PBB teen winner Myrtle Sarrosa: "I respect the decision ng lahat ng mga tao if they think I’m deserving or not."

"I’m very thankful and very glad na there are more people who love me than those who hate me. At ngayong nandito na ako sa outside world, I’ll just prove to you all na kaya kong panindigan at kaya kong patunayan kung bakit ako nanalo," says Myrtle Sarrosa, Pinoy Big Brother Teen Edition 4 big winner.


Ang cosplayer mula sa Iloilo na si Myrtle Gail Sarrosa ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong Sabado ng gabi, July 7, sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Kahapon, July 8—kasama ang iba pang Big 4 na sina Karen Reyes, Roy Requejo, at ang kambal na sina Jai and Joi Agpangan—ay live na nag-guest si Myrtle sa The Buzz.

Ayon kay Myrtle, hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang itinanghal na Big Teen Winner. Ito ay sa kabila ng hindi maitatangging may mga hindi pabor sa pagkapanalo niya.

Ngunit ayon sa cosplayer, "I respect the decision ng lahat ng mga tao if they think I’m deserving or not, kasi lahat naman tayo, we have our own opinion and there’s always two sides of the coin.

"Yun, I’m very thankful and very glad na there are more people who love me than those who hate me.

"At ngayong nandito na ako sa outside world, I’ll just prove to you all na kaya kong panindigan at kaya kong patunayan kung bakit ako nanalo."

DILANG-ANGHEL. Ayon sa co-host ng The Buzz na si Charlene Gonzalez, posible raw na na-misinterpret lang ang pagiging perfectionist ni Myrtle. Ipinaalala rin ng TV host na bago pa pumasok si Myrtle sa Bahay ni Kuya, sinabi raw nito sa kanyang ina na siya ang magiging Big Winner.

At nagkatotoo nga ang sinabi niya.

Ano ang nararamdaman niya ngayon?

"It’s parang... it hasn’t sink in to me completely. Parang right now, it’s still a dream and I’m very thankful sa lahat... sa lahat ng tao because I won’t be here if not for you.

"Alam n’yo, thank you, thank you sa lahat."

Bukod sa sinabi nitong one day, she will be PBB big winner, ano pa ang sinabi niyang ganoon sa buhay niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Myrtle, "I’ve always told myself na one day, I will defend those who cannot defend themselves.

"I will become a lawyer. I will become a CPA [certified public accountant]-lawyer."

JOINING SHOWBIZ. Ngayong Big Winner na siya ng PBB, malaki ang oportunidad para kay Myrtle na makapasok sa mundo ng showbiz. Kung saka-sakali, ano ba ang mas magiging prayoridad niya—ang maging lawyer o ang magiging showbiz career niya?

Nakangiting sabi ni Myrtle, "I’ll try my best talaga to manage both at the same time.

"If there’s an opportunity, it’s once in a lifetime talaga. Blessing yun.

"So, I would say that I will grab it but, at the same time, hindi ko kalilimutan ang studies ko."

THE LAST TASK. Sa Big Four, bukod-tanging si Myrtle lang ang gumawa sa huling task sa kanila ni Kuya. Ito ay ang sunugin ang gamit ng kanilang housemates.

Para sa iba, respeto sa kanilang housemates kung bakit hindi nila ginawa ang task. Kung respeto ang pinag-uusapan, bakit ito ginawa ni Myrtle?

Paliwanag niya, "I wanted to take risk for my dream.

"Kasi, I just want to take a leap.

"Kasi, at first, inisip ko rin, if it was my thing, I would burn it completely, okay lang sa akin."

Kung nagkataon na hindi siya ang nanalo, masasaktan ba siya?

"Hindi po," sagot ni Myrtle.

"Kasi this week, na-realize ko rin na I should be the tough teen na don’t expect too much.

"But at the same time, just do your best and whatever decision you make, panindigan ko na and whatever I do, yun na.

"I’ll just be very happy and I’ll just give my best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN