JM de Guzman sad his biopic on Pedro Calungsod failed to make it to MMFF

Both JM de Guzman (in photo) and Coco Martin are under ABS-CBN’s Star Magic talent management. Is there rivalry—professional or otherwise—between the two actors?
"Wala. Bakit naman [magkakaroon]?" JM says. "Ang layo! Ang layo!" he adds, referring to the popularity and achievements of Coco.


Matamlay si JM De Guzman nang huling makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang dinaluhang event, kamakailan, bilang kinatawan ng Cinemalaya Philippine Independent Filmfest (New Breed Section) entry na Intoy Syokoy ng Kalye Marino.
Kasamang ni JM dumalo ang kapareha niyang young actress na si LJ Reyes.
Ang nasabing indie film ay mula sa direksiyon ni Lem Lorca, a debuting filmmaker. Ito ay base sa screenplay ni Jerry Gracio, na hango sa nobelang sinulat ni Eros Atalia.
Sa simula ng panayam ay tila naglalakbay ang diwa ni JM at wala siyang ganang sumagot.
Ayon sa Assistant Director (AD) na si Armand Reyes, malungkot daw si JM dahil sa umano’y "malabong sitwasyon" ng pagsasa-pelikula ng Pedro Calungsod indie historical biopic na pagbibidahan sana ng young actor.
Habang wala pa sa mood magsalita si JM, si Direk Armand muna ang nagbigay ng ilang impormasyon sa PEP:
"Ang nangyari kasi, yun nga, hindi natanggap para sa MMFF [o Metro Manila Film Festival], this year, ang Pedro Calungsod.
"Tatlong scripts ang nai-submit, mula sa iba’t ibang producers, na yung isa, si Imee Marcos ang produ [producer].
"’Yung script nina JM, si Francis Villacorta ang sumulat; siya rin yata ang magpu-produce, o may financiers siyang kausap.
"Ang ganda ng kuwento; inihahanda na sana nila in time for the canonization of Pedro Calungsod, siya ang magiging second Filipino saint, sa September yata..." sabi pa ni Direk Armand.
"Para itong case noon [during the late ’70s], di ba, merong mga Ang Dalagang Pinagtaksilan Ng Panahon ni Celso [Ad Castillo], na naging Aliw-iw [starring Rio Locsin], dahil meron na ring script na ganu’n ang title?"
Banggit pa ni Direk Armand, magkasabay ngang nai-release sa local theaters ang dalawang obra, na may parehong tema [Ang Dalagang Pinagtaksilan Ng Panahon was headlined by Cecille Castillo and directed by George Rowe].
"Same old story, mga ’nag-aaway-away’ sa rights sa kuwento. Ay, naku, bahala sila!" sabi pa ni Direk Armand.
NON-COMMITTAL. Bagama’t hindi nagku-comment tungkol sa nabanggit, sumasang-ayon naman si JM, ayon din kay Armand, na problema ng producers ng Pedro Calungsod ang naging "malabong sitwasyon" ng pagsasa-pelikula ng nasabing historical indie biobic.
Pero sa ngayon, wala munang magagawa si JM kundi ang maghintay.
"Sina Francis Villacorta ang umaayos, may kinakausap na yata sila para ma-aprubahan pa rin," sabi rin ni Armand.
Samantala, buo ang suporta ni JM De Guzman sa bago niyang kinasasalihang pelikulang pang-Cinemalaya Filmfest sa taong ito.
Ano ang paka-aabangan ng manonood sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino, na kaiba sa mga indie entries na nasalihan din niya sa Cinemalaya, tulad ng Last Supper No. 3 (2009), Rekrut (2010), at Ang Babae Sa Septic Tank (2011)?
"Siguro, yung performances ng bawat aktor dito, iba rin. Isa itong komedya, na ang istorya ay puno ng buhay..."
Matapos ang ilang sandali ng pananamlay, naging masigla na rin si JM sa pagsagot.
Natawa pa siya nang tanungin ng PEP kung magiging "s’yokoy" (merman) ba talaga siya sa pelikulang siya ang may title-role?
"’Yun yung running joke, e," natatawang sagot ni JM.
Pati raw si LJ, sinasabing magiging "sirena" (mermaid) naman.
"Wala namang gano’n," pagtukoy pa ni JM.
Pero mayroon bang mga eksenang "fantasy" ang Cinemalaya New Breed entry na ito?
"Wala... ang idea is parang merong mga taong namumuhay sa loob ng [kanilang] fantasy," saad ni JM.
WORKING WITH LJ REYES. Tinanong din ng PEP si JM tungkol kay LJ Reyes, ang kanyang leading lady sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino.
Muling napangiti si JM, at sinulyapan muna si LJ, para biruin.
"Si LJ po kasi, unang-una sa lahat..." aniya, na ipinarinig ang sinabi sa kapareha, tapos, kunwari bumulong, na ipinag-react ng natatawang kapareha.
"Hindi... okey po. Mabait siya [LJ]; a selfless co-actor," bawi ni JM, about LJ.
Ano’ng masasabi ni JM sa nagpa-sexy at nag-topless daw na si LJ Reyes sa Intoy Syokoy...?
"Wala... hinubaran niya ang puso ko. Buto’t balat!" tawa uli ni JM.
Kung siya naman ang magpapa-sexy, o maghuhubad sa isang indie movie, hanggang saan ang kayang gawin ni JM?
"Depende po sa... kung kailangan ng istorya," aniya.
Na-a-attract din ba siya kay LJ Reyes?
"Sino ba namang hindi? Pamatay po ang dimples niya!" sagot ni JM.
"Siya [LJ] ay isang napakabait na babae. Kahit sino naman po, e [ma-a-attract]. Attractive woman po talaga siya. At wala siyang ere."
May girlfriend ba ngayon si JM?
"Meron po... ang trabaho ko. Mahal na mahal ko po ang trabaho ko," makahulugang sambit ni JM.

PRIDYIDER. Bukod sa Intoy Syokoy... na isang indie film, mayroon ding natapos i-shoot si JM na pelikulang mainstream, mula sa Regal Entertainment.
"Yung Pridyider, sa July 25 yata [ang showing]," pag-inform pa ni JM.
"Si Andi Eigenmann at saka ako po... first time.
"Hindi ko po sigurado [kung ilu-launch kami, as teamup], pero si Andi po ang bida [sa movie]."
At si JM ang ka-partner ni Andi?
"Parang gano’n po... tungkol sa lumang ref [refrigerator] ang kuwento, si Direk Rico [Ilarde] ang nagdirek," sabi pa ni JM.
Ang kuwentong pinagbasehan ng Pridyider, na ganito rin ang pamagat, ay ang isa sa tatlong episodes ng Shake, Rattle & Roll 1 (1984), na dinirek ng National Artist Ishmael Bernal (under Athena Films), at naging entry sa Metro Manila Film Festival.

RIVALRY WITH COCO MARTIN? Bilang popular TV drama actor, nagmarka si JM De Guzman sa ilang afternoon drama series na nasalihan sa ABS-CBN.
Una’y ilang supporting parts (featured roles) ang ginampanan muna ni JM, sa ilang Precious Hearts Romance series ("Midnight Phantom," "Alyna," "Kristine," at iba pa).
Nang hinog na siya para magbida, pinagtiwalaan na siya ng Dos at naging tampok, bilang lead actor, ng afternoon teleserye Angelito: Ang Batang Ama.
Naging top-rater ang teleserye at tumagal ng ilang buwan. Kaya nadesisyunang gawan ito ngayon ng Book 2, ang Miguelito: Ikalawang Yugto.
"Nagte-taping na po kami," ang sabi ni JM, na sumubok ding maging recording artist sa pamamagitan ng isang self-titled debut album.
Sa ABS-CBN at sa Star Magic talent management outfit ay parehong "prized property" sa ngayon sina JM at Coco Martin, na mayroon ding top-rating at magiging long-running primetime teleseryeng Walang Hanggan.
Pero para kay JM, walang anumang "rivalry" (professional o anuman) sa pagitan nila ni Coco.
"Wala. Bakit naman [magkakaroon]?" simpleng tanong ng binatang aktor.
"Ang layo! Ang layo!" nangiti lang siya sa comparison, aminadong higit na popular at mas marami ng achievements si Coco kaysa kanya.
Pero masaya naman daw siya sa puntong ito ng kanyang career.
"Opo, siyempre," sambit pa ni JM, na mayroon na ring acting award na napanalunan, last December 2011, sa MMFF-New Wave (Indie Cinema) Competition, para sa Pintakasi (produced by Imee Marcos).
Ano ang pakiramdam na sikat na siyang aktor ngayon, after a minor support role in Last Supper No. 3 and appearing in plays, notably Dulaang UP’s Orosman at Zafira in 2010 (in a major support role as Zelim), among others?
"Hindi po pumapasok sa utak ko yun," saad din niya.
Ano pa ang mga ambisyon ni JM De Guzman, sa kanyang propesyon bilang aktor?
"Well, sana, kung nasaan man ako ngayon, wala naman sigurong masama kung maghangad pa ako na ma-improve pa yung sarili ko.
"Na makapag-ipon pa rin, habang kumikita pa.
"Maikli lang naman ang buhay ng mga artista sa showbiz, e," pagtukoy pa ni JM.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN