I didn’t expect it.

“Same with all the special awards, ’tapos ito na I’m the new Miss World [Philippines], super nakaka-overwhelm so sa stage as in parang shocked lang talaga ako.”

GRATEFUL FOR SUPPORT. Patuloy naman na nagpapasalamat ang tatlo sa suportang ibinigay sa kanila ng publiko, lalo na ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan, sa kabuuan ng pagsali nila sa Miss World Philippines pageant.

Ayon kay Mary Anne, “The feeling was it actually helped us kasi when you’re on stage and you know that there’s a lot of people supporting you, especially if you see them—your family. your friends—on stage it makes you feel like you wanna give it your best.

“And when you walk, you start to feel like you’re the most beautiful woman especially [in the eyes of] the supporters.

“So, it’s very overwhelming at the same time you feel the love and support coming from the audience. It feels good.”

Kuwento naman ni April Love, "Ako naman I’ve been joining pageants since I was in high school, so my family and friends have been always there to support me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The thing with Miss World is when I joined, my mom kasi she was always the stage mother, but this time I told her na, ‘Just chill, Mom. I can do this.’

“I’ve been in different pageants na. I’ve joined international modeling contests na rin. So this time, ’Be the audience and just relax,’ sabi ko sa kanya.

“And then she did, kaso she can’t help it so pagdating ng coronation night, she‘s the one talaga who shouted and cheered for me the loudest.”

Katulad ng pamilya at mga kaibigan nina Mary Anne at April Love, proud na proud rin siyempre ang mga tagasuporta ni Queenierich sa kanyang naabot.

Kaya naman umaasa si Queenierich na mas pagtibayin pa nila ang kanilang suporta lalo’t sasabak na siya sa international pageant.

“They just have to believe in me na I will do my best for them, for the country, for everyone. I will really do my best,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN