Arjo Atayde’s greatest fear: "Kung sasabihan [ako] ng ’ang pangit ng acting,’ o kaya ’parang hindi anak [ni Sylvia Sanchez].’"

Arjo Atayde appears in the "Bangka" episode of Maalaala Mo Kaya. The story is based on the school children of Mababoy Elementary School in Masbate, who swim in order to get to school. Arjo wants to hold a dance-concert to raise funds for Isla Mababoy.

“I’m planning to reserve yung Teatrino. It’ll be doing like a small dance-concert, made up of mga sa schools and then yung mga kilala kong artista, sina Gab


Seryoso ang newcomer na si Arjo Atayde sa kanyang showbiz career. Para sa kanya, ang pag-aartista ay hindi lang para makilala, kumita ng malaki, o para sa glamor side nito.

Masaya siya sa trabaho bilang aktor, kaya naman tuwang-tuwa siya nang mapunta sa kanya ang major role sa "Bangka" episode ng drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya (MMK).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Dahil baguhan pa lang, desidido siyang matuto at handa siya sa mga pagsubok na darating sa kanya.
“Iyong craft mismo ang importante sa akin. I’d rather become Best Actor than a hunk.
“Kaya naman kapag may dumarating na project, talagang inaaral kong mabuti iyong role,” panimulang pahayag ni Arjo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pag-aari nilang TJ’s RestoBar sa Quezon City nuong July 5.
Mayroon ba siyang role na kinatatakutan sakaling maibigay ito sa kanya?
“Wala naman po,” mabilis na tugon niya. “So I guess, kahit na anong role ang ibigay sa akin... Kasi hindi ba, it’s your job to act [it] out?”
Paano kung ang ibigay sa kanyang role ay isang gay or macho dancer, hindi ba siya matatakot i-tackle ito?
“Hindi po ako matatakot, okay lang po iyon. Kasi, that’s work e. Hindi naman po siya kadiri, I mean, there are really people who macho dance.
"Mga tao din naman po iyan e. I just have to portray them on screen.”
DREAM ROLE. Ano naman kaya ang maituturing niyang dream role?
“Dream role? I just want to be the brother of John Lloyd [Cruz], sa isang drama project,” nakangiting wika pa ng panganay na anak ng businessman na si Art Atayde at ng veteran actress na si Sylvia Sanchez.
Natatakot ba siyang ikumpara sa ina niya?
“Siguro po kung sasabihan [ako] ng ’ang pangit ng acting,’ o kaya, ’parang hindi anak [ni Sylvia Sanchez], ang tanga naman nito.’ Sorry sa word, pero iyon iyong fear ko talaga.
“Kasi the Ataydes didn’t want me to enter showbiz. So ang nakipaglaban sa akin para makapasok sa showbiz is my mom. Ang sabi niya lang sa akin, ‘Huwag mo akong ipapahiya ha?’ So, I have to do my job."
HAPPY START. Nung nag-umpisa siya sa E-Boy ay sobrang saya daw niya, pero hindi niya inaasahan na ganoon pala kahirap ang trabahong pinasok. Ito ay dahil sa oras ng trabaho at dahil daw hindi raw siya sanay na minamanduhan.
“Hindi naman pride or anything, but then I guess, that’s how I grew up. On my Dad’s side, no one tells me what to do when it comes to work. I wanna do [my share]… parang ganoon.
“Pero, since I love what I’m doing, I have to compromise... lalo na yung mga kailangan kong i-accept about my work.”
LIKES AND DISLIKES. Ano ang pinaka-ayaw at pinagusto niya sa showbiz? Pinakagusto ba niya iyong malaking kita?
“Hindi naman po, the money is… para sa akin hindi naman talaga… kung may artista nga na puwedeng hindi bayaran, siguro ako [na] iyon, e.
"Kasi sa totoo lang... I really enjoy what I’m doing. It’s not about the money; I don’t care kung bayaran ako or hindi.
“Kasi, happy talaga ako sa nangyayari ngayon sa career ko, and as long as I know that I’m doing good in my work and I get what I deserve, then I’m happy,” nakangiting paliwanag niya.
“Sobra akong happy na natuto ako and kasi, ang dami talagang nagtuturo sa akin, nagpu-push. So, happy na natuto [ako] and at the same time, I get to do what I want, which is acting,” dagdag pa niya.
Naniniwala si Arjo na parte ng showbiz ang intriga kaya expected na niya ito, pero ang pinaka-ayaw niya sa mundong ito ay ang mga taong plastik.
“Intriga will always be a part of showbiz, hindi naman talaga matatanggal iyan. Pero ang pinaka-ayaw ko siguro ay yung mga taong plastik.
"Kasi ang daming nagsasabi… I’ve never met anyone, na nagpakita sa akin ng plastik, wala pa akong nakikilalang plastik, pero iyon ang iniiwasan ko or iiwasan ko."
FIRST PURCHASE. Ano ba ang unang binili niya sa kinita sa pag-aartista?
“Wala po akong nahawakan kahit na singko, kini-keep kasi ni Mommy sa banko,” nakatawang saad niya.
“Wala talaga akong mabili kahit na gusto ko, pero she would ask me and offer me stuff naman. And may allowance pa rin naman po ako from my Dad and hindi naman sila kuripot.”
Okay lang naman daw iyon kay Arjo dahil medyo gastador kasi siya, lalo na kapag kasama ang kanyang mga kaibigan.
“Hindi naman po sa bulagsak ako sa pera, pero kapag may kasama akong friends, ayaw kong sila ang nagbabayad. Gusto ko, ako iyong nagbabayad.”
LOVE LIFE. Pagdating sa kanyang love life, sinabi ni Arjo na una siyang nagka-girlfriend noong 12 years old siya at tumagal daw ito ng three years. Sumunod na relasyon niya ay umabot naman ng six years.
Sa ngayon, inamin ni Arjo na nililigawan niya ang Star Power finalist na si Akiko Solon na nakasama niya sa E-Boy. Pero, ayaw daw nilang magmadali dahil baka makasagabal ito sa kanilang career.
“Actually, parang nililigawan ko po si Akiko. Pero more of ano po siya… I’m seriously courting her, pero it’s more of ano talaga e, it’s not the time yet.
"Kasi ka-start pa lang namin [sa showbiz], we don’t know how to have a relationship in the industry.
"Kasi hindi ba, we [have] the same job and baka makagulo pa, but we’re helping each other naman, and we’re seeing each other once in a while kapag may time.”
Ano ang nagustuhan niya kay Akiko?
“Number one, I never had a probinsiyana girlfriend… I appreciate it because she motivates me, we get inspiration from each other.
“As of now, we’re just inspiring each other, no commitment, pero we see each other siguro, once a week. Parang ganoon, pero it’s more on ano kasi… I want her to focus on her work and I see naman the potential,” wika niya.
Idinagdag din ng 21-year-old na binata na pinuntahan pa niya sa Mactan, Cebu, ang mga magulang ni Akiko upang personal siyang makilala dahil naniniwala siya sa old school na pamamaraan ng panliligaw.
NOT A SNOB. Nabanggit din ni Arjo na karamihan sa kaibigan niya ay taga-La Salle dahil doon siya nag-aral. Marami din ang taga-Alabang, pero hindi naman daw siya kinakantiyawan ng mga ito kahit pumasok siya sa showbiz na ang turing ng ibang mayayaman ay bakya o baduy.
“Hindi naman po, wala namang ganoon. Let’s say pumunta tayo sa isang party sa Alabang, lahat tayo artista. Sabihin na nating sina Anne Curtis, Sam Milby, John Lloyd [Cruz], pumasok sa isang party. Wala silang pakialam, they’re very Americanized na e. They won’t even bother you…
“Ganoon talaga sila, pero, they actually appreciate what I do. Wala po silang negative feedback, they are very supportive sa akin.”
Si Arjo ay member ng dance group na Legit Status na ilang beses nang naimbita sa World Hip Hop competition sa Las Vegas subalit hindi nakakasali sa naturang competition dahil sa kanyang busy schedule. Pero balak niyang magkaroon ng fund-raising dance show sa Teatrino sa kanyang birthday sa November 5 at lahat ng kikitain ng benefit show na ito ay ido-donate niya sa mga bata ng Isla Mababoy sa Masbate.
Hanga raw kasi siya sa mga bata roon sa Mababoy Elementary School na hinango ang ginampanan niyang kasaysayan sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN. Kailangan pa daw kasing lumangoy ng halos isang oras ng mga kabataang mag-aaral nito para lamang makapasok sa kanilang paaralan.
“Ako, hindi ako masyado [masipag] sa pag-aaral ko, pero ang mga bata roon sa Mababoy Elementary School, talagang sobra ang pagpapahalaga nila sa pag-aaral.
“I’m planning to reserve yung Teatrino. It’ll be doing like a small dance-concert, made up of mga sa schools and then yung mga kilala kong artista, sina Gab [Valenciano], sina Rayver [Cruz]… I wanna make it like a semi-big event, parang ganoon, and the money will go to Isla Mababoy.
“Para kasing ‘di ko sukat akalain na there are people na [who] would go through that. Ako, ayaw ko talagang pumasok, sa totoo lang… I don’t really like school, I’m not a studious person, but I passed of course.
“Pero to think na itong mga batang ito [estudyante ng Mababoy Elementary School], they have to go through this… just reading the script ay naiyak na ako, e. So, gusto ko naman silang tulungan,” pagtatapos ni Arjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN