Myrtle Sarrosa is the Big Winner of Pinoy Big Brother Teen Edition 4

Myrtle Sarrosa (right), the Cosplayer Cutie of Iloilo, is the Big Winner of Pinoy Big Brother Teen Edition 4. Runners-up include Karen Reyes (left), Roy Requejo, and Joj and Jai Agpangan.


Si Myrtle Sarrosa ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4.

Naganap ang "Big Fantastic Finale” kagabi, Hulyo 7, sa Malolos Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Si Myrtle, na mula sa Iloilo, ay nakakuha ng 33.92 percent ng votes mula sa pinagsamang boto ng vote to win at vote to evict. Kaya naman siya ang mag-uuwi ng one million pesos, gadget showcase, appliance showcase, at Asian Tour Package.

Ang second big winner ay si Karen Reyes ng Mindoro. Siya ay nakakuha ng 11.91 percent ng votes at mag-uuwi ng 500,000 pesos, laptop, digital camera, at appliance showcase.

Ang third big winner ay si Roy Requejo na mula Naga City. Nakakuha siya ng 9.38 percent ng votes at nanalo ng 300,000 pesos, laptop, digital camera, at appliance showcase.

Ang kambal na sina Joj at Jai Agpangan ng Bacolod ang fourth big winner pagkatapos nilang makakuha ng 9.26 percent ng vote at mag-uuwi ng 200,000 pesos, laptop, digital camera, at appliance showcase. Sila ang kauna-unahang kambal na nakapasok sa Big Four ng PBB.

Tatlong buwan din ang itinagal ng pananatili ng teen housemates sa Bahay ni Kuya, na naging kontrobersiyal dahil sa iba’t ibang isyu na kinaharap nila sa loob ng bahay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN