PEP EXCLUSIVE. John Lapus on the end of Showbiz Central: “Yes, nalulungkot talaga ako nang bonggang-bongga. Mahal na mahal ko ang show na ’yan."

John "Sweet" Lapus (center), who is turning 39, celebrated his 40th birthday on July 7 at Patio Carlitos with friends in showbiz like Dingdong Dantes (left) and Marian Rivera (right). “Thirty nine lang ako, pero kailangan daw, huwag daw i-celebrate. Dapat daw, magdya-jump ka ng forty," says John.


Thirty-nine pa lang si John Lapus, pero kagabi, July 7, ay ipinagdiwang na niya ang kanyang 40thbirthday niya sa Patio Carlitos sa Mother Ignacia, Quezon City.

Bagamat hindi naman daw siya masyadong mapamahiin na tao, sinunod na rin ni Sweet ang mga sinasabi ng karamihan ng mga kaibigan niya na lagpasan ang may number na “9” sa edad.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Enrtertainment Portal) si Sweet sa intimate birthday party niya kagabi, ipinaliwanag nito kung bakit 40th birthday na niya ang kanyang ipinagdiriwang.

Aniya, “Thirty-nine lang ako pero kailangan daw, huwag daw i-celebrate. Dapat daw, magdya-jump ka ng forty.

"E, nang malaman ko, magkasing-edad kami ni John Estrada.

"Si John Estrada, thirty-nine rin siya, pero thirty siya.

"Sana pala ako, twenty!” natatawa niyang sabi.

Dugtong ni Sweet, “Sabi kasi ng mga kaibigan ko... hindi naman ako naniniwala, but might as well.

"Hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan-ganyan. Hindi ako mapamahiing tao.

"Kailangan daw magpa-party, mag-celebrate, at sasabihin mo raw, forty.

“Sabi ko, ’tapos kapag forty na akong totoo, another party, gastos? So, yun yun.

"Kilala n’yo naman ako, tayo-tayong party lang talaga. Like this, intimate pa rin, konti lang naman ang invited kong artista.”

Ilan sa mga artistang dumating sa intimate birthday party ni Sweet ay ang PPL artists na sina Rochelle Pangilinan, Wendell Ramos, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, at Dingdong Dantes na kasama si Marian Rivera.

Nasa party rin sina Carla Abellana, Maja Salvador, Sheena Halili, Candy Pangilinan, DJ Durano, Direk Wenn Deramas, Direk Chris Martinez, at Rio Locsin.

Ang best friend ni Sweet na si Kris Aquino ay nagpasabi na raw na hindi makakarating, pero nagpadala na raw ng regalo sa kanya.

Sabi ni Sweet, “iPhone at saka iPad. Ganoon si Kris lagi, isa galing kay Josh, isa galing kay Bimby.”

Sabi namin kay John, marami rin namang nangyari at mga blessings sa kanya nung nagdaang taong ng buhay niya para ipagdiwang niya at magpa-party siya ngayong birthday niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fairness,” pagsang-ayon niya.

"At sa nangyayari, mukhang kailangan ko talagang mag-celebrate.

"Sabi ko nga, noong malaman ko, three weeks before my birthday, e, thirty-eight pa lang ako noon.

"Sabi ko, ’Bakit ganoon, minamalas na ako wala pa nga akong thirty-nine?”

END OF SHOWBIZ CENTRAL. Hindi na nagkaila si Sweet na ang tinutukoy niya ay ang nalalapit na pagkawala sa ere ng Sunday showbiz talk show niyang Showbiz Central.

Ayon kay Sweet, “Yes, the rumors are true.

"But in all fairness to GMA, kinausap naman ang mga managers namin at kami nang maayos.

"Sabi ko nga, some good things never last and for whatever reason... the management decided to change Showbiz Central/

"Hindi ire-reformat, kung hindi mawawala ang buong show.

“Kaya kapag tinatanong ako na ’tatanggalin ka raw sa Showbiz Central,’ hindi ako makasagot kasi hindi naman ako tatanggalin—yung buong Showbiz Central ang mawawala.

"And the last time I heard, it would be another show. Different genre, it’s not another showbiz talk show anymore.

“Kinausap naman ako since my forte is showbiz talk show, so kung hindi tsismis-oriented show, bakit pa nandoon si John Lapus? Oo nga naman.”

May ideya na raw si Sweet kung ano ang ipapalit, pero baka makagalitan daw siya kaya hindi pa niya masasabi.

“Well, in-assure naman nila sa akin, although wala pa. Yun pa lang, assurance.

"At sinabi ko naman sa kanila that I am here to stay bilang meron pa rin namang Makapiling Kang Muli until September.

“Sabi ko sa kanila, I’m not going anywhere, but by October, kapag tapos na, at may nag-offer...

"Basta nagsabi na ako sa GMA na I’m here to stay. I’m not going anywhere. Wala akong balak lumipat sa kahit anong istasyon.

“Pero sinabi ko rin naman na, ’Huwag n’yo na pong paabutin na matetengga ako hanggang October bilang nagbabayad ako ng bahay, may mga pamangkin ako, may apo na nga ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, yun nga, priority ko ang GMA, sinabi ko naman sa kanila.”

LOYAL TO GMA. Wala raw network contract si Sweet kung hindi per show contract lang. Ganun pa man, nananatili naman daw siyang loyal Kapuso.

“Nakikita n;yo naman, kahit iniintriga ang mga guesting-guesting ko, pero nananatili akong loyal.”

Inamin ni Sweet na nalungkot siyang talaga nang malamang mawawala na ang Showbiz Central. Iniyakan din daw niya ito.

“Nalungkot akong talaga. Siguro kasi, unexpected, and I know for a fact na okay naman ang rating ng show namin.

"Kaka-celebrate lang namin ng anniversary at nag-pictorial pa kami noon. ’Tapos, nasa chopping board na pala kami.

"Nakakalungkot, pero sabi ko nga, some good things never last.

“But yes, I’m excited [about] what’s in store for me in the future. But then again, sabi ko naman, hayaan n’yo muna akong malungkot.

"Kailangan kong ma-feel ang lungkot na mawawala ang Showbiz Central. E, sakit ko ’yan, meron akong separation anxiety.”

Ang huling beses daw na nakaramdam siya ng separation anxiety ay nang lumipat siya ng ibang network.

“When I moved from ABS to GMA.

"Wala lang akong magawa because, you know, it was a very good offer and I was technically jobless at that time.

"But you know, noong time na yun, ayoko rin namang lumipat. Palagi namang ganyan.


LIKES BEING APPRECIATED. “At saka, I’m the type of person who wants to be surrounded by people who love me, who believe in me, bilang I’m often misunderstood.

"So, kapag nakapuhunan ka na ng emosyon, friendship, sa mga taong kasama mo, tiyak mawawala yun. Nalulungkot ako.”

Inamin din ni Sweet na naisipan din daw niya kung huwag na lang niyang tapusin ang paghu-host sa Showbiz Central.

Sabi niya, “E yun, the other day, naisip ko, why prolong the agony?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala, in all fairness, the men and women of Showbiz Central na binanggit ko kanina, love and believe in me. So, malaking bagay sa akin yun.

“As an artist, what keeps me going is kapag ang mga taong kakilala ko, naniniwala sa ’yo, nakikinig.

"At alam ko na mahal ako, malaking bagay sa akin yun. Doon ako namu-motivate lalo.”

Naniniwala rin naman daw si Sweet na kapag may pintuang nagsara, may bintanang nagbubukas.

“Yun nga ang sabi ko, when God closes a door, he opens a window.

"So, sabi ko nga, sana makita ko na agad kung ano ang nasa other side of window para ma-excite na ako at mawala na itong lungkot ko.

“Yes, nalulungkot talaga ako nang bonggang-bongga. Mahal na mahal ko ang show na ’yan.”

BIRTHDAY WISH. Sa puntong yun, tinanong namin si Sweet kung ano ang birthday wish niya.

“Ang wish ko, siguro sana dumating na agad-agad kung ano ang panibagong show na ibibigay sa akin ng GMA.

"At sana, ma-excite na naman ako, again, to do something new.

“Not just for myself, but also for my fans para may bago na naman.

"And of course, yung Makapiling Kang Muli, tangkilikin nila.

“Nakakatuwa nga, may nag-tweet na bakit daw hindi na lang ako ilagay sa Startalk ganyang wala na ang Showbiz Central.

"May kasunod pa yung tweet na yun, pero hindi ko na sasabihin!” natawang kuwento pa niya.


MOVIE PROJECT. Sa pelikula naman ay hindi nababakante si Sweet. Kasama siya sa Metro Manila Film Festival entry na Enteng, Agimat and Me. Bida rito sina Vic Sotto, Senator Bong Revilla, at Judy Ann Santos.

“Okay naman na yatang sabihin, well, talagang, wow, tatanggi ka ba sa ganyan? Oo ako agad-agad!

"Grabe ang M-Zet, miniting pa ako ni Direk Tony Reyes. Meeting? Hindi na kailangang meeting, umoo na nga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Grabe, na-appreciate ko talaga. Akala ko lahat ng cast, yun pala ako lang. Nandoon si Direk Tony and the staff of M-Zet.

"Isa ako sa kaibigan ni Ms. Judy Ann Santos. So yun pa lang kasi hindi pa kami nag-storycon.

“Pero na-appreciate ko talaga na miniting pa ko, hiningi pa yung suggestion ko," lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN